Open Universities and Online Courses

Nais mo bang magbalik aral pero nasa ibang bansa ka o nasa Pilipinas ka nga pero kasalukuyan ka namang nagtatrabaho?

May solusyon na sa problema mong iyan.

Narinig mo na ba ang Open Universities o kaya ay Distance Education?

online studying philippines

Ang Distance Education o Distance Learning o Open University System ay isang magandang oportunidad para sa mga nagtatrabaho o sa mga kasalukuyang nakabase sa ibang bansa upang makapagbalik-aral o makakuha ng bagong kurso o kaya ay mag-Masteral. Posible na ito ngayon dahil mayroon nang tinatawag na Virtual Classroom kung saan nagtatagpo-tagpo ang mga estudyante at propesor, nagkakaroon ng recitation, mga debate at pagpapalitan ng mga ideya at kuro-kuro.

Para sa mga ngayon lang nakarinig ng Distance Learning, malamang clueless pa din kayo sa kung meron, o kung papaano nangyayari ang mga bagay-bagay dahil ganyan din ako nung una ko itong narinig.

May mga unibersidad tayo sa Pilipinas na nag-ooffer ng mga online courses tulad na lang ng:

Enrollment

May mga enrollment schedules na nakapaskil sa website ng mga unibersidad. Syempre bago ka mag-enroll, kailangan mo munang pumili ng kurso. Sinubukan kong kumuha ng kurso nung 2013 (Language and Literacy Education) kaso isang semestre lang ang natapos ko dahil sa sobrang kakulangan ko sa oras, hindi ko na nagawang mag-enroll pa ulit (bad time management he he).

Tuition Fee

Depende ito sa unibersidad, sa kaso ko mahigit Php8k ang binayad ko para sa isang semestre.

Units

Dalawang subject lang ang pwedeng kunin kada semestre (at least sa kurso ko), 3 units per subject.

Requirements

Makikita ang requirements sa kanilang website. Depende ito sa kursong nais mong kunin at sa unibersidad. Syempre nariyan na ang Transcript, Forms, 1×1 Photo, etc. May mga kursong pwede mong kunin basta nakatapos ka na ng high school pero mayroong nagre-require ng at least naka-2 years ka na sa college.

Virtual Classroom

Hindi ito literal na classroom kung saan naka-Skype lahat. Sa karanasan ko, bibigyan kayo ng access sa isang website. Doon niyo makikilala ang inyong propesor at  mga kaklase.

Dahil ang Distance Education ay para sa mga nagtatrabaho, nasa ibang bansa o mga walang pagkakataong makapasok sa “normal” na unibersidad, ang programa ay designed sa paraang hawak ng estudyante ang kaniyang oras – makakapag-aral  kahit anong oras o araw niyang gusto di tulad sa literal na klase na kailangan pumasok sa classroom sa takdang araw at oras, makakagawa ng assignments sa oras na komportable ang estudyante as long as maipapasa ito sa tamang araw na itinakda ng propesor.

Bibigyan kayo ng inyong mga propesor ng mga Manuals at ebooks. Kada linggo ay may isa o dalawang takda na ibibigay sa inyo, at may ipapabasang 2 hanggang 3 chapters ng manual o libro. Ang inyong takda ay inyong isusulat sa pahina (na parang chatroom) na gagawin ng inyong mga propesor. Ang inyong takda ay mababasa ng propesor at ng lahat ng inyong mga kaklase at dito kayo magpapalitan ng kuro-kuro. Ang inyong mga comments sa takda ng inyong mga kaklase ang nagsisilbing graded recitation.

Exams

Depende ito sa propesor niyo. Maaaring mag-exam kayo sa designated exam areas sa lugar na kinaroroonan niyo, maaring take home exam na madalas essay at maaari ding imbes na exam ay case study ang ipagawa sa inyo.

Bawal ang kopyahan sa exam at sa mga assignments. Obvious na obvious kayo dito.

English ang moda ng komunikasyon sa virtual classroom dahil may mga magiging kaklase kayong hindi Pilipino. Masaya ang talakayan dahil sa dami ng estudyanteng nasa iba’t ibang parte ng mundo, marami kang matututunang bago sa kanilang mga ibabahagi. Tulad din ng literal na classroom, may mga makukulit at panay ang comment, may mga seryoso masyado mag-comment, may mga pa-impress (yung hukay-balon English ba) at mayroon namang virtually tahimik.

Kung nais mong kumuha ng online course, ang matinding kailangan mo lang ay time management at ang matinding kalaban mo naman ay procrastination. Pero kung gusto mo talaga, may paraan.

*********************************

Note 1: Ang mga Unibersidad na nag-ooffer ng Distance Education ay hindi lamang limitado sa mga inilahad sa itaas. Ang mga ito ay halimbawa lang para mabigyan ng ideya ang mga mambabasa. Wala rin po kaming kinalaman sa mga Unibersidad na iyan kaya po kung mayroon kayong katanungan tungkol sa admission ay mangyari po lamang na mag-inquire sa kanilang mga website.

Note 2: Ang mga inilahad sa itaas (tulad ng virtual classroom) ay base lamang po sa karanasan ko sa Distance Learning at maaari pong maiba ang sistema depende sa unibersidad. Nilahad po ito para maging halimbawa lamang.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

2 replies

  1. very informative, makatingin nga ng madali-daling kurso 🙂

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: