Bago ang lahat, boring explanation muna.
Ang ALS ay acronym ng Amyotrophic Lateral Sclerosis. Ito ay isang kundisyon kung saan ang neurons na nagbibigay ng signal sa lahat ng muscles sa katawan ng tao ay unti-unting namamatay. Apektado nito ang lahat ng functions ng lahat ng muscles sa ating katawan. Konektado din ito sa degeneration ng functions ng utak at nakamamatay ang kundisyong ito. Wala pang nakaka-alam sa eksaktong sanhi nito.
Ang ALS Ice Bucket Challenge ay isang awareness drive at fund raising activity para mangalap ng pondo para mag-research at makadiskubre ng mga posibleng lunas, prevention o teknolohiya na makakatulong sa mga taong merong ALS.
Maganda ang layunin ng ALS Ice Bucket Challenge. Hahamunin ka ng isang tao na mag-donate ng pera sa ALS Association o magbuhos ka ng tubig (preferably may yelo) sa iyong sarili at manghamon ng ibang tao para mag-donate sa nasabing asosasyon.

Sa kasamaang palad, nasalaula na ang layunin ng Ice Bucket Challenge at ginamit na lang ang awareness drive na ito para makapagpasikat sa social media ang maraming tao. Para na lang itong planking, harlem shake o make up transformations. Makapagbuhos lang ng tubig sa sarili ang talagang iniintindi.
Kung nasusuka ka na makakita ng mga taong nagkukunwaring may pakialam sa ALS at kung ayaw mong mag-participate sa challenge na ito, narito ang ilang mga paraaan para makaiwas sa Ice Bucket Challenge.
1. I-deactivate mo ang iyong social media accounts hanggang humupa itong pauso na ito para walang makapag-nominate sa iyo
2. Mag-reply ka sa mga nag-nominate sa iyo at sabihin mong non-conformist ka (killjoy na kung killjoy!)
3. Sabihin mo nagmamalasakit ka sa lahat ng kapus-palad sa maraming parte ng Pilipinas at ibang bahagi ng daigdig na hanggang ngayon ay walang access sa malinis na inumin o pampaligong tubig
4. Sabihin mo mahina ang baga mo at ayaw mong mapulmonya
5. Idahilan mong gusto mo sana mag-donate kaya lang hinihintay mo pa yung tamang panahon para mag-apply ng credit card
6. Kung may credit card ka, sabihin mo wala kang tiwala mag-remit ng pera gamit ang credit card via internet
7. Sabihin mo gusto mong maging mabuting halimbawa sa mga kabataan at ayaw mong mag-aksaya ng tubig
8. Sagutin mo ang mga nag-nominate sa iyo na naputulan ka na ng tubig dahil wala kang pambayad at lalo namang wala kang extrang pera para mag-donate
9. Mag-donate ka na lang at wag mo na ipaalam sa iba
10. Sabihin mo sa mga nag-nominate sa iyo na marami pang ibang karamdaman ang nangangailangan ng awareness at donasyon na hindi binibigyang pansin sa social media at tanungin mo sila kung bakit hindi nila sinusuportahan ang mga ito (kunsensyahin mo sila hanggang sa lubayan ka nila)
Kung may iba ka pang alam na paraan para makaiwas sa “internet fad” na ito, paki-suggest na lang sa comment section.
References: