Tag Archives: mga kuwentong ofw

Lahat ng OFW, Pinapauwi Na

View at the top-Tent City Jeddah
mga OFW sa riyadh…
(migranteme.blogspot.com)

Pinag-utusan ng Pangulo ang lahat ng embahada ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa na pauwiin na ang lahat ng mga OFW sa ibayong dagat.

Bunsod ng mga lumalalang sitwasyon ng mga OFW sa mga bansang gaya ng Taiwan, Saudi, Syria, China at sa mga naapektuhan ng Economic crisis sa Europa, Amerika at ibang bahagi ng Asya, nagpatawag ng closed door meeting ang Pangulo na kinabibilangan ng ilang myembro ng Gabinete, mga Kagawaran, Senado at Kongreso.

Bilang tugon na rin ng Pamahalaan sa lumalaking problema ng kakulangan sa mga skilled workers at eksperto sa bansa, nagdesisyon ang Pamahalaan na pauwiin sa Pilipinas ang lahat ng mga OFW.

“Yung mga OFW ay pwedeng mag-train sa mga bagong trabahador at mga kasalukuyan nang mga manggagawa. Hindi na natin kelangan gumastos para magpadala ng mga trainees sa ibang bansa.” ayon kay Ayala Corporation President Fernando Zobel de Ayala.

“Kulang na kulang tayo sa mga empleyadong may expertise at experience sa iba’t ibang larangan ng industriya sa ating bansa.”, komento naman ni DOLE Sec. Rosalinda Baldoz sa isang panayam.

“Kung mapapauwi natin ang ating mga OFW, magkakaroon tayo ng mga highly skilled at experienced workers na magbu-boost ng ating ekonomiya. Plus, yung mga kaalaman na natutunan nila sa ibang bansa ay mayu-utilize at mas made-develop pa natin para sa lalong ika-uunlad ng Pilipinas.”, dagdag ng Kalihim.

“Ano ka?! Kung mapapauwi lang natin ang mga OFW, makakabuo tayo ng isang buong syudad ng mga skilled workers ‘no?! International level pa!!! “, sabat naman ni Vice Ganda.

Pumalo sa pinakamataas na puntos ang stock market ngayong buwan ng Mayo bunsod ng paglago ng ekonomiya at interes ng iba’t ibang bansa na mag-invest sa Pilipinas. Subalit marami pa rin ang nagrereklamo na hindi ito nararamdaman ng mga pangkaniwang mamamayan.

Naniniwala ang Malacañang na ang paguwi ng mga OFW sa Pilipinas ay magpapalakas lalo sa umuunlad na industriya ng bansa. Bagay na magpapalakas umano sa tiwala ng mga foreign investors sa ating bansa at magdadagdag ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sasagutin ng OWWA, POEA, DOLE at DFA ang lahat ng gastos para sa repatriation ng mga OFW na tutugon sa panawagang ito ng Pangulo.

Ipinangako din ng Malacañang na may naghihintay na trabaho para sa lahat ng OFW na uuwi sa Pilipinas at ang mga trabahong ito ay magma-match sa kanilang working experience.

**************************************************************************
Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements

Maligayang 2013 sa Ating Lahat!

Hello kaPinoy. Isang maligayang bagong taon sa iyo. Ang tagal kong hindi nakapag-update ng blog na ito. Napasarap masyado sa bakasyon.

Umuwi ako sa Pilipinas for 2 weeks at nakalimutan kong may blog pala ako hehe joke. Hirap lang talaga makapag-update kapag bakasyon mode. Paumanhin sa mga hindi ko na-replyan agad sa comment at hindi ko nabisitang post for the nagdaang weeks.

Medyo bangag pa ako sa bakasyon kasama ang aking mag-ina at mga kaanak. Pakiramdam ko’y wala pa ako sa aking sarili at hindi makapaniwalang nasa ibang bansa na naman pala ang aking katawan. (Ang puso’t isipan ko’y nasa Pilipinas lagi.)

Naghahanap na nga ako ng raket, este mapagkakakitaan sa Pilipinas para makapag-retire na ako sa pagiging OFW at nang makapiling ko na lagi ang aking pamilya.

balikbayan goods from pinas
hindi maaaring kalimutan magbaon ng pinoy goods pagkatapos magbakasyon sa atin

Syempre hindi maaaring mawala ang mga baong wet at dry goods mula sa Pilipinas pagkatapos ng bakasyon. Sa tingin ko minsan eh dapat bawas-bawasan ko ang pinagbibili ko dahil bumibigat ang karga ko dahil sa mga ito. Pakiwari ko’y magkaka-hernia ako sa pagbubuhat ng mga bagahe ko.

Pero nakakatulong ako sa ekonomiya ng Pilipinas kaya ayus lang. Gawan ko na lang ng paraan pag nadisgrasya ang pinanggagalingan ng testosterone hormones ko.

Ang kaugalian na magbaon ng goods mula sa sariling bansa ay hindi unique sa mga Pilipino. May alam akong mga Amerkano, Indian, Korean, Australian at iba pang lahi na kahit nasa ibang bansa ay sadyang nagtatabi ng pagkain o anumang goods mula sa kanilang sariling bayan. Mahirap talaga mapahiwalay sa nakasanayan (lasa, entertainment, kemikals atbp.).

Sa tuwing umuuwi din ako ay marami akong pinapansin sa paligid. Ilan sa mga napansin ko ngayong bakasyon ang mga sumusunod:

  1. Mabilis ang immigration process sa airport para sa mga arriving passengers
  2. Malinis na ang banyo sa arrival area ng airport
  3. Kahit saan mapadpad sa syudad, may makakainan
  4. Napakaraming naglipanang “For Registration” na sasakyang tumatakbo sa kalsada
  5. Mahilig pa rin magsipag-hi beam ang maraming mga sasakyan sa gabi
  6. Marami sa mga pagkaing pang-holiday ang masama sa puso
  7. Marami na ang naglipanang campaign materials sa mga pader, bubong at poste
  8. Kakaunti na lamang ang nagpapaputok sa amin (matipid na, ligtas pa)
  9. Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nasa ibang bansa na
  10. May mga bagay na mas magastos pa sa Pilipinas kesa presyo ng ibang bansa

Marami rin akong nakuhang mga bagong idea para sa future posts ng blog na ito. Kelangan ko lang ay oras at concentration 😀

Masaganang pagpapala sa ating lahat ngayong 2013!