Bakit Bagay si Duterte at Robredo

tambalang duterte at robredo

our president and vice president (cnn.ph)

Hindi pa man nagsisimula sa panunungkulan nila eh hindi na maganda ang takbo ng tambalang Duterte at Robredo. Pero sa kabila ng mga pagkakaiba ng dalawa, marami rin silang mga pagkakapareho.

1. Pareho silang abogado

Natanggap ni Duterte ang kanyang Law Degree sa San Beda College nuong 1972. Naipasa rin niya ang bar exam sa taon na iyon.

Si Robredo naman ay nag-aral din sa San Beda College ng kanyang Masteral sa Business Administration pero kumuha ng Law sa University of Nueva Caceres. Naipasa niya ang Bar Exam nuong 1996.

2. Pareho silang galing sa LGU (Local Government Unit)

Si Duterte ay nagsilbing Mayor ng Davao nang mahigit 20 taon samantalang si Robredo naman ay naging Representative ng 3rd District ng Camarines Sur kung saan ay tinapos niya ang mahabang panunungkulan ng makapangyarihang Villafuerte Dynasty.

Ibig sabihin, mas alam nila ang aktwal na nangyayari sa bayan. Dahil sila ang diretsong namamahala sa mga nasasakupan nitong mamamayan. Hindi katulad ng mga national leaders na umaasa lang sa report ng kanilang mga alipores.

3. Pareho silang naging congressman

Si Duterte ay naging Representative ng 1st District ng Davao City nuong 1998 samantalang si Robredo naman ay naging Congresswoman ng Camarines Sur nuong 2013.

4. Pareho nilang hindi pinlano ang pagtakbo sa 2016 eleksiyon

Hanggang sa araw ng filing of candidacy ay hindi nakapag-desisyon agad si Duterte na tumakbong kandidato sa pagka-Pangulo. Siya ang pinakahuling nagpahayag na tumakbo sa pagka-Presidente.
Si Robredo ay alternative choice lamang ng Liberal Party para sa Bise-Presidente.

Ang dalawa ay kinumbinse lamang ng napakaraming tao sa kanilang paligid na tumakbo sa kanilang posisyon nung papalapit na ang eleksiyon.

5. Pareho silang Probinsyano na ayaw manirahan sa Maynila

Ipinahayag na ni Duterte na ayaw niyang manirahan sa Malakanyang at mas gusto pang mamalagi sa Davao kahit Pangulo na ito. Gayundin, nais ni Robredo na magtalaga ng mga satellite offices sa mga probinsya. Sinabi na rin niyang hindi siya manunuluyan sa Coconut Palace.

6. Pareho silang simple at ayaw maging magastos

Sa pananamit, sa pagpili ng paraan ng pagbiyahe at sa pagsasagawa ng mga pagdiriwang ay ipinakita at ipinahayag ng dalawa na hindi nila kailangang maging magastos kagaya ng mga nauna na sa kanila.

Napakagandang halimbawa na dalawa sa pinakamataas na pinuno ng bansa ang nagpo-promote ng katipiran at kasimplehan sa mga mamamayan.

7. Pareho silang single

Technically, si Duterte ay single dahil anulled siya sa kanyang naunang asawa at hindi siya formally na kasal sa kinakasama niya ngayon. Si Robredo naman ay naging isang balo mula nang yumao ang asawa nitong si Jesse Robredo.

Kaya nga, sa kabila ng kanilang mga pagkakaiba, masasabi pa rin natin na bagay sila 😀

References:

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: