Nagbalik na ako sa Japan pagkatapos ng 2 linggo kong bakasyon sa Pilipinas. At itutuloy ko ang mga bagay na napansin ko sa aking maikli subalit masayang mga oras sa aking lupang sinilangan.
Isang bagay na napansin ko habang nagbabyahe sa kalsada eh ang mga sasakyang walang plate number.
Bakit kaya pwedeng magbyahe ang mga sasakyan kahit walang plate number sa Pilipinas?
Paano kung nabundol ako ng sasakyang “for registration” ang plaka ng sasakyan? Paano ko ‘yun mate-trace sa kung sino ang may-ari? Paano ko ire-report ‘yun sa pulis?
Ganito siguro ang magiging pag-uusap namin ng pulis:
Ako : Magre-report po sana ako ng sasakyang nakabundol sa akin.
Pulis: Nakuha mo ba ang plate number?
Ako : Hindi ho eh.
Pulis: Kapag ganyan, dapat kunin ninyo ang plate number.
Ako : For registration ang nakasulat eh.
Pulis: Oh…
Pulis: Eh yung driver, namukhaan mo ba?
Ako : Tinted ho ang salamin eh, hindi ko nakita ang mukha ng driver.
Basta malayo ako sa mga sasakyang walang plate number, medyo safe ang pakiramdam ko.
Categories: Halu-halo
Leave a Reply