Si Heneral Luna at ang mga Pasaway na Pilipino

Kung nabuhay si Heneral Luna sa panahon natin ngayon ay malamang sapitin niya rin kung ano ang nangyari sa kanya sa kasaysayan.

si heneral luna

Kahit na kasi matalino, talented, world class at may klarong direksiyon si Heneral Luna para sa minamahal niyang bansang Pilipinas eh hindi siya marunong makitungo sa mga pangkaraniwang Pilipino at sa mga  makapangyarihang Pilipino.

Puro siya prinsipyo.

Palibhasa ay anak mayaman, nag-aral sa mga tanyag na paaralan at nagtapos ng doctorate sa Europa, hindi masyadong nakahalubilo ni Heneral Luna ang mga uri ng Pilipinong araw-araw niyang makakasalamuha sa kanyang mga misyon.

Nagkaroon siguro siya ng culture shock sa mga totoong nangyayari sa Pilipinas at kung paano mag-isip ang mga Pilipino. Hindi niya yata na-anticipate na mahihirapan siyang ipatupad ang mga plano niya sa klase ng pag-uugali ng mga Pilipino.

Hindi natin masisisi si Luna sa paghahangad na magkaroon ng disiplina at pagbabago sa sandatahan ng Pilipinas. Yun ang trabaho niya. At dahil isa siyang Grade A student, ginusto niyang ma-accomplish ito at all cost. Kahit na buhay pa niya ang maging kabayaran nito.

So, ganun nga ang nangyari, pinatay ng pasaway na mga Pilipino ang nag-iisang mahusay na heneral ng Pilipinas dahil hindi nila gusto ang pamamaraan ni Luna. At bumagsak tayo ng tuluyan sa kamay ng mga Amerikano dahil dito.

Ngayon, kung nabuhay man si Luna sa panahon natin at ginustong magpatupad ng disiplina at pagbabago, papatayin lang din siya ng mga pasaway na Pilipino.

Ang Heneral Luna ay palabas pa rin sa mga sinehan, ganda ‘to, nood na! (Warning: May mga pagmumura, graphic violence at mabilisang nudity.)

pelikula tungkol kaheneral luna

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , ,

7 replies

  1. Nakalulungkot lang isipin na ang mga impormasyong ipinalalaganap sa mga mag-aaral ay hindi pala totoo. Isa lamang itong gawa-gawa ng mga manunulat upang umayon sa kagustuhan ng mga may kapangyarihan. Ang sakit isipin na kung sino pa ang mga nakapag-aral ay sila lamang itong nakakakuha ng karapatang lumaban at panigan ng hustisya. Napakaraming taong nagbuwis na ng buhay para sa ating bayan subalit ni isa man lang, walang nakaalala sa kanila.

  2. naloka ako sa promotion mo hehehe… talagang mamataty-mamatay talaga sya eh ano. pero hula ko rin ganun talaga ang kapalaran niya. hindi nya lang siguro na-anticipate na sa kamay ng mga kapwa pinoy mangyayari. ang pagiging “flexible” is an asset.

    actually, yung personality nya hindi lang naman kakaiba sa Pinas kundi sa pangkalahatan. para bang pag kakaiba ka o kung hindi ka katulad ng karamihan, weird ka. pag masyado ka ng maraming nalalaman dapat ng idispatya at baka makapaghasik ka pa ng lagim. teka sang action film ko ba napanood yun? hehehe

    mabuhay!

  3. Heneral Luna ang pinakaunang namarkahan ko sa aking bucket list. Paglapag ko pa lang sa airport ay yun na agad ang tinanong ko…kung showing pa ba yung Heneral Luna ha ha….

    napakagandang pelikula…sana mas marami pang ganito….para mas maraming matutunan ang mga bata- at matatanda he he

  4. Which means, Filipinos refused to be disciplined even back then. He’d turn in his grave if he could see what’s going on now. The lack of discipline on the roads, the brazen corruption, etc.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: