Kapansin-pansin (Part 3 of 3)

Heto ang last sa mga listahan ng mga bagay na parang ngayon ko lang napansin sa Pilipinas (palibhasa medyo matagal na nung huli akong umuwi).

1. Nakakasilaw ang mga sasakyan sa gabi – kapag lumalabas kami ng pamilya ko sa gabi, nasisilaw ako sa mga headlight ng mga sasakyan. Parang naka-high beam silang lahat. Kahit mag-shades sa gabi, pwede!

2. Marami pa ring bakanteng lupa sa Pilipinas – actually, hindi ko pa nalilibot ang buong Pilipinas. Pero kahit sa isang urban na lugar gaya ng Angeles City, marami pa ring tiwangwang na lupa na tinutubuan lang ng mga talahib. Nung nagpunta rin kami ng Zambales, ang dami kong nakitang mga lupa na hindi pa na-develop. Kung sasakahin ang mga lupang ito, malaki ang maidadagdag natin sa supply ng pagkain ng bansa.

3. Importante ang barya – kahit saan ako magpunta eh parang merong crisis sa barya. Mapa-grocery, food stall, jeep o taxi eh kulang sa barya. Kaya next time, sisiguraduhin ko ng may mamera ako sa bulsa kapag may bibilhin.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

2 replies

  1. Sang-ayon ako sa mga ito lalung-lalo na sa numero 1. Di yata informed ang ilang driver mapa-bus man o ordinaryong sasakyan kung kailan lang ginagamit dapat ang high beam. Tsk.

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: