Ang post na ito ay walang anumang kinalaman sa pagiging Pilipino o buhay sa Pilipinas. Gusto ko lang ipaalam sa lahat ng aking mga ka-henerasyon na maaaring nagbabasa ng blog na ito na ang Samurai X live action movie ay ipapalabas na next week sa Japan, ika-25 ng Agosto.
Nung nag-aaral pa ako, di baleng bumagsak ako sa test namin, makapanood lang ng episode ng anime nito hehe. At uso rin nuon ang pagpapasa-pasa ng VHS tapes na may mga recorded episodes ng Samurai X. Iba na talaga ang mga adik sa anime, kahit hindi naiintindihan ang salita, panonoorin pa rin.
Sa mga kabataan ngayon, kung hindi pa ninyo alam ang tungkol sa anime na ito, maire-rekomenda ko ito sa inyo. Nagtuturo ang istorya nito ng pagpapahalaga sa pagsisikap, sa dignidad at karangalan, at sa buhay ng bawat tao. Mga bagay na hindi na masyado pinapahalagahan ng maraming tao sa panahong ito.
Narito ang trailer:
Official Webpage: rurouni-kenshin.jp
Link sa iba pang trailer videos: Movie Trailers
(Update) Napanood ko na ang pelikulang ito. Puntahan ang aking rebyu dito: Rurouni Kenshin Live Action Movie Review
Categories: Komiks
hello, RP… sa blog ni geronimo sa WP (akosiayer) rin, maganda ang maiksi nyang movie review ng Rurouni… btw, dumaan ako to say, i’ll tag you sa english site, ha? naghahalungkat me rito, baka may english post ka? hehe. or, at least, post na maraming drowing, ahaha.
hope it’s alright. salamat… am going back here to give details of the nomination/award. hope you’re doing okay. 🙂
hello, ate san. sori sa late reply. maraming salamat sa award na binigay mo sa kin at pag-tag sa english site mo hehe wala akong original english post dito, puro forwarded emails lang, pero salamat pa rin. isang karangalan ang mapag-ukulan ng iyong pansin 😀
ahaha, malugod sa akin ang pag-nominate sa ‘yo, ano ka ba… 🙂 hope things are well, kapatid.
Hi, ResidentPatriot , pashare nalang po ng link sa email ko kapag narelease napo mark_christian14@yahoo.com.ph Thank you sir 🙂
mga dre san site pede mapanuod ung fullmovie nun showing n sa sm bkit d pa naglalabas ang japan ng online nun
mahigpit na masyado sa mga sinehan at ipapatumba ng japan ang mga website na magpo-post ng copyrighted at licensed na pelikula nila…
kuya, may alam po ba kayong site na pwedeng pag downloadan ng movie??? xD
hello karen, sori wala akong maire-recommend na site para sa movie pero mag-antay ka lang ng ilang buwan, baka may mag-upload nito sa youtube…lalabas na kasi yung original dvd sa dec 26 😀
wahh!!!! excited na ako mapanood ang live action….lahat ng anime live action pinapanuod ko..sana magkaroon din ng next part ang prince of tennis….
salamat sa pagbisita, Sensey 🙂 sa december 5 na daw ang pagpapalabas sa Pilipinas, totoo na sana ito 🙂
wala b yng pirata tapos lagyan nlng ng subtitle wahahah
papalabas b yan satin s sinehan o uupload lng nila sa internet n may sub n?
kungpapalabaas ba nila sa ph yan
ano ung salita? eng dub o eng sub?
gud am jeff, salamat sa pagdaan dito 🙂 yung trailer n’ya sa youtube, english sub tapos eh ipapalabas s’ya sa spain sa october na may english subs.
kaya malamang din na original jap with english subs ito ipalabas sa pilipinas. wala pa info kung ipapalabas ito sa pilipinas.
sa ibang bansa, sa sinehan ipapalabas, sa ibang bansa dvd. magpo-post na lang ako ng update kapag may nakuha akong info tungkol sa release nya sa pilipinas 😀
hindi ako makakapaglabas ng info tungkol sa pirated copy dito, baka hiwain ako ni kenshin himura hehe
KYAAAAAH! Paborito ko ‘to :3 Balita ko po, ipapalabas din ‘to dito ah? Sana matuloy. HAHAHA! <3
tiningnan ko kung totoo yung balitang ‘yun pero hindi pa naman daw confirmed…kahit dito sa japan, wala pang official announcement kung kelan ipapalabas sa ibang bansa.
sa Oct 4 to Oct 13, kasali sa 17th Busan Int’l Movie Festival ang Rurouni Kenshin kaya ipapalabas s’ya sa korea. ‘yun pa lang ang unang bansa overseas na makakapanood ng pelikulang ito.
I’m following you to get the latest news on when can we see it here in the ph. Thanks!
hello Nelle, thank you for following…i’ll try my best to be one of the first ones to announce when this movie will have its international release 🙂
search ako ng search sa web kung irrelease pa sa atin ang Battousai the slasher. May balita ka ba kung ipapalabas saatin ito?
hello oniwaban, salamat sa pagbisita. ako mismo naghahanap din ng info tungkol sa bagay na ‘yan at ang nalaman ko lang eh gaga corporation japan daw ang magha-handle ng international release ng rurouni kenshin.
hindi pa malinaw kung dvd release o theater release ang gagawin at wala pa ring release date para sa overseas.
ipo-post ko na lang dito kapag may nakulimbat na akong impormasyon tungkol sa international release.
ako din im super excited…sana i-consider ito ng mga local movie theaters natin…otherwise sa mga anime-con na lang natin(most probably Hero TV) makikita to…=) and i like this kasi kahit warner bros siya hindi siya sh*t katulad nung Dragon ball, Tekken, King of Fighters, etc…
Salamat sa pagbisita Blues Rock. Tama ka, mabuti na lang at naunahan ng Japan gumawa ng live action Rurouni Kenshin ang Hollywood. Siguradong sasalaulain na naman nila ito pag nagkataon.
Sa ngayon, number one ang Rurouni Kenshin sa Japan at maganda ang pagtanggap ng mga tao. Hindi papayag ang Warner Brothers na hindi ito maipalabas sa ibang bansa kaya wait lang. Sa tingin ko, early next year, ilalabas ito sa ibang bansa pero wala pa akong nakikitang specific na date.
naku nakita ko na tong trailer na to months ago. at super naexcite ako. isa kasi ang samurai x sa pinakaastig na anime na napanuod ko. after reading this naexcite ako ulit. sana mabilis tong maupload sa mga paborito nating downloading and streaming sites. at sana may subs na rin. masakit sa bangs manuod ng raw eh, 1/4 lang naiintindihan ko hahaha
Hello superjaid, salamat sa pagbisita at pag-iwan ng comment. Baka matagalan pa bago natin makita ang English version nito. Baka next year na 😀