July 2014 Update – In fairness, ang layo na ng nilundag natin sa latest Corruption Index ng Transparency International, ha? Kumpara sa puwesto natin nung 2008, masasabi nating nagi-improve ang perception sa atin ng ibang bansa with regards to corruption.
Heto ang kinolekta kong resulta mula sa Transparency International. Ang ayos ng ranking ay nagsisimula sa mga bansang hindi corrupt at habang tumataas ang perception ng katiwalian ng bansa ay bumababa naman ito ng ranggo sa listahan.
Makikita na ang perception ng katiwalian sa Pilipinas ay nababawasan. Totoo kaya ito? Ilang daang taon pa kaya ang gugugulin para mapunta tayo sa Top 20 least corrupt countries?
Sana naman pati ang krimen eh bumaba na rin. I-click ang chart para mabasa ng mas malinaw.

Reference: Transparency International
Related Posts:
Reblogged this on The Pinoy Site and commented:
Narito ang kasalukuyang katayuan ng Pilipinas with regards to katiwalian.
Ayon sa 2013 Corruption Perception Index ng Transparency International, corrupt pa rin daw ang Pilipinas pero nag-iimprove naman ang ating ranking.
Ilang daang taon na lang siguro mapupunta na tayo sa Top 20 Least
Corrupt Countries of the World. Tingnan natin 😀
hindi ba tayo nasa top 20 na ngayon pa lang hahaha
actually, wala pa tayo sa top 20 most corrupt countries kung lahat ng bansa ang pag-uusapan. pero kung asya lang, nasa top 10 tayo 😀 go, go, philippines!
Lahat naman ng bansa may corruption kahit paano pero ang iba sinasabayan ng hataw sa development. Sana tayo Rin. Pero good news Ito Kung tunay nga! 🙂
oo, accomplishment nga ito, considering na lagi na lang tayong kulelat sa ranking nung mga nakalipas na taon…80 countries na lang ang kelangan nating lundagin para makasama sa barkadahan ng mga 1st world countries 😀
Magandang Pasko po! Sa may bahay, ang aming bati… 🙂 uy, napansin ko, bago ang interior dito – may parol na nakasabit (parang gawa sa japanese paper, hehe, di ako magtataka sakali) at bago ang peg ng isa dyan, kainaman na… 😉 mas maganda, kapatid. parang ang linaw…
teka, sabihan mo ‘ko pag may house blessing – baka may handang mainit na sotanghon, hihi… cheers for the season! 🙂
uy, hello DPSA, welcome sa aking blog, first time mo dito ‘di ba? bakit alam mong may nabago sa interior nitong blog ko? 😀 joke…
hello san, hindi naman ako nag-renovate, pinalitan ko lang yung title head. nakaisip kasi ako ng bagong gimik. papalitan ko every month yung title head ng blog na ‘to para kahit di ako makapag-post agad ng bago eh may makitang kakaiba yung mga napapadaan sa site na ito hehe
japanese paper nga ang ginamit dun sa mga strips na pink, ang galing mo ah…gumawa ka na rin ba ng parol dati? crepe paper lang yung sa palibot ng star hehe
maligayang pasko in advance 😀
Tama ka dun sir, sana krimen naman ang bumaba. Nakakakilabot na eh.
oo nga eh, araw-araw na lang eh may namamatay sa violence sa atin, hindi lang sana puro tourism ang asikasuhin ng pamahalaan natin…
Still this is definitely a good news 🙂 God bless the Philippines!
ma-exorcise pa sana lalo mula sa mga masasamang elemento ang ating bansa 😀 good news nga ito para sa ating lahat…
sana nga totoo at sana nga patuloy pa ang pagbaba ng numero.. goodluck sa pinas!
sana nga bumaba pa lalo, obvious naman kasi na ang mga bansang mababa ang katiwalian ang s’ya ring mga mayayamang bansa sa daigdig…
Oh, man…. well, beggars can’t be choosers. So who’s the lowest? =_= If it’s any consolation, at least it went down 35 points.
the countries considered to be the most corrupt this year is a triple tie between, North Korea, Somalia and Afghanistan. i think the Philippines did good this year 😀