Maligayang 2013 sa Ating Lahat!

Hello kaPinoy. Isang maligayang bagong taon sa iyo. Ang tagal kong hindi nakapag-update ng blog na ito. Napasarap masyado sa bakasyon.

Umuwi ako sa Pilipinas for 2 weeks at nakalimutan kong may blog pala ako hehe joke. Hirap lang talaga makapag-update kapag bakasyon mode. Paumanhin sa mga hindi ko na-replyan agad sa comment at hindi ko nabisitang post for the nagdaang weeks.

Medyo bangag pa ako sa bakasyon kasama ang aking mag-ina at mga kaanak. Pakiramdam ko’y wala pa ako sa aking sarili at hindi makapaniwalang nasa ibang bansa na naman pala ang aking katawan. (Ang puso’t isipan ko’y nasa Pilipinas lagi.)

Naghahanap na nga ako ng raket, este mapagkakakitaan sa Pilipinas para makapag-retire na ako sa pagiging OFW at nang makapiling ko na lagi ang aking pamilya.

balikbayan goods from pinas

hindi maaaring kalimutan magbaon ng pinoy goods pagkatapos magbakasyon sa atin

Syempre hindi maaaring mawala ang mga baong wet at dry goods mula sa Pilipinas pagkatapos ng bakasyon. Sa tingin ko minsan eh dapat bawas-bawasan ko ang pinagbibili ko dahil bumibigat ang karga ko dahil sa mga ito. Pakiwari ko’y magkaka-hernia ako sa pagbubuhat ng mga bagahe ko.

Pero nakakatulong ako sa ekonomiya ng Pilipinas kaya ayus lang. Gawan ko na lang ng paraan pag nadisgrasya ang pinanggagalingan ng testosterone hormones ko.

Ang kaugalian na magbaon ng goods mula sa sariling bansa ay hindi unique sa mga Pilipino. May alam akong mga Amerkano, Indian, Korean, Australian at iba pang lahi na kahit nasa ibang bansa ay sadyang nagtatabi ng pagkain o anumang goods mula sa kanilang sariling bayan. Mahirap talaga mapahiwalay sa nakasanayan (lasa, entertainment, kemikals atbp.).

Sa tuwing umuuwi din ako ay marami akong pinapansin sa paligid. Ilan sa mga napansin ko ngayong bakasyon ang mga sumusunod:

  1. Mabilis ang immigration process sa airport para sa mga arriving passengers
  2. Malinis na ang banyo sa arrival area ng airport
  3. Kahit saan mapadpad sa syudad, may makakainan
  4. Napakaraming naglipanang “For Registration” na sasakyang tumatakbo sa kalsada
  5. Mahilig pa rin magsipag-hi beam ang maraming mga sasakyan sa gabi
  6. Marami sa mga pagkaing pang-holiday ang masama sa puso
  7. Marami na ang naglipanang campaign materials sa mga pader, bubong at poste
  8. Kakaunti na lamang ang nagpapaputok sa amin (matipid na, ligtas pa)
  9. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nasa ibang bansa na
  10. May mga bagay na mas magastos pa sa Pilipinas kesa presyo ng ibang bansa

Marami rin akong nakuhang mga bagong idea para sa future posts ng blog na ito. Kelangan ko lang ay oras at concentration 😀

Masaganang pagpapala sa ating lahat ngayong 2013!



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

23 replies

  1. Yung komiks (lalo na yung kikomix). HAHAHA :)) Pati na rin yung Bob Ong. Sunflower crackers. HILLSONG! 😀 And shirts. YEAH, you are so aweeeesome! Pareho po tayo ng hilig. :3 Happy at nakasama ninyo ang inyo pong pamilya. Si Papa kasi di nakauwi samin kaya super happy ako na nakauwi kayo. 😀 Godbless!

    • ahaha, nakita mo pala yung kikomachine kahit medyo natatakpan…oo, kelan ko lang nakahiligan yung mga gawa ni manix abrera, pero hindi ko pa nababasa yang nasa picture na kikomachine. pati yung bob ong hindi ko pa nababasa hanggang ngayon, naka-plastic pa rin sila hehe

      overseas din pala ang papa mo, sana makauwi na sya next time, ang lungkot magpalipas ng holiday pag malayo sa mga mahal sa buhay.

  2. hi RP, i love reading your blog specially sa mga experience mo ,agree talaga ako sayo if nasa bakasyon ka may mga bagay talaga na pansamantala nating malimutan dahil yan sa tuwa na nadarama natin.Happy month of the hearts po.

  3. Ang sarap magbasa ng kwento ng isang nagbakasyon sa bayang sinilangan. Parang naglakbay na rin ako dahil sa sampung bagay mong na-obserbahan sa iyong pag-iikot sa atin.

    Ayy panalo ito…”Kahit saan mapadpad sa syudad, may makakainan”. At siguradong may pasok sa ating budget palagi.

    Happy New Year at Happy Next Vacation RP!

  4. Apir sir sa Pugad Baboy at Crispy fry mix! Haha. Christian Music CDs ba yung nasa kanan?

    Mabuti at nakapagbakasyon din kayo sir! Happy New Year!

    • gud eve, gord…nagbabasa ka rin ba ng pugad baboy? dami ako binaon ngayon hehe pati na rin mga cooking mix.

      hillsong yung dalawang cd dun sa picture. wala kasi ako mahanap na ganyan dito sa japan. kung meron man, napakamahal. looking forward sa next bakasyon 😀

  5. hello, RP… parang nag-greenhills ang isa ryan? ahaha. or, divisoria? ikaw na ang may stash… 😉 hala, tama ka sa luminis ang CR ng airport, aliw di ba? pati nga ang dating MIA (terminal 1), ang linis na at ang ganda ng CR. napahanga naman ako (haha, sanay na sa maruming public CR). ba’t two weeks lang, akala ko, three weeks ang homing event mo, sayang… oh, well, sana ay naka-bonding ka at naka-pahinga. parang na-exhaust ang wallet mo, haha… kaway-kaway! 😉

  6. Umuwi ka rin po pala sir, ako din kbabalik lang (pero same same, nasa Pinas pa ang puso at diwa ko hehehe) parang hang ober lang – one week version, sana nga ay bakasyon na ulit! 🙂

    Can’t help but smile dahil similar items din dala ko pabalik plus Goldilocks polvoron (na sold out sa opismates), at ung pag-iisip na kung ano ba pwedeng gawin sa Pinas pra makauwi na for good hehehe.

    Meantime, work muna ulit para mareplenish ang nasaid kong atm hehe, and yes, update posts.

    Apeeee New Year po! 🙂

  7. Hinahanap ko kung may neskape sa goodies mo, hehe. Welcome home and have a safe flight ulit! 😀

  8. Sarap naman ng mga yun. *Drool*

  9. Happy New Year Brod!
    Mabuti at nakapagbakasyon ka sa piling ng iyong pamilya. Yan na yata ang ultimate kaligayahan ng mga pinoy tuwing Holidays, ang makasama ang family sa kahit anong paraan.
    Nakakatuwang tingnan ang larawan. Pag isa-isang tiningnan parang wala lang pero masaya pag pinagsamasama. Tiyak maeenjoy mo yan lahat. Lalo na ang shirt. Kung nasa Japan ako at nakita ko yang suot mo, tiyak kakaibang tawa at tuwa ang mararamdaman ko.
    Tama ang mga napansin mo, nakakatuwa na nakakalungkot kaunti pero ang importante patuloy tayong nakikibaka at nagsasaya kahit ano pa mang sitwasyon ang ating kinasadlakan.
    Excited na ako sa mga future posts mo. 😉

    • Salamat sa pagdaan, June. Good for ilang months lang ang mga ito at sakto sa paguwi ko ulit hehe

      Tama ka, sa ano mang sitwasyon, may dahilan para magsaya at i-enjoy ang biyayang meron tayo. Maligayang Bagong Taon din sa iyo 🙂

  10. Wow at galing pala kayo sa bakasyon… (nakakainggit ^_^)
    At wow uli nakita ko ang SUNFLOWER CRACKERS 🙂

Leave a Reply

%d bloggers like this: