Tag Archives: infinite.ly service review

Kelangan Ba Ang Dot Com?

Usapang techie muna tayo. Naks, wala pa akong isang taon nagbo-blog, feeling maalam na sa internet. Pagbigyan n’yo na ‘ko, para naman may mai-post ako hehe

kelangan ba ng domain
importante ba magkaroon ng sariling domain? (redorbit.com)

Sa totoo lang, pinag-iisipan ko na kung magtatatag ba ako ng sarili kong domain sa mundo ng internet o hindi. Para bang bibili ako ng lupa para tayuan ng bahay para hindi ako laging nakikitira lang (kahit na libre pa s’ya).

Marami akong nakikini-kinitang benepisyo ng pagkakaroon ng sariling domain:

  1. Pwede ko pagkakitaan ang website ko
  2. Pwede ako magbenta ng mga bagay-bagay
  3. Pwede ako maglagay ng link papunta sa mga sponsor

Teka, puro monetary purposes ah. Actually, yun talaga ang pinaka-purpose na nakikita ko sa pagkakaroon ng sariling domain. Parang nagtatayo na rin ako ng tindahan o establishment kapag nag-register ako ng domain name.

Para bang mabibigyan mo ang iyong sarili ng professional na imahe sa internet kapag may sarili kang domain name. Imaginin na lang natin ang ABS-CBN o GMA Network News na merong “.wordpress.com” o “.blogspot.com” sa hulihan ng kanilang url. Kaawa-awa ng dating, ‘di ba? Ano, nagtitipid? Hehe

‘Di naman ako nagmamadaling magkaroon ng sariling domain dahil wala pa naman akong gusto ibenta. Hindi rin naman ako sakit, este, sikat. Hindi pa naman household name ang “thepinoysite” o ang “residentpatriot”.

Pero just in case na pumanig sa aking pabor ang alignment ng mga planeta, ng mga elements ng earth, ng mga molecules sa dagat at ng mga quantum particles sa sulok ng kalawakan (lahat ‘yun sabay-sabay dapat mangyari) aba’y dapat ready ako.

Kaya tumitingin-tingin na ako ng mga posible kong pagtayuan ng sulok kong takda sa ibabaw ng world wide web. Mahirap na rin at baka maunahan ako sa pag-register ng gusto kong domain name at kailanganin ko pang bilhin yun sa napakamahal na halaga.

Isang sinubukan ko ay ang Infinite.ly.

infinite.ly registration pageKagaya ng wordpress at blogspot, hindi kailangan ng kaalaman sa programming para mai-setup ang sariling website gamit ang Infinite.ly at hindi mangangailangan ng maraming oras para maging pamilyar sa mga tools sa paggawa ng sariling website dito.

Heto ang nagawa kong website: http://residentpatriot.com

So far eh salat na salat pa sa kalamnan ang site na ito kaya ‘wag n’yo kong malait-lait sa aesthetic aspect nito dahil sinusubukan ko pa lang ito. (Taray ano? hehe 🙂 )

Nangako ako sa Infinite.ly na magbibigay ako ng review sa serbisyo nila kung ipapasubok nila sa akin ang premium account ng walang bayad. Kaya heto na ang aking review.

Pros Muna

1. Mas madali ang mga commands nito kesa sa wordpress at blogspot, kaya kung kaya mo gamitin ang wordpress at/o blogspot, yakang yaka mo gamitin ito.

2. Mura na s’ya sa halagang 1600 pesos a year.

3. May mga libreng special fonts ito na hindi makukuha ng libre sa ibang mga blogging site.

infinite.ly fonts
importante ang fonts! huwag itong ipagwalang-bahala! huwaaaag!!!

4. Mabilis ang customer service. Nung hindi ko ma-access ang account ko, wala mang 24 hours ang lumipas eh inasikaso nila ‘ko agad.

Cons Naman

1. Minsan hindi nagre-respond ng maayos ang mga tool commands (o baka mabagal lang ang pc ko :))

2. Maliit lang ang file storage capacity n’ya (50MB) kumpara sa 3GB free storage na binibigay ng wordpress.

3. Wala pa s’yang multiple upload capacity (‘di pa n’ya kayang mag-upload ng maraming files ng sabay-sabay).

Sa ngayon, ito pa lang ang mga masasabi ko tungkol sa website na ito, hindi pa kasi ako tapos sa pag-evaluate. Bago pa lang ang hosting service na ito kaya marami pang improvements ang nakikita kong maaari nilang gawin sa malapit na hinaharap.

Kung may alam din kayong pwedeng subukan na hosting service, pa-share naman.

Advertisements