Site icon The Pinoy Site

Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 1/2)

Hello fresh graduates.
Wini-welcome ko na kayo in advance sa real world.

MUWAHAHAHAHAHAHA!!!!
BWAHAHAHAHAHA!!!

Wala lang, feel ko lang maglabas ng carbon monoxide.
Este, dioxide pala.

Bilang bagong graduates, as soon as possible ay dapat makapag-move on na kayo sa pagiging estudyante. I-dilute na dapat agad ang hangover mula sa student life at tanggapin ang mapait na katotohanang tapos na ang inyong maliligayang araw.

JOKE!

Mas maaga kayong makapag-umpisa sa paghahanap ng trabaho, mas maaga ninyong maiintindihan ang kalakaran sa job hunting.

At gusto ko kayo tulungang mga fresh graduates na makapagbigay ng maangas na impression sa inyong potential employer.

Kaya read on.

Ang unang-unang dapat n’yo gawin para maging matagumpay sa job interview ay ipasa yung entrance exam ng kumpanya.

EXAM NA NAMAN???! GRADUATE NA’T LAHAT, EXAM PA RIN???

Oo, ang buhay ng tao ay walang katapusang exam kaya tumahimik ka na lang at ipasa ito.

Hindi naman ito kasing hirap ng board exam o entrance exam ng College.
Aptitude test lang at gusto lang alamin ang general IQ mo.

Pag naipasa mo na ang test, mag-ready ka na sa interview.

Pero meron yatang mga kumpanya ngayon na interview muna bago test. Alin man ang mauna, may test pa rin na dapat ipasa.

Bago ang lahat, gusto ko lang ipagyabang na lahat ng job interview na pinagdaanan ko ay ipinasa ko at ako ang namili ng kumpanyang gusto mag-hire sa akin.

O, ‘di ba? Ang yabang ‘di ba?

Kaya gusto ko i-share yung nalalaman ko para makapasa sa iyong job interview.

careerguidetips.com

Heto ang mga mahihirap na tanong na lumalabas sa mga interview.

1. Bakit sa kumpanyang ito ka nag-apply?
2. Ano ang maiko-contribute mo sa kumpanyang ito?
3. Ang kurso mo ay ganyan pero ang trabaho dito ay ganito, kaya mo ba ang trabahong ito?
4. Ano’ng meron sa iyo na wala sa iba? Bakit dapat ka naming i-hire?
5. Kung sakaling matanggap ka sa kumpanyang ito, saan mo nakikita ang iyong sarili 5 years, 10 years from now? Ano na ang na-accomplish mo sa mga panahong iyon?

Ang hihirap na tanong ano?

Bago ko ibigay ang mga sagot sa tanong na iyan, heto muna ang mga dapat mong gawin bago yung interview.

1. Mag-research tungkol sa kumpanya

Alamin ang mga basic na impormasyon gaya ng ano ang produkto ng kumpanyang ito, ang mga benepisyong ibinibigay n’ya at schedule ng trabaho.

2. Mukha ka dapat tao sa araw ng interview

Walang pakialam ang kumpanya kung ilang araw kang tatagal nang hindi naliligo o ilang taon ka nang hindi nagpapagupit ng buhok o gaano karami ang tingga mo sa katawan.

Ipakita mo ang pinaka-maayos mong hitsura sa araw ng interview. Ibalik mo na lang yung tingga mo sa dila kapag na-regular ka na.

3. Mag-damit ng payak

Hindi gusgusin at mukhang yagit at hindi rin naman mukhang ikaw ang may-ari ng kumpanya. Parang magde-defend ka lang ng thesis o research paper. At huwag damihan ang paggamit ng pabango.

Plantsahin ang damit at linisin ang sapatos.

4. Sikaping magkaroon ng kumpletong tulog bago ang interview

Kailangan mong maging alert sa araw ng interview. Hindi mukhang distracted, matamlay at galing sa sakit. Kung mamimili ka ng isang araw sa buhay mo na masigla ka at punung-puno ng vibrance, glow, spontaneity at kung anu-ano pang positive vibes ay ito na ang araw na ‘yun.

Kelangan mo ng presence of mind sa araw ng interview.

5. Kumain ng mga siguradong pagkain

…na hindi sisira ng araw mo. Huwag mag-take risk sa mga pagkaing hindi ka sigurado kung ano ang magiging epekto sa iyo. Alam mo ang sarili mong katawan. Kumain lang ng mga pagkaing alam mong kasundo ng tyan mo.

6. Dumating ka bago ang oras

Dumating ka na ng tatlong oras na mas maaga sa schedule. Huwag na huwag ka lang pale-late ultimo isang minuto sa oras ng iyong interview dahil siguradong lagpak ka agad sa tardiness.

7. I-kondisyon ang isip at kalooban

Singhutin ang lahat ng confidence na mahahagilap sa iyong paligid. I-brain wash mo ang iyong sarili na lahat ng ibibigay na tanong sa iyo ay sasagutin mo ng may buong katalinuhan at karunungan.

Isipin mong ikaw ay nasa isang pakikipaglaban na kung saan ang mahina ay lalapain ng malakas. Kailangan may mentality ka ng isang warrior, isang gladiator, isang sundalo, isang MISS…UNIVERSE…CANDIDATE!

Ikaw ang pinaka-alert, pinakamabangis, pinaka-mabagsik na job hunter na nabubuhay! Wala silang makikitang kasing galing na empleyado na kagaya mo sa buong buhay nila saan mang sulok sila ng kalawakan magtungo.

You eat interviewers for breakfast! Growl! Growl! GRROOOOOWWWLLL!

parang wolverine dapat ang mindset hehe (marvel.com)

Ganyan ang mentality pero huwag na huwag mong ibe-verbalize ‘yan na maririnig ng potential employer at baka ipatapon ka palabas sa guard.

Sa susunod na post, ibibigay ko ang mga panukala kong sagot dun sa mga madalas na tanong sa mga interview.

Itutuloy…

Related Article: 10 Tips sa Matagumpay na Job Interview

Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...

Exit mobile version