Mga Dahilan Kung Bakit Kailangan Mong Basahin ang Nobelang Dekada ’70

Ang Dekada ’70 ba ay isang nobelang kailangan mo lang gawan ng book review para makumpleto ang iyong requirements sa subject na Filipino o kaya ay Literatura para ikaw ay makapasa?

dekada 70 cover

Ang post na ito ay hindi isang book review na maaari mong i-copy + paste sa iyong takda at ipasa sa iyong gurong itatambak naman ito sa bookshelf hanggang sa matabunan na ng alikabok.

Ang post na ito ay magbibigay sa iyo ng mga dahilan kung bakit kailangan mong basahin (o basahin ulit) ang Dekada ’70.

Kababaihan

Ipinakita sa nobela ang ilang mga mukha ng kababaihan. Housewife. Asawa. Ina. Miyembro ng Kilusan. Survivor. Hindi lingid sa ating kaalaman na limitado lamang ang pwedeng gawin ng mga kababaihan noon lalo na sa kultura nating patriarkal, na ang mga babae ay para lang sa bahay.

Sa panahon ngayon na kung saan tanggap na ng lipunan ang mga babaeng may kani-kaniyang propesyon, hindi pa rin natin maialis ang kakaibang pagtingin sa mga babaing piniling maging housewives. Hindi lang naman mga babaeng may mataas na posisyon sa gobyerno o mga kumpanya ang may malaking silbi sa ating mundo. Mas malaki yata ang papel na ginagampanan ng ating mga housewives.

Iba’t iba man ang papel na ginagampanan ay dapat pa ring magkaroon ng pantay-pantay na pagtuturing sa mga kababaihan.

Kalayaan. Demokrasya.

Inilarawan sa nobela ang sitwasyon ng bansa noong Dekada ’70 hanggang sa unang mga taon ng sumunod na dekada kung saan tikom ang bibig ng mga mamamayan. Pili lang ang mga balitang inilalabas ng media. Pinapatahimik ang mga nag-iingay.

Bawat isa sa atin ngayon ay malayang nakapaghahayag ng ating saloobin. Isa itong pribilehiyong hindi tinamasa ng mga mamamayan noong Martial Law. Isang pribilehiyong hindi dapat sayangin, kungdi ay gamitin upang maging mga produktibong mamamayan.

Relasyong Pilipinas – Amerika

Ipinakita sa librong ito kung paanong patuloy ang panghihimasok ng Amerika sa ating bansa, kung paano sila nagpayaman habang pinalulubog tayo sa utang at kung nito pinatay ang kabuhayan ng Pilipinas – mga bagay na hanggang ngayon ay parang walang ipinagbago.

Katarungan, pagmamalasakit sa bayan at mga nakaraang hindi na dapat pa  maulit

Hindi lang si Rizal o si Bonifacio o si Luna ang nagbuwis ng buhay para sa bayan. Napakaraming naglaan ng buhay para sa kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino na hindi nabigyan ng katarungan at hindi man lang nabigyan ng karampatang pag-alala. Marami sa kanila ay mga estudyante, manggagawa, magsasaka, guro at mga pangkaraniwang mamamayang tulad mo at tulad ko. Mga nakipaglaban para sa karapatan kapalit ng kanilang mga buhay.

Kung paulit-ulit tayong magkakamali sa pagpili ng maling lider ng bansa, paulit-ulit din tayong mawawalan ng pagbabagong ating inaasam.

Ika nga ng historian na si Ambeth Ocampo,

History does not repeat itself. We repeat history.

Ang Dekada ’70 ay hindi lamang isang librong pangkumpleto sa inyong requirements sa eskwelahan. Ang nobelang ito ay isang repleksyon ng ating malagim na nakaraan at kung paano marami sa mga pangyayari noon ay patuloy na nauulit-ulit pa hanggang sa kasalukuyan kahit ilang dekada na ang nakalipas matapos maisulat at mailimbag ang Dekada ’70. Kung hindi tayo kikilos bilang mga mamamayan ay magiging parang isang roleta na lang sa perya ang ating kasaysayan – umiikot nang walang katapusan.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

2 replies

  1. marami na akong nabasang katha ni lualhati bautista at matagal na akong meron ng librong ito na dekada ’70. pero hindi ko pa ito nabibigyan ng panahon para basahin. babasahin na po 😀

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: