Tumiwalag ang United Kingdom (UK) sa European Union nitong June 23, 2016 (Thursday) sa isang makasaysayang referendum.
Marami ang magiging implikasyon nito sa mga susunod na araw pero ang agad na nakitang resulta nito ay ang pagbagsak ng halaga ng Sterling Pound, ang currency ng United Kingdom.

Kung trip mo ang Forex exchange, at meron kang nakatabing pera, this is a good time to buy UK money.
Dahil mura ang Sterling Pound ngayon, mas marami ang pwedeng mabili nito ang pera natin kumpara sa normal situations.

Bilang isang superpower na bansa, hindi magtatagal eh babangon din agad ang UK mula sa slump na ito sa kanilang ekonomiya.
Madalang mangyari ito kaya kung may extra cash ka ngayon, bumili ka na ng Pounds at ipapalit ito pag mataas na ulit. Ganun din ang magandang gawin sa stocks nila pero wala akong alam sa stocks ng UK 😀