Pulitika sa Pilipinas (Part 2 of 2)

Naalala ko ang mga katagang binitiwan ng kalaban ni Astroboy* dun sa pinakabago n’yang Computer Animated film na pinamagatang “Atom” (Japanese title pero ‘di ko alam kung ‘yun din ang pamagat ng US version ng pelikula).

Mayor ng syudad yung kalaban ni Astroboy at na-infect ng isang parang techno-virus na galing sa kulay pulang energy kung kaya’t ito’y naging halimaw na robot. Habang winawasak ang syudad, sabi nung kalaban ni Astroboy, “The city elected me, therefore I own it!”.

Nakakatawa ang mga salitang ito na binitiwan ng kalaban para sa ating mga Pilipino, kasi nakikita natin na parang may ganitong mentalidad ang ilang mga pinuno ng ating bansa.

Karaniwan pa nga, kung saang probinsya na matagal na ang mga namumuno o political dynasty ang pamamahala, yun pa ang hindi mabilis ang pag-asenso, polluted at mataas ang krimen.

Bawat lalawigan merong Congressman, Governor, Mayor, Councilors, Baranggay Captain, Tanods at Sangguniang Kabataan at bawat isa sa mga ito ay may mga pondo. Pero bakit kaya hindi pa rin umuunlad ang maraming probinsya sa ating bansa kahit mula’t mula pa ay pareho lang ang nakaupo?

Mga naiisip kong tanong tungkol sa bagay na ito:

1. Ano ang maaari nating gawin tungkol sa bagay na ito?

2. Kung hindi iboboto ang myembro ng political dynasty o matagal ng pinuno, may mangyayari kayang pagbabago?

3. In the first place, meron bang ibang pagpipilian?

4. Humanap kaya ng alternative na matinong kandidato?

5. Magtatagal ba ang buhay ng matinong kandidato na ito kapag naging popular s’ya?

6. Kung manalo ang matinong kandidato, ano ang kaseguruhan na hindi ito magiging kagaya ng mga pinalitan?

7. Tanggapin na lang kaya natin ito at magtayo ng business ng pagawaan ng mga campaign materials (in fairness, mukha s’yang very profitable business ha)

*Astroboy is owned by Tezuka Productions

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , ,

2 replies

  1. hahaha pwedeng pwede kuh toh ireport s klase nmin tungkol s pulitikal :DD
    ndi to boring kc my comedy rin :DD
    hahahaha

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: