Tag Archives: philippine independence day

Araw ng Kalayaan 2013

Pasensya na po at negative ang dating ng post na ito.

Marami pa ring dahilan para magdiwang ng ating kalayaan pero hangga’t sakop pa rin tayo ng mga tiwaling pulitiko na nakakalat sa buong Pilipinas sa anyo ng mga Political Dynasty, mahihirapan tayong maramdaman ang full potential ng ating kalayaan.

araw ng kalayaan 2013Sa 2016, mas marami pa sana sa ating mga Pilipino ang magpa-rehistro at bumoto para sa mga mas deserving na kandidato.

Bumoto tayo hindi ayon sa apelyido ng kandidato o kung sino ang sikat sa mga survey kundi ayon sa ating konsensya. Maawa tayo sa ating mga sarili at sa mga batang magmamana sa ating bansa.

Advertisements

Maligayang Araw ng Kalayaan

Narito ang maikling kasaysayan patungo sa kalayaan ng ating bansa.

1521-1898 (Pamahalaan: Kastila)
Mahigit 300 taon tayong naging kolonya ng Kaharian ng Espanya. Nagsikap ang mga Pilipino na makalaya mula sa pamamahala ng ibang bansa.

1898-1946 (Pamahalaan: Amerikano)
Pagkatapos ibenta sa Amerika, halos 50 years tayong pinamahalaan ng mga Amerikano. Sinikap muli ng ating bansa na makalaya sa panibagong pamahalaan ng dayuhan.

1942-1945 (Pamahalaan: Hapon)
Bagama’t maikli lamang ang pamamahala, nagawang magtatag ng kanilang pamahalaan ang mga Hapon sa Pilipinas. Nagtagumpay din ang ating bansa na makalaya mula sa pamamahala ng mga banyagang ito.

1946-kasalukuyan (Pamahalaan: Pilipino)
Nakamit natin ang pinakamimithing kalayaan. At sa ilalim ng pamamahala ng kapwa Pilipino, marami ang nagpunta sa ibayong dagat.

Ang June 12 na pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay sinimulan nung panahon ng Pangulong Macapagal. Bago iyon, ang ating kalayaan ay ipinagdiriwang ng July 4.

Para sa akin, July 4 ang tunay na araw ng ating kalayaan dahil dun pa lang talaga itinatag ang pamahalaang Pilipino. Pero dahil hindi ako KJ at law abiding citizen ako…

Maligayang Araw ng Kalayaan sa ating lahat.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang mga Pilipino!