Religious Endorsement at Pre-election Surveys, Ipagbabawal

Isang panukalang batas, ang Religious Endorsement and Pre-election Surveys Prohibition Bill of 2013 ang nais isulong ng Kamara sa pagbubukas ng ika-16 Kongreso ngayong Hulyo.

Nilalayon ng panukalang batas na proteksyunan ang mga mamamayan mula sa impluwensya ng kanilang religious leaders sa pagpili ng kandidatong iboboto sa panahon ng halalan.

Nais din ipagbawal ng bill na ito ang pag-survey sa popularidad ng mga kandidato simula anim na buwan bago ang national elections. Layunin nito na pigilin ang anumang organisasyon na magsagawa ng mga survey sa mga kandidato at ipahayag ang resulta nito sa publiko.

Maaari umanong maka-impluwensya sa desisyon ng mga mamamayan sa pagpili ng ibobotong kandidato ang resulta ng mga survey na ito.

sixto brillantes

yahoo news picture

Sa isang panayam ay sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, “Ang kalayaan ng isang tao na pumili ng iboboto nang walang kinatatakutang pamimilit o anumang uri ng pananakot ay isang karapatan na dapat tamasahin ng sinumang mamamayan ng isang demokratikong bansa.”

Ayon sa mga ulat na nasagap ng COMELEC, naging focus sa paggastos ng mga kandidato nitong nakalipas na 2013 elections ang mapataas ang kanilang ranking sa mga survey at makuha ang endorso ng mga religious leaders. Ilang mga organisasyon din ang nagsabing ibinabase lang ng ilang religious sector ang kanilang endorsement sa kung sino ang mga nasa taas ng survey rankings.

Maraming pulitiko, NGO’s, ahensya ng pamahalaan at pangkaraniwang mga mamamayan ang natutuwa sa panukalang batas na ito. Matagal na umanong namamayagpag ang makapangyarihang impluwensya ng mga religious leaders sa kanilang mga nasasakupang miyembro.

Bagama’t sinasabi ng mga sekta ng relihiyon na hindi sapilitan ang pagboto sa pinili nitong kandidato, marami pa ring napapa-ulat na pananakot at pangongonsensya ang nangyayari sa loob ng komunidad ng iba’t ibang religious groups. Iba’t ibang pressure umano ang nararanasan ng miyembrong ayaw sumunod sa religious endorsement ng inaanibang relihiyon.

Naniniwala ang Kongreso na kakatigan ng Korte Suprema ang panukalang batas dahil sinusuportahan nito ang nakasaad sa Konstitusyon tungkol sa paghihiwalay ng Simbahan at Pamahalaan.

Sa pamamagitan ng bill na ito, maaari nang ireklamo ang anumang religious sect o anumang organisasyon na tahasang gumagawa ng mga bagay na maaaring makaapekto sa desisyon ng isang indibidwal sa pagpili ng kandidato.

Bagamat nakinabang sa religious vote nung 2010, naniniwala ang maraming mambabatas na hindi ivi-veto ng Pangulo ang panukalang batas sakaling makapasa ito sa una at ikalawang pagbasa.

**********************************************************************************************
Sa kasamaang palad, ang balitang ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements


Categories: Pantasya Balita

Tags: , ,

2 replies

  1. basta kung ano ‘yung sa tingin ng mga mambabatas na makakabuti para sa bayan, walang dahilan para hindi suportahan.. ang importante, may naiisip pa rin silang mga bagong batas..

    • oo nga, sana marami silang maisip na mabuting batas na talagang papakinabangan ng mga mamamayan. pero kung sakali mang mangyari sa totoong buhay na may magpanakula nitong prohibition sa religious endorsement eh siguradong kokontrahin ng maraming pulitiko na pabor sa religious vote.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: