Nasaktan si outgoing Commissioner Kim Henares sa paratang ni Pangulong Duterte na isa sa mga pinaka-corrupt na ahensya ng Pamahalaang Aquino ay ang BIR (kasama ang Customs at LTO).
Read: Duterte: BIR, Customs, LTO are most corrupt agencies
Gayundin, may kumalat pang balita na maraming BIR personnel ang maglulunsad ng mass resignation sa mismong araw na opisyal nang magsisimulang mamuno si Duterte sa bansa. Pero unfortunately, hindi daw totoo ang balitang ito.
Read: BIR denies newspaper report on mass resignation
Si Kim Henares ay either na “sinungaling” or “bulag” kung hindi n’ya talaga alam ang corruption na ginagawa ng mga tauhan niya. Para lang din siyang si outgoing na Pangulong Aquino na walang nakikitang mali sa kanyang administrasyon.
Bukod sa patotoo ng isang Facebook user, sang-ayon ang maraming Pilipino na corrupt talaga ang BIR.
Heto ang halimbawa ng istorya ng corruption na personal kong nasaksihan. Ito ay nangyari nung 2015.
Nagkaroon ng violation ang kumpanyang aking pinagtatrabahuhan dito sa Pilipinas. Imbes daw na magbayad kami ng malaking halaga ng penalty, nanghingi ng bribe money ang BIR staff sa amin para sila na lang daw sa local office ang umareglo.
Pumayag ang mga Japanese bosses ko na magbigay para wala nang hassle at naisip yata nilang ganito talaga sa Pilipinas para hindi pahirapan ng BIR.
Lahat ng ito ay nangyari without my knowledge dahil HR at yung mga Japanese ang umareglo.
Tinawag na lang ng mga boss ko yung atensyon ko nung i-notify sila ng BIR office sa Manila about yung violation ng company namin. Meaning to say, hindi ginawa nung local BIR office yung sinabi nilang sila na ang aareglo. Tinanggap lang nila yung bribe money and walang ginawa sa violation namin.
Nagpadala ng “bag lady” sa office namin yung officer ng BIR Manila at nanghihingi ng 200,000 pesos para aregluhin yung violation namin para daw hindi kami maipasara. (Ang penalty sa violation namin ay hindi lalagpas ng 20,000 pesos at hindi subject for closure ng kumpanya.)
So, tinakot ng BIR officer ng Manila ang mga Japanese boss ko na ipapasara daw ang kumpanya namin pag hindi sila nakipag-areglo sa halagang hinihingi niya (200,000 pesos).
Nakiusap ako sa mga boss ko na huwag i-tolerate ito at kausapin muna namin ang attorney namin o yung mga ibang taga-government office na pwedeng makatulong sa amin. Pero hindi nakinig yung mga boss ko dahil sa takot na pahirapan kami ng BIR.
Nakipagtawaran yung boss namin, from 200k ay naging 130k yung suhol na ibinigay namin dun sa BIR officer ng Manila.
Another story ay yung narinig ko lang mula sa kaibigan kong accountant. Everytime daw na mago-audit ang BIR sa kumpanya nila ay dapat silang magbigay ng 7 figures (Millions of Pesos) na suhol para hindi sila pahirapan ng BIR. It is common practice daw everywhere.
So basically, tama nga siguro yung sinabi ni Henares na nadagdagan ang kita ng BIR. Pero at the same time, kumikita din ng malaki separately yung mga tauhan niya from bribe money.
Tapos magtataka pa tayo bakit hindi pa rin ganun karami ang nag-i-invest sa bansa natin. Maraming walanghiya sa BIR at sana totohanin na lang nila yung mass resignation na napabalita.
Kung may personal experience ka rin ng korapsyon sa BIR, please share sa comments section at baka sakaling mabasa ng susunod na BIR Commissioner.
Categories: Halu-halo
Naranasan din yan ng store ng kapatid ko, pinagbayad sya, Ang bilis nga magpunit ng sobra tapos until now open pa rin cases… For audit nga store namin e. Ewan, dami naman Hindi nagbabayad ng tamang buwis tapos kami Ang pinag iinitan lagi.