Kelangan Ba Ang Dot Com?

Usapang techie muna tayo. Naks, wala pa akong isang taon nagbo-blog, feeling maalam na sa internet. Pagbigyan n’yo na ‘ko, para naman may mai-post ako hehe

kelangan ba ng domain

importante ba magkaroon ng sariling domain? (redorbit.com)

Sa totoo lang, pinag-iisipan ko na kung magtatatag ba ako ng sarili kong domain sa mundo ng internet o hindi.Β Para bang bibili ako ng lupa para tayuan ng bahay para hindi ako laging nakikitira lang (kahit na libre pa s’ya).

Marami akong nakikini-kinitang benepisyo ng pagkakaroon ng sariling domain:

  1. Pwede ko pagkakitaan ang website ko
  2. Pwede ako magbenta ng mga bagay-bagay
  3. Pwede ako maglagay ng link papunta sa mga sponsor

Teka, puro monetary purposes ah. Actually, yun talaga ang pinaka-purpose na nakikita ko sa pagkakaroon ng sariling domain. Parang nagtatayo na rin ako ng tindahan o establishment kapag nag-register ako ng domain name.

Para bang mabibigyan mo ang iyong sarili ng professional na imahe sa internet kapag may sarili kang domain name. Imaginin na lang natin ang ABS-CBN o GMA Network News na merong “.wordpress.com” o “.blogspot.com” sa hulihan ng kanilang url. Kaawa-awa ng dating, ‘di ba? Ano, nagtitipid? Hehe

‘Di naman ako nagmamadaling magkaroon ng sariling domain dahil wala pa naman akong gusto ibenta. Hindi rin naman ako sakit, este, sikat. Hindi pa naman household name ang “thepinoysite” o ang “residentpatriot”.

Pero just in case na pumanig sa aking pabor ang alignment ng mga planeta, ng mga elements ng earth, ng mga molecules sa dagat at ng mga quantum particles sa sulok ng kalawakan (lahat ‘yun sabay-sabay dapat mangyari) aba’y dapat ready ako.

Kaya tumitingin-tingin na ako ng mga posible kong pagtayuan ng sulok kong takda sa ibabaw ng world wide web. Mahirap na rin at baka maunahan ako sa pag-register ng gusto kong domain name at kailanganin ko pang bilhin yun sa napakamahal na halaga.

Isang sinubukan ko ay ang Infinite.ly.

infinite.ly registration pageKagaya ng wordpress at blogspot, hindi kailangan ng kaalaman sa programming para mai-setup ang sariling website gamit ang Infinite.ly at hindi mangangailangan ng maraming oras para maging pamilyar sa mga tools sa paggawa ng sariling website dito.

Heto ang nagawa kong website:Β http://residentpatriot.com

So far eh salat na salat pa sa kalamnan ang site na ito kaya ‘wag n’yo kong malait-lait sa aesthetic aspect nito dahil sinusubukan ko pa lang ito. (Taray ano? hehe πŸ™‚ )

Nangako ako sa Infinite.ly na magbibigay ako ng review sa serbisyo nila kung ipapasubok nila sa akin ang premium account ng walang bayad. Kaya heto na ang aking review.

Pros Muna

1. Mas madali ang mga commands nito kesa sa wordpress at blogspot, kaya kung kaya mo gamitin ang wordpress at/o blogspot, yakang yaka mo gamitin ito.

2. Mura na s’ya sa halagang 1600 pesos a year.

3. May mga libreng special fonts ito na hindi makukuha ng libre sa ibang mga blogging site.

infinite.ly fonts

importante ang fonts! huwag itong ipagwalang-bahala! huwaaaag!!!

4. Mabilis ang customer service. Nung hindi ko ma-access ang account ko, wala mang 24 hours ang lumipas eh inasikaso nila ‘ko agad.

Cons Naman

1. Minsan hindi nagre-respond ng maayos ang mga tool commands (o baka mabagal lang ang pc ko :))

2. Maliit lang ang file storage capacity n’ya (50MB) kumpara sa 3GB free storage na binibigay ng wordpress.

3. Wala pa s’yang multiple upload capacity (‘di pa n’ya kayang mag-upload ng maraming files ng sabay-sabay).

Sa ngayon, ito pa lang ang mga masasabi ko tungkol sa website na ito, hindi pa kasi ako tapos sa pag-evaluate. Bago pa lang ang hosting service na ito kaya marami pang improvements ang nakikita kong maaari nilang gawin sa malapit na hinaharap.

Kung may alam din kayong pwedeng subukan na hosting service, pa-share naman.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

39 replies

  1. Hello po..I am 45 years old at gusto po sanang mag patutor and coach paano ko magawa ang blogsite ko kasama na ang pagpili ng website hosting and domain..sana po malapit po kayo sa manila kasi taga siniloan, laguna lang po ako..
    .my contact no is – 09497160726/09063657621.
    https://www.facebook.com/tata.nong.77
    ….salamat po.

  2. ok to sir..kaya marami ka ng followers..sana matuto ako sa mga posts mo..goodluck! I’ll keep visiting your blog.

  3. sinubukan ko rin mag dot.com iniisip ko kasing gumawa ng website para sa isang kaibigan na may negosyo. kaso lang nakakatamad gumawa ng website mabusisi at ang dami ko pang kelangan malaman kagaya ng RSS etc.. sabi ko antayin ko na lang ang anak kong panganay tutal iyon naman ginagawa nila sa school ngayon ang gumawa ng website.. pag nagkataon! ang planong dot.com matutuloy na. πŸ™‚ maghohost na lang ako ng mga website kikita pa. πŸ™‚

  4. ei, di ba ako nag-iwan ng comment dito, kapatid? parang nag-iwan ako rati… or, nagiging ulyanin na me? di pa naman siguro, hehe. itong si wp, medyo nadadalas makawala ng comments recently, as in… pati sagot ko sa comments sa sarilingsites, missing in action, ang saklap, ahaha.

    hello lang. may balak me na letter sa ‘yong never got the time na isulat pa, hihi. hope i can sit down and really write it na, pambihira. hope things are well. winter pa ba? medyo mainit na rito, kapatid. ang weird talaga ng weather nitong mga huling panahon, hehe.

    ay, off topic. maalala ko, sa recent dpsa post (dumaan ka ro’n, di ba), may graph showing the Gini score of japan, ahihi. i hope that answers your query re: north-south dichotomy na di ganoon ka-pronounced sa land of the rising sun… ayon, medyo equitable society ang japan, kainggit lang, hihi. regards, regards… πŸ™‚

    • hello ate san, nag-comment ka tungkol sa dot com nung bumisita ako sa post mo hehe nalilito rin ako minsan kung saan ako nag-comment eh πŸ™‚ sige, tingnan ko yung gini score ng japan sa iyong DPSA blog site. at naiinis na ako sa lamig ng aking kinaroroonan grrrr…brrr…

      tungkol sa letter, take your time πŸ˜€ ingats…

      • hello, RP… a, gano’n? sa site ko ikaw tsinika re: dot com? ahihi. oh, well, eniweys… basta, madalas maka-misplace ng typed comments si manong WP recently, whehe… ^^

        ei, ang ganda raw ng Japan. my sister and her friends went there recently. parang maganda nga sa pics… tapos, we’ve an older sister who went there a few years back pa. ang reklamo (haha) nya e, ang mamahal daw ng bilihin as in. mas mahal pa raw sa New York and ang mga tao raw dyan, parating on the go at parang di namamahinga, hehe, senga? πŸ™‚ eniwey, malamig na talaga? spring pa lang, di ba? balot ka na? ahaha…

        hmn, i’ll write it na, i guess. regards sa nilalamig… πŸ˜‰

        • hi, ate san. sana ikaw din makabisita sa japan sa malapit na hinaharap. patapos na ang winter sa japan at nababawasan na ang lamig (at last)…pollen grains naman sa hangin ang kasunod na problema, hrgh!

  5. Salamat RP sa mga inpormasyon na ito. Ahhh baka sa pagdating pa ng panahon ang Dat Kom para sa lolo pero maganda itong iyong pagsasaliksik. Salamat sa pag share. God Bless!

  6. basa-basa lang muna ako dito…. matagal na akong nagretiro sa mga web hosting issues kaya di na valuable ang inputs ko… basta makikibalita lang ako sa mga updates mo hehe
    Looking forward sa dotcom mo.

  7. namiss ko tuloy ang dating dotcom ko. 😦

    yun oh magdodotcom na din siya wheeee :p

  8. gusto ko ring mag dot com kaya lang baka naman langawin. At wala rin naman pala akong ilalako maliban sa puri kong langaw din ang nakaka appreciate. hehehe. ayun.. magulo ba?
    Kidding aside, siguro nga, mainly monetary reasons yung dahilan to shift to dotcom from free-hosting domains. Ang dami ko ring questions about this, kung kumikita ba talaga yung blogs and english blogs lang ba talaga ang required medium. in the meantime, sa wordpress muna ko magtatanim ng mga kung anu-anong sh*ts sa blogosphere.. nga pala, pinuntahan ko yung dot com mo. asteeg ng mga sketches dun.. may free lessons ka ba? hehehe.. paano ba magpost ng mga drowings? yung ginawa ko dati, pinicturan ko lang tapos insert lang sa post. is there a better way? dami ko tanong,hehehehe

    • hello, lipadlaya. kapag na-assemble mo na yung mga akda mo, may mga ibebenta ka ng libro hehe pwede ka na mag-sariling domain nun. di ko rin alam kung may kinikita yung mga website, depende pa rin siguro sa traffic na tinatanggap at kung may magbabayad ng ad space sa iyong website. inaalam ko pa din.

      pasensya na pala at inedit ko yung isang character ng comment mo, patawarin mo po ako.

      salamat sa pagbisita dun sa testing testing na kunwa-kunwaring website na ginawa ko hehe binigyan mo ko ng idea…baka pwede akong gumawa ng free online lessons sa drawing para makahakot ng maraming bisita sa gagawin kong website sa malayong malayong hinaharap hehe

      gumagamit ako ng scanner para sa mga drawing ko at sine-save ko as .png o .jpeg, mas maliit kasi ang kunsumo sa storage capacity ng mga yun. kina-crop ko na lang at nilalagyan ng url nung blog ko bago ko i-post πŸ™‚

  9. Naisip ko na rin mag dot com dati, kaya lang feeling ko lalangawin lang at di ko maaasikaso… Pero malapit na, kapag medyo nakapag handa ako at nakaipon ng malaki, by next year magiging realidad na ito…

    Mag dot com ka na RP!

  10. dun ba sa host ng site mo ngayon (infinitely), pwede gumamit ng wordpress template?

    anyway, for website template, nakita ko mas maganda yung sa wix.com… mahal nga lang din kung sila ang mag-hohost.. pwede rin libre… “.wix.com” ang site mo. maganda kasi yung portfolio template nila eh. hirap nga lang i-navigate at customize yung page (or di ko pa lang explored mabuti). kung magbebenta ka kasi, maganda rin dito sa wix, connected sya sa paypal at pwede mong icustomize na parang merong “add to cart” at payment agad. di ko pa nga nasubukan… di ko pa alam ibebenta ko eh.. heheheh! pero balak ko rin yan.

    marami namang murang domain name registration site eh. meron din murang hosting.. nakita ko sa sulit.com.ph at buyandsellph.com… grabe ang research no?.. hahahahah!

    give us updates! πŸ™‚

    • maraming salamat sa info tungkol sa wix.com, pag-aaralan ko rin yang host na yan…wala akong palalagpasin sa mga ‘yan wahahaha

      yung infinite.ly, merong sariling mga template. wala akong nakitang pwede gumamit ng ibang template, pero baka di ko lang napansin. pero nung ginagamit ko s’ya, wala akong nakitang ibang option. meron ding support sa paypal at shopping cart yung infinitely.

      pero kung maglalagay din lang ako ng “.wix.com”, “.infinite.ly”, “.webs.com”, at kung anu-ano pa eh sa hulihan ng aking site name eh sa wordpress or blogspot na lang ako. ito na ang best blog platforms na alam ko. mas mataas ang traffic sa mga ito at malawak ang community. mas “masaya” ika nga hehe

      ‘pag nakapag-desisyon na akong maglipat sa sariling domain (kung kelan man ‘yun) ia-announce ko rin. pati yung mabusising review nung future web hosting service na mapipili ko (kung kelan man ‘yun, ulit).

      • sige.. update mo na lang kami kung kelan ka magkakaron ng sariling domain… punta ka sa sulit… merong 400 pesos lang yata per year… (super mura noh).. hehehehe! me custom email pang kasama… balitaan mo ko kung okay ba yun.. paregister din kami. πŸ™‚

  11. Bakit di nalang sa wordpress mismo bumili ng domain kuya?

  12. ganda na mga info sir.. tama ka nga sir sa iyong tinuran..

  13. naisip ko lang pala, edi mawawala na yung notifications (or the wp dashboard itself)

  14. Mahal ang 1600 pesos a year. Sa ibang hosting services, unlimited domain name hosting na yan, with unlimited bandwith at unlimited storage capacity.

  15. buti may tip na ganito.. plano ko kasi i-dot com ang website ng BMIM para mas ashtig.. pero dahil wala pa naman budget at di pa maasikaso, tyaga muna sa dot TK.. hehehe

    salamat dito adre, ngayon may naidagdag na rin sa ideya namin..

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: