Home » Linamukot at Ibinulsa

Linamukot at Ibinulsa

Nakakita na ba kayo ng linamukot na pera?

Eh yung mga tinorture na pera, nakakita na kayo? Yung mukhang inabuso, pinagmalupitan, tinanggalan ng dangal, pero ginamit at tinanggap pa rin ng iba? (Tatanggapin ng iba pero mabilis ding ididispatsa.)

Ganito ang hitsura ng mga kaawa-awang salapi.
Ang iba ay hindi na halos makilala sa sobrang lupit na dinanas.

WARNING: Ang mga susunod na larawan ay masyadong graphic at disturbing…

Disclaimer: Hindi ko po pag-aari ang mga larawang ito…

Ang totoo, merong batas laban dito pero hindi sinusunod dahil hindi rin naman ipinapatupad.

PRESIDENTIAL DECREE No. 247 July 18, 1973

1. That it shall be unlawful for any person to willfully deface, mutilate, tear, burn or destroy, in any manner whatsoever, currency notes and coins issued by the Central Bank of the Philippines; and

2. That any person who shall violate this Decree shall, upon conviction, be punished by a fine of not more than twenty thousand pesos and/or by imprisonment of not more than five years. (source)

Kaya naman minsan eh mailap ang pera sa atin eh.
Be kind to your money.

Related Article: How Are Philippine Currencies Classified?

4 thoughts on “Linamukot at Ibinulsa

  1. dapat ito pinapaalam sa mga estudyante at prinapraktis sa school, dahil mas madaling turuan ang mga bata…. hindi katulad ng mga matatanda.

    saka lang aaksyon ang pamahalaan kapag meron malaking skandalo…

    saka isa pa, napapansin ko, hindi na nanunukli ng salapi, 50cents mga establishment…

  2. Ngayon ko lang nalaman na parusa pala para diyan… meron na kaya sa history na napatawan ng parusa niyan? kanino kayang administrasyon?

Leave a Reply

%d bloggers like this: