Doumo Arigatou! 10 Bagay na Dapat Ipagpasalamat ng Pilipinas sa Japan

Nakaka-touch ang act of kindness na ipinamalas ng First Lady ng Japan sa mga kapuspalad ng Maynila nitong nakalipas na APEC Summit 2015. Bagay na ginagawa lang ng mga pulitiko natin kapag panahon ng eleksiyon.

first lady visits payatas

Ang laki na talaga ng pagbabago ng ating relasyon sa bansang Japan mula nung natapos ang World War 2. Ang dating mananakop natin ay itinuturing na nating ally ngayon. At gayon din ang turing ng bansang Japan sa atin.

Mas magandang di hamak ang relasyon ng Japan sa atin ngayon kumpara sa relasyon nito sa mga bansang Korea at China.

Narito ang mga magagandang bagay na ginagawa ng Japan sa Pilipinas:

1. Financial aid for overall development

Isa sa mga bansang galante magbigay ng tulong ang Japan. Nitong 2015 lamang ay ilang beses nagbigay ng tulong pinansiyal ang bansang Japan para sa pagde-develop ng ating bansa.

Sayang lang at baka hindi rin mapunta sa kaunlaran ng Pilipinas ang mga pondong ito kundi sa personal na kaunlaran ng mga walanghiyang corrupt at incompetent government officials natin.

2. Monetary and rescue support after natural disasters

tulong ng hapon sa yolanda

Namalas natin ang malasakit ng Japan sa ating bansa nang magpadala ito ng mga rescue team sa atin pagkatapos manalasa ng Yolanda. In fact, nauna pa silang magpadala ng rescue team sa Tacloban kesa sa Malakanyang.

3. Military modernization assistance

Sinusuportahan ng Japan ang arbitrary case ng Pilipinas laban sa pananakop ng China sa West Philippine Sea. Pero actions speak louder than words kaya hindi lang moral support ang ibinigay ng Japan sa Pilipinas. Magbibigay din sila ng mga military equipment gaya ng mga used planes pang-patrol sa ating dagat.

Kung magpapakabait lang ang mga government officials natin, baka bigyan din tayo ng Japan ng submarines sa darating na Pasko.

4. Territorial sovereignty and security assistance

First time (yata) sa history ng Japan ang mag-participate sa isang military drill at isang karangalan na ang Pilipinas ang bansang kanilang naging partner sa drill na iyon.

Bagamat isang pacifist country, ang Japan ay isa pa ring bansa na may well-developed military technology at magbe-benefit ang Pilipinas sa training at education na maibabahagi ng bansang Hapon sa Pilipinas.

5. Importation of products made in the Philippines

magic flake crackers japan

Kung sa Pilipinas ay patuloy ang pagtangkilik natin sa mga produktong gawa sa Tsina, ang Japan ay unti-unti nang nagda-diversify ng kanilang imported products. Isa ang Pilipinas sa mga pinagkukunan ngayon ng Japan ng iba’t-ibang produkto gaya ng saging, damit, gamit sa bahay, electronics, atbp.

6. Employment for Filipinos in the Philippines

Para na rin masustentuhan ng Japan ang mga pangangailangan ng kanilang bansa ng mga produktong de-kaledad at nasa murang halaga, nagtayo na nga naman sila ng mga pagawaan sa ibang bansa na mas mura ang production cost.

Ngayon ay unti-unti nang binabawasan ng Japan ang mga pagawaan nito sa Tsina at dinadagdagan ang mga factory nila sa Pilipinas. Maganda ito sa ating ekonomiya at nakapagbibigay ng karagdagang trabaho sa ating mga manggagawa.

Kung mababawasan lang sana ang mga corrupt na government officials at kung aayos ang peace and order sa bansa, siguradong bubuhos pa lalo ang foreign investment ng Japan at ibang bansa sa Pilipinas.

7. Visa relaxation for Filipino tourists going to Japan

Nung 2014 ay linuwagan ng Japan ang visa restrictions nito sa mga bansang nasa South East Asia kung kaya nadamay sa biyayang ito ang Pilipinas.

Kung dati’y nahihirapang makapunta sa Japan ang mga Pilipino para mamasyal dun, ngayon ay pinaikli at pinadali ng Japan ang pag-proseso ng tourist visa para sa ating mga Pilipino.

8. Work opportunities in Japan for Filipinos

Nagbukas ng maraming oportunidad para makapagtrabaho sa Japan ang mga mamamayang nakatira sa Timog Silangang Asya. Kasama dito ang Pilipinas kaya dahilan ito upang matuwa ang Pamahalaan ng Pilipinas at mabawasan ang problema nito sa unemployment.

Subalit ang makapagtrabaho sa bansang Japan ay hindi lamang oportunidad para kumita ng malaki. Oportunidad din ito upang matutunan ang pamamaraan ng mga Hapon na nirerespeto ng maraming industriya sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

9. Tourist visitors

mga bisita ng pilipinas

Ang mga Hapon ay pangatlo sa pinakamaraming foreigners na bumibisita sa ating bansa taun-taon. I-welcome natin sila at pakitaan ng ating world renowned hospitality.

10. Charity for impoverished Filipino children

Bukod pa sa pagbisita ng First Lady ng Japan sa ating mga kapuspalad na kabataan, marami nang ginagawang outreach program ang mga Hapon para sa mga kabataang Pinoy.

Tuwang-tuwa naman ang ating mga government officials kasi kahit huwag nilang gawin ang trabaho nila, meron namang mga mababait na bansang kagaya ng Japan na ginagawa ang dapat sanang sila ang gumagawa.

Nasa Japan ang mga NGO kagaya ng Habitat for Humanity at Unicef na humihikayat sa mga mamamayang Hapon na suportahan ang mga mahihirap na kabataang Pilipino.

Sa kabila ng lahat ng kabaitang ito na ipinapakita ng Japan sa atin, hindi natin maiwasang magtanong, “Ano kaya ang kapalit ng lahat ng ito?”

Sana wala silang hinahanap na kapalit kundi ang magkaroon ng mas malapit na relasyon ang Pilipinas at Japan. Atsaka konting tax relaxations here and there sa kanilang mga business investments sa ating bansa.

Pero whether may kapalit man o wala, hindi natin maikakaila na malaking bagay ang mga naiaambag ng Japan sa patuloy na pag-unlad ng ating bansa.

Kaya, doumo arigatou, Japan!

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , ,

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: