Mga Hinaing ng Isang Magulang na may Grade 1 na Anak

Dear Teachers, Principals, School Administration, CHED at DEPED:

Ako po ay isang pangkaraniwang obrero na nagpapa-aral ng anak sa elementarya sa isang pribadong paaralan. Ang aking anak ay Grade 1 pa lamang subalit nagulat po ako dahil marami sa mga kwestyonableng bagay na aking nakamulatan nung ako ay elementarya pa ang hindi pa rin pala nagbabago hanggang ngayon.

mga mag-aaral ng pilipinas

epektibo bang natuturuan ng mga paaralan ang ating mga kabataan? (nytimes.com)

Buong pagpapakumbaba ko pong ipinapanukala sa inyo ang ilang mga pagbabagong maaaring makatulong sa mabilis na pagkatuto ng ating mga kabataan sa murang edad pa lamang.

1. Bawasan ang favoritism

Huwag niyo ho sanang bigyan ng pabor ang isang estudyante dahil lang nagbigay siya ng electric fan o kaya kung anong regalo sa inyo.

Nahahalata ho ito ng mga magulang at ng mga estudyante mismo. Huwag ho kayong maging example ng katiwalian sa mga kabataan.

2. Huwag puro lecture at assignment

Oo nga ho at kailangang matuto magsulat ng mga bata at mag-aral maging sa bahay. Pero kung araw-araw na lang ay wala kayo sa loob ng classroom at pinapagsulat lang ang mga bata buong araw, mahiya naman ho sana kayo.

Hindi naman nagbabayad ng matrikula ang mga magulang para maging stenographer ang mga anak namin. Magturo ho kayo at nang may natututunan ang mga anak namin.

3. Ipagamit ang mga libro

Nagbabayad ho kami ng limpak-limpak na salapi para bilhin lahat ng mga libro ng mga bata dahil sabi ninyo required ang lahat ng mga ito. At lahat ho ay binibili namin nang brand new.

Ayaw naman ninyong bumili kami ng 2nd hand at gusto ninyo susulatan pa ang loob ng mga libro.

Subalit kahit na Disyembre na eh wala pa ring kalahati ang nagagamit sa bawat libro ng mga bata. Yung ibang libro naman, ni HINDI PA NAGAMIT o nabuksan kahit isang beses man lang.

Kung ipapabili ninyo ang lahat ng libro sa amin, sana siguraduhin ninyong magagamit ang lahat ng mga ito.

4. Tapusin ang mga libro

Gaya nga po ng nabanggit ko na, kung ipapabili ninyo ang mga libro, sana gamitin ninyo ang mga ito mula umpisa hanggang katapusan.

Malaking aksaya sa pera at parusa sa bata at magulang yung dalhin yung mga libro niya araw-araw tapos eh hindi naman ginagamit.

5. Bawasan ang mga libro

Kung hindi naman po gagamitin ang mga libro, huwag na lang sana ninyo ipabili. Isulat na lang ninyo sa blackboard yung importanteng page at ipa-lecture sa mga bata.

Ang nangyayari ho kasi, bibili kami ng libro, tapos ipapa-lecture din sa bata yung laman ng libro. Iyon lang po ba ang silbi ng mga librong binibili namin? Kopyahin at isulat ang laman sa notebook?

Aksaya sa pera, aksaya sa oras, akasaya sa pagod, aksaya sa papel at aksaya sa puno.

6. Magdagdag ng assistant teachers

Sa dami ho ng mga bata sa isang classroom, hindi namo-monitor ng mga teacher ang progreso ng mga bata lalo na kung elementary pa lang.

Kung may assistant teachers, kahit paano natutulungan nila yung home room teacher na malaman kung nakakasunod ang mga bata sa nangyayari sa classroom.

Yung ibang mga bata, pumapasok at lumalabas sa classroom na walang alam kung ano ang nangyari sa klase nila.

7. Huwag gawing requirement ang camping or field trip

Kung tutuusin, hindi pa ho dapat pinapag-camping at field trip ang mga batang 5 to 9 years old dahil mahirap pa silang mapasunod sa instructions. Lalo na kung mga batang lalaki.

Mahirap ho maintindihan kung bakit excited kayong lumabas kasama ang ganito karaming mga bata na hindi naman ninyo magarantiya ang kaligtasan nila sa mga disgrasya. Tapos gagawin pa ninyong graded at required sa klase.

Ang dami na ho naming pinagkakagastusan na mga magulang, idadagdag pa ninyo itong mga camping at field trip na ito na hindi pa naman ganun kaimportante.

8. Magbigay ng practical tests tungkol sa kagandahang-asal

Magtuturo na lang din po tayo ng kabutihang asal sa mga bata, lubus-lubusin na natin. Magbigay kayo ng project na kung saan dapat silang gumawa ng kabutihan sa kapwa at i-report nila iyon sa klase.

Sayang ho yung mga subject na GMRC, Edukasyon sa Pagpapakatao, Values Education at Religion kung wala itong mga praktikal na application sa buhay ng mga bata.

Mas magandang ma-reinforce ang mga pinag-aaralan nila kung gagamitin sa totoong buhay.

9. Ipalaro sa mga bata ang Pilipinong laro

Okay nga po na itinuturo natin sa mga bata ang mga Laro ng Lahi pero mas maganda ho siguro kung ipapalaro natin ito ng aktwal sa kanila.

Sa panahon ngayon, hindi na pangkaraniwang nilalaro ng mga bata ang tumbang preso, patintero, piko, sipa, etc.

Huwag lang ho panay basketball ang ipalaro ninyo sa mga bata kapag PE. Papaglaruin nyo rin ho ng mga laro ng lahi.

10. Huwag pabayaang mangopya

Sa maagang edad pa lang nila, turuan na ho ninyong huwag mangopya ang mga bata. Ngayon pa lang ho, maging mahigpit na kayo at ituro sa kanila kung bakit hindi mabuti ang mangopya.

Tuturuan din po namin sila sa bahay pero mas tatanim sa isip nila kung nandun sila sa mismong sitwasyon kung saan maaaring maganap ang pangongopya.

11. Huwag isakripisyo ang academics para sa mga extra curricular

Napansin ko rin po na ang daming activities ng mga Grade 1 na may kinalaman sa pagpe-perform sa stage atsaka mga programs gaya ng UN, Linggo ng Wika at mga school festivals.

Okay ho sana kung hindi napapabayaan yung mga klase ng bata pero minsan nauubos yung araw nila sa kaka-practice ng sayaw or tula or kung anong dapat nila i-perform.

Maganda nga po yung natututo sila ng mga ibang bagay bukod sa academics pero huwag niyo namang ihinto yung pag-aaral ng mga bata para lang sa mga program na ito. Priority pa rin po dapat ang academic education nila.

Ang dami-dami na ngang bakasyon ng mga bata (sembreak, typhoon break, Christmas vacation, illness break) nababawasan pa nitong mga extra-curricular na para bang ito na ang nagiging priority. Minsan ho isang buong linggong puro practice at paghahanda lang sa event ang ginagawa ng mga bata. Ano na ho nangyari sa pag-aaral nila? Ga-graduate sila ng Grade 1, hindi marunong magbasa at magbilang pero marunong sumayaw?

Maraming salamat po sa anumang mga aksiyon ang maaari ninyong gawin tungkol sa mga bagay na ito.

Gumagalang,

RP

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

11 replies

  1. Teacher sa public school sa isang area na medyo delikado ang nanay ko. Base sa araw araw na reklamo niya paguwi niya, karamihan ng mga problemang nilista mo, nananatiling problema dahil sa tenure. Yung mga matatandang guro na may baluktot at makalumang ideya sa pagtuturo ang kadalasan nagiging principal o mga nakatataas. Kaya sila din ang may matimbang na opinyon sa mga desisyon sa paaralan.

  2. Although I am not Filipino, I have many Filipino friends and LOVE the culture. My YA book that is with agents right now actually has a Filipino main character and begins in the Philippines. I’ll update my blog on the progression of it getting published hopefully. 🙂

    • thank you for following 🙂 i don’t think you can find anything useful for you here in my blog aside from the occasional travel guide that i randomly post but the book that you are currently working on sounds interesting 🙂

  3. *Huwag niyo ho sanang bigyan ng pabor ang isang estudyante dahil lang nagbigay siya ng electric fan o kaya kung anong regalo sa inyo.

    >>>> ha ha ha ha….sure-bol corrupt mga bata paglaki

  4. Napagdaanan ko rin po ang halos lahat diyan. Lalo na yung 7! ‘Di naman daw required sumama, pero may reaction paper pagbalik ng klase. Yung totoo?

    May mga pagkakataon din naman pong ang pagbibigay ng mga panlinis ng kwarto, flash drive, maliit na radyo, JCo donuts o kung anu-ano pa mang regalo ang MISMONG project na binibigay ng ilang guro. Ang hirap para sakin. Nagbabayad ka para makapag-aral, kung saan ang mismong pag-aaral ay pagbabayad ulit para lang makakuha ng mataas na marka.

    Sabihin man nating hindi nga ako nagbayad ng matrikula noon dahil sa pampublikong paaralan ako nagtapos, alam naman natin na ang mga ganoong sitwasyon ay hindi talaga tama, at kailanman ay di nakatutulong para umunlad ang pag-iisip ng mga kabataan.

    • salamat sa comment, kim. grabe naman yung teacher mo kung makahingi, este makapag-project. JCo donuts??? bakit hindi pa nya sinabayan ng magnum ice cream? abusong lantaran ang ipinapakita sa mga bata. tapos nagtataka pa tayo bakit ang daming corrupt sa pilipinas…

  5. depende ata sa school ang ganitong reklamo.

    Tungkol sa libro, hindi ba pwede basahin ng estudyante yung libro kahit hindi na-tackle sa school? Kelangan spoonfeed? Wala naman ata pumipigil sa studyante na magbasa sa bahay ng gusto nya.

    • depende nga sa eskwela at hindi naman po linalahat.

      pwede ring basahin mag-isa yung book sa bahay. pero kung hindi naman pala gagamitin sa school, bakit ipinapabili pa? bibili na lang ako nung gusto kong libro na ako ang pumili at hindi ipinilit lang ng eskwela.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: