Mga Maaaring Pagkakitaan Kahit Habang Nag-aaral

Kung isa kang estudyante na gustong kumita ng sarili mong pera sa iyong mga libreng oras, narito ang ilang mga paraan para kumita ka kahit na habang nag-aaral.

kumita habang nag-aaral

1. Mag-trabaho para sa mga kakilala, kamag-anak o pamilya

Nung elementary student ako ay sumasama ako sa kapitbahay namin na nagbabalot ng uling. Medyo marumi yung trabaho pero madali lang naman at kalaunan ay naging negosyo rin ng pamilya namin ito.

Kung meron kang kilala o kamag-anak na merong business, subukan mong mag-apply at makipag-negotiate kung magkano yung kikitain mo sa isang araw. Wag ka na lang masyadong demanding kung baguhan ka pa lang.

2. Magbenta ng sariling produkto

Nung hayskul at college years ko eh nag-drawing ako para sa iba’t-ibang tao. Merong mga kaklase, kapitbahay at kamag-anak. Meron ding mga nagpa-drawing na mga hindi ko kilala at kaanu-ano. Nabighani siguro sa gawa ko hehe.

Meron naman akong college classmate dati na kumikita sa pagtu-tutor sa math. Kung meron kang skills or products na kayang i-produce na sa tingin mo eh marketable, pwede mo yang pagkakitaan.

3. Summer jobs ng gobyerno

Hindi ko alam kung meron pang ganito ngayon pero nung highschool ako eh naranasan kong maglinis ng public schools at public market dahil dito. Fixed ang bayad at hindi makaka-apekto sa iyong sweldo ang performance mo sa iyong trabaho.

Ang problema lang dito ay yung palakasan system. Kung wala kang kamag-anak sa lokal na baranggay o kaya city office, hindi ka makakapasok dito.

Kontroladong kontrolado ang mga nakakapasok dito. Pero subukan mo pa rin, agahan mo na lang ang pag-inquire at pag-apply at baka sakaling maawa sa iyo yung nagpo-process ng mga application.

4. Part-time crew sa mga food chains

Nag-trabaho ako para sa Greenwich nung college ako. Magandang experience ito kasi sa bangko na ako kumukuha ng sweldo tapos meron pang login at logout. Feeling totoong trabahador na.

Nakita ko pa sa personal si Ricky Davao 😀

Maraming mga food chains ang pini-prefer na mga estudyante ang kuning crew at part-time workers kasi hindi obligadong gawing regular ng mga food chain ang mga estudyante lalo na yung mga tig-2 months lang nagta-trabaho. Madali lang matutunan ang trabaho sa mga fast food. Isang linggo lang, professional ka na. At sa dami ng mga food chains ngayon, hindi maaaring hindi ka makapasok sa mga ito.

Meron ding karagdagang benefits lalo na kung makapasok ka sa medyo sikat na foodchain gaya halimbawa ng libreng meal mula sa kanilang menu. Subukan mong mag-apply sa Kenny Rogers, masarap yung muffin nila.

5. Online (freelancer) part-time jobs

Di ko pa ito nasubukan pero may mga alam akong kumikita sa pamamagitan nito. Kung meron kang sariling computer at mabilis na internet, nire-recommend kong subukan mo ang rarejob philippinesodesk.com at freelancer.com for starters. Gumawa ka ng account at tingnan mo yung mga available jobs na yakang-yaka mong gawin. Marami pang ibang mga website ang kagaya niyan at pwede kang mag-register sa lahat ng ito hangga’t kaya ng kapasidad mo.

Pwede kang magturo ng English, magsulat para sa blog, gumawa ng thesis, mag-translate ng document, mag-research, mag-input ng data at kung anu-ano pa na pwedeng gawin sa loob ng bahay.

Marami pang ibang pwedeng mapagkakitaan kahit bata pa at nag-aaral. Basta ilagay mo lang lagi ang pag-aaral sa iyong prayoridad. Umiwas sa mga trabahong labag sa batas, makakasama sa iyong kalusugan at personal na kaligtasan. At siyempre dapat may permiso mula sa iyong mga guardians.

Photo by: Sebastian ter Burg (photo use permission via Attribution 4.0)

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

13 replies

  1. Hi po im grade 8 student from cavite kung nag hihire po kau sa mga fast food chain please paki inform lang po or kahit anobg trabahao po basta ung marangal.Pang dagdag lang po kay mama tsla para sa allowance po namin magkapatid..this is my number 09068747200 thanks you
    Ps:sana po ung pang morning shift panghapon po kase ang pasok ko

  2. Hello po gsto ko po magkaroon ng pagkakakitaan para makabawas ako sa gastusin pm me po sa number ko 09488262084.

  3. Hello po! Mag grade 12 na po ako sa susunod na pasukan. Gusto ko po sana mag work sa fast food chain, bakery, etc. basta hindi illegal at mapagkakakitaan ko po. tsaka yung pang night shift lang po pang dagdag ng tuition ko at ibang gastusin ko po..
    Tawagan nyo lang po agad ako sa # ko 09095216532

  4. Paano po mag apply sa part time crew sa mga food chains pls help I need work kahit Anu po yan kakayanin ko tawagan nyu nalang po ako 09352457893

  5. hi!!
    grade 9 students po ako..gusto ko po sana mag oart time job..kung may alam po kau kung saan mayroon pwede po tjlungan nyo po ako.

  6. Hi I’m a grade 9 student gusto mo Sana mag summer job Sa fast food chain Para makaipon Ng pera Para Sa next school year Ko if meron po kayong alam na hiring pa please pm me po thank you and god bless 😊

  7. paano po kaya sa online part time job?

  8. Hi, I’m a grade 11 student Gusto ko sana sa fast food chain magwork yung night shift..pm po me if meron po kayo alam na hiring pa..thank you po and Godbless😊

    • lahat ng fast food pasahan mo ng resume kung dimo alam gumawa ng resume mag search ka kung cno yung unang mag t txt sa u d dun ka minsan kahit walang naka paskil na hiring pag my nag apply kinukuha kanila minsan iniipon yung mga resume para pag interview lahat na kau my mga requirements lang lalo na sa medical maraming requirement basta magpas kalang pagnalaman nilang part time ka tatanungin ka kung anong free time ka mahirap mag work sa fastfood pero kung pursigido ka masasnay karin pag walakapang 18 pag pa 17 ka palang dala ka ng letter ng parent or guardian

  9. Ngayon ko lang nabasa ito… alam ko na gagawin ko sa susunod na summer! Hahaha!

  10. pde dn maging alalay ng mayamang kaklase

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: