Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 1/2)

Hello fresh graduates.
Wini-welcome ko na kayo in advance sa real world.

MUWAHAHAHAHAHAHA!!!!
BWAHAHAHAHAHA!!!

Wala lang, feel ko lang maglabas ng carbon monoxide.
Este, dioxide pala.

Bilang bagong graduates, as soon as possible ay dapat makapag-move on na kayo sa pagiging estudyante. I-dilute na dapat agad ang hangover mula sa student life at tanggapin ang mapait na katotohanang tapos na ang inyong maliligayang araw.

JOKE!

Mas maaga kayong makapag-umpisa sa paghahanap ng trabaho, mas maaga ninyong maiintindihan ang kalakaran sa job hunting.

At gusto ko kayo tulungang mga fresh graduates na makapagbigay ng maangas na impression sa inyong potential employer.

Kaya read on.

Ang unang-unang dapat n’yo gawin para maging matagumpay sa job interview ay ipasa yung entrance exam ng kumpanya.

EXAM NA NAMAN???! GRADUATE NA’T LAHAT, EXAM PA RIN???

Oo, ang buhay ng tao ay walang katapusang exam kaya tumahimik ka na lang at ipasa ito.

Hindi naman ito kasing hirap ng board exam o entrance exam ng College.
Aptitude test lang at gusto lang alamin ang general IQ mo.

Pag naipasa mo na ang test, mag-ready ka na sa interview.

Pero meron yatang mga kumpanya ngayon na interview muna bago test. Alin man ang mauna, may test pa rin na dapat ipasa.

Bago ang lahat, gusto ko lang ipagyabang na lahat ng job interview na pinagdaanan ko ay ipinasa ko at ako ang namili ng kumpanyang gusto mag-hire sa akin.

O, ‘di ba? Ang yabang ‘di ba?

Kaya gusto ko i-share yung nalalaman ko para makapasa sa iyong job interview.

Job-Interview
careerguidetips.com

Heto ang mga mahihirap na tanong na lumalabas sa mga interview.

1. Bakit sa kumpanyang ito ka nag-apply?
2. Ano ang maiko-contribute mo sa kumpanyang ito?
3. Ang kurso mo ay ganyan pero ang trabaho dito ay ganito, kaya mo ba ang trabahong ito?
4. Ano’ng meron sa iyo na wala sa iba? Bakit dapat ka naming i-hire?
5. Kung sakaling matanggap ka sa kumpanyang ito, saan mo nakikita ang iyong sarili 5 years, 10 years from now?Β Ano na ang na-accomplish mo sa mga panahong iyon?

Ang hihirap na tanong ano?

Bago ko ibigay ang mga sagot sa tanong na iyan, heto muna ang mga dapat mong gawin bago yung interview.

1. Mag-research tungkol sa kumpanya

Alamin ang mga basic na impormasyon gaya ng ano ang produkto ng kumpanyang ito, ang mga benepisyong ibinibigay n’ya at schedule ng trabaho.

2. Mukha ka dapat tao sa araw ng interview

Walang pakialam ang kumpanya kung ilang araw kang tatagal nang hindi naliligo o ilang taon ka nang hindi nagpapagupit ng buhok o gaano karami ang tingga mo sa katawan.

Ipakita mo ang pinaka-maayos mong hitsura sa araw ng interview. Ibalik mo na lang yung tingga mo sa dila kapag na-regular ka na.

3. Mag-damit ng payak

Hindi gusgusin at mukhang yagit at hindi rin naman mukhang ikaw ang may-ari ng kumpanya. Parang magde-defend ka lang ng thesis o research paper. At huwag damihan ang paggamit ng pabango.

Plantsahin ang damit at linisin ang sapatos.

4. Sikaping magkaroon ng kumpletong tulog bago ang interview

Kailangan mong maging alert sa araw ng interview. Hindi mukhang distracted, matamlay at galing sa sakit. Kung mamimili ka ng isang araw sa buhay mo na masigla ka at punung-puno ng vibrance, glow, spontaneity at kung anu-ano pang positive vibes ay ito na ang araw na ‘yun.

Kelangan mo ng presence of mind sa araw ng interview.

5. Kumain ng mga siguradong pagkain

…na hindi sisira ng araw mo. Huwag mag-take risk sa mga pagkaing hindi ka sigurado kung ano ang magiging epekto sa iyo. Alam mo ang sarili mong katawan. Kumain lang ng mga pagkaing alam mong kasundo ng tyan mo.

6. Dumating ka bago ang oras

Dumating ka na ng tatlong oras na mas maaga sa schedule. Huwag na huwag ka lang pale-late ultimo isang minuto sa oras ng iyong interview dahil siguradong lagpak ka agad sa tardiness.

7. I-kondisyon ang isip at kalooban

Singhutin ang lahat ng confidence na mahahagilap sa iyong paligid. I-brain wash mo ang iyong sarili na lahat ng ibibigay na tanong sa iyo ay sasagutin mo ng may buong katalinuhan at karunungan.

Isipin mong ikaw ay nasa isang pakikipaglaban na kung saan ang mahina ay lalapain ng malakas. Kailangan may mentality ka ng isang warrior, isang gladiator, isang sundalo, isang MISS…UNIVERSE…CANDIDATE!

Ikaw ang pinaka-alert, pinakamabangis, pinaka-mabagsik na job hunter na nabubuhay! Wala silang makikitang kasing galing na empleyado na kagaya mo sa buong buhay nila saan mang sulok sila ng kalawakan magtungo.

You eat interviewers for breakfast! Growl! Growl! GRROOOOOWWWLLL!

comics-wolverine-get-mad-teaser
parang wolverine dapat ang mindset hehe (marvel.com)

Ganyan ang mentality pero huwag na huwag mong ibe-verbalize ‘yan na maririnig ng potential employer at baka ipatapon ka palabas sa guard.

Sa susunod na post, ibibigay ko ang mga panukala kong sagot dun sa mga madalas na tanong sa mga interview.

Itutuloy…

Advertisements

63 thoughts on “Job Interview Tips Para sa Bagong Graduates (Part 1/2)”

  1. Sir san po ba pwede makapag apply kahit 2 yrs grad.. lang pero may ojt experience as I.T staff sa toyota …pwede kaya akong makapasok ng I.T … sa ibang kumpanya

  2. Bqt pg high school grad. Lng ang hrap tanggapin.? Kya ndi aqoeh nkakahanap ng trabaho at kailangan tlga nlah w/ experience.

  3. ahm hello po ang ganda po ng composition nyo mtanong qu lng po kung hanggang kailan buwan nghihire yun mga companies ng employees iniisp qu po kc kung mgwowork muna po aqu ng ndi related sa course qu pra lng po mkakuha experience kc po simula ng nagstudy po aqu ndi qu pa po naexperience mgwork na feeling qu po mahihrapan aqu o ndi nman po ano po ba ok pba yun thank u po in advance sa sagot nyo po ..

    1. walang specific date kung kelan nagha-hire ang mga kumpanya. depende iyon kung kelan sila mangangailangan ng mga empleyado. subukan mong mag-apply sa mga kumpanya kahit hindi sila hiring. okay lang din kahit hindi related sa course mo ang pinapasukan mo. nasa kumpanya na yun kung iha-hire ka nila or hindi.

  4. Fresh grad kc ako e d ko pa alam ng feeling ng maenterview pero tintry ko yung question mo nauutal ako magsagot buti d pa sa interview mismo

  5. hahaha πŸ˜€ nakakatuwa and natututu din graduating palang ako pero niresearch q na agad mga company na gstu q pasukan. and kinakabahan ako sa realworld ^_^ bdway thank u po sa tips

  6. Isa siguro sa magandang payo (bilang isang naging taga HR) makinig maigi sa tanong.. minsan kasi makulit ng interviewer. nakasulat na resume tinatanong pa. Ang purpose kasi noon, gusto malaman ng interviewer kung tama ba talaga ang nakasulat sa resume mo at alam mo kung ano ang isinulat mo. (baka kasi nanay mo o kuya mo ang gumawa). May mga tanong na medyo personal. Ito ang paraan para sukatin ang kakayahan mo sa pangangatuwiran at ang pagiging listo. Mahirap ung tinatanong tapos titingin lang (nganga!)
    Good luck sa mga maghahanap ng trabaho. πŸ™‚

  7. hello, RP… binasa ko uli at may bwahaha pala talaga, hindi pala invisible, hihihi. ganda talaga ng composition, masaya at agressive mula simula hanggang dulo – may wolverine ba naman sa huli? growl! πŸ˜‰

    1. hello, ate san. salamat sa pagbabasa ulit at pag-appreciate ng komposisyong ito. na-scan ko pa lang yung sabah issue post mo, hehe maghahanda ako ng butong pakwan sa pagbasa nu’n πŸ˜€

  8. Haha namp*cha! Tawang tawa ako lalo na kay Wolverine.
    Isa sa gusto ko sa interviewing ay pwedeng magmayabang ng hindi nakokonsensya.
    Yung pwedeng mang-echos ng walang pakundangan. πŸ˜€
    Tama lahat ng tips mo. Exciting dahil may part 2 pa pala….abangan!

    1. hello, june. sensya na sa late na reply. ang hirap mag-maintain ng blog kapag maraming ginagawa. sira sa cyberlife talaga ang private life hehe

      nai-post ko na ang part 2. mapatawad mo sana ako sa pag-edit ko sa isang detalye ng comment mo.

      1. Ay oo nga pala! Naku na-carried away ako. I swear kahit sa personal, di ko sinasabi yan hehe. Kakabasa ko lang yata kasi ng post about sa pagmumura kaya ganun. (sa presinto ka na magpaliwanag πŸ™‚ )
        Tama, panira sa cyberlife ang private life. excited na ako sa part 2 kaya ‘ciao’ muna here.

  9. hello, RP… ahaha, this post rocks. isa ito sa peyborit ko sa posts mo – tawa ako ng tawa sa bawat line halos, kainaman na. ang sisimple at boldyak ang mga hirit…. shaks, ba’t mo alam ang uma-attitude na applicants, ha… pambihira ang insights mo sa human nature, kapatid. πŸ™‚

    gusto ko ang tip no. 2 at ang hirap ng tip no. 4, hahaha… may utang pa pala me sa ‘yow, hano… happy week and regards! πŸ™‚

      1. o, e, bakit, ang ganda kaya? ang salbaheng pasimple… πŸ˜‰ btw, nagustuhan ko ang pag-welcome mo sa new graduates, parang may invisible bwahaha (hahaha). utang – reply.

        btw, may draft post ako sa Sabah issue pero no’ng isang araw pa, di ko ma-decide yet kung ipo-post. baka di basahin or others might find the discussion too complicated… btw, ano na’ng update sa Sabah issue, RP…

        aba, mag-comment ka kaya sa recent post sa SSA. tamo ‘tong mga ‘to, akala mo naman, kanta ko ang mga yon – kanta kaya ni Madonna at ni Cookie Chua? hahaha. yun lang ang ginawang post to give time sa pag-draft ng Sabah discussion. ayon… ayan, punta ka na ro’n at mag-comment ka, kapatid, hahaha. hello…. πŸ™‚

      1. Hallo RP! ^_^
        ayos pa rin naman po dito. Medyo ngarag lang hihi. Naghahanda sa isang malaking pagbabago. Sana maging ok saan man mapadpad πŸ™‚

        Gandang gabi…

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.