Araw ng Kalayaan 2013

Pasensya na po at negative ang dating ng post na ito.

Marami pa ring dahilan para magdiwang ng ating kalayaan pero hangga’t sakop pa rin tayo ng mga tiwaling pulitiko na nakakalat sa buong Pilipinas sa anyo ng mga Political Dynasty, mahihirapan tayong maramdaman ang full potential ng ating kalayaan.

araw ng kalayaan 2013Sa 2016, mas marami pa sana sa ating mga Pilipino ang magpa-rehistro at bumoto para sa mga mas deserving na kandidato.

Bumoto tayo hindi ayon sa apelyido ng kandidato o kung sino ang sikat sa mga survey kundi ayon sa ating konsensya. Maawa tayo sa ating mga sarili at sa mga batang magmamana sa ating bansa.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , ,

6 replies

  1. Naniniwala ako na ang mumunting lampara ay kayang gawing maningas ang buong bayan. Kaya kahit na abutin pa ng 4th, 5th o 10th generation ang kalkula ni sir RP, posible naman na pangyarihin.

    • salamat sa comment, diwa. pwede kayang mag-milagro at makita pa natin sa ating lifetime ang pagkabawas ng mga poldy na ‘to?

      kelangan pa talaga ng malawakang panghihikayat para sa intelligent voting sa ating bansa.

  2. “Maawa tayo sa ating mga sarili at sa mga batang magmamana sa ating bansa.” – do i hear a strain of despair? hehehe… ay sows, palagay ko, buong lifetime natin, andyan pa ang political dynasty, kapatid. matagal-tagal pa bago maalis, i guess. pero pag may gaya mong civic-minded at ngayon pa lang ipino-point out nang di iyon ang dapat, baka naman mawala na sa time ng anak ng apo mo sa tuhod, hehehe. ^^

    ganda ng drowing, amused na amused si politiko, hihihi. 🙂

    • salamat, ate san. panawagan ito para magpa-rehistro at bumoto sa 2016 hehe

      after 4 generations pa pala ang hihintayin bago mawala ang mga poldy, may pilipinas pa kaya nun?

      • okey nga, may clarion call habang fresh pa sa isip ng mga tao ang botohan. i was thinking of doing a post about election and electoral process natin, sana… medyo parang lecture ang likely na format, medyo historical tapos may touch sa civic-mindedness, mga ganyan. and, yes, parang ‘tong sa ‘yo, iri-relate sa freedoms na ini-enjoy sa ngayon (sana, mahusay rin akong mag-drowing kahit kalahati man lang, hihi).

        ang iniisip ko, parang hawig sa dpsa series recently pero mas process-oriented…. ayon lang, sa dpsa serye, may mga nagbasa pero ilan-ilan lang ang nag-comment. mahirap tantyahin reaction ng readers and medyo laborious gawin, process-process (may diagrams, haha).

        hala, am not sure it’s only four generations. likely more, further down pa… depende siguro sa ibibilis and ilalawak ng economic and cultural democratization natin. pag-unlad ng bansa, pagtaas din ng standards of public service, more or less… pag-professionalize din ng govt bureaucracy and pagtaas ng expectation ng public sa hinahalal. sa ngayon, the kind of public servants we have, reflection ng expectation ng madla sa pampublikong opisyal. more on fantasy and illusion, ahaha.

        may pilipinas pa no’n, ahaha. tag-ulan na rito, kapatid. happy weekend, cheers 🙂

        • ah ok. may balak din akong mag-post ng ganyan sa future pero makupad ako mag-research kaya baka abutan na ako ng 2016 bago yun makumpleto as blog post hehe very informative yun kung maipo-post mo, ate san.

          magbigay ka na rin ng suggestions kung paano aayusin ang electoral process sa atin at sa overseas baka sakaling may makabasa na government official o taga-comelec.

          ingat po sa leptospirosis 🙂

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: