Forwarded Emails

Advanced Merry Christmas at Advanced Happy New Year!

Ang dami ng nangyari nung huli akong nakapag-post. Sumikat at lumubog si Amalayer, inireklamo at nagreklamo si Tito Sen, may tiba-tiba at may na-bankrupt sa pyramid scam at inabot na ng tatlong taon ang isang napakabagal na paglilitis.

Marami akong excuse, este, dahilan sa hindi pagpo-post ng matagal. Ilan sa mga ito ay ang Angry Birds, iFighter 45 atsaka Fruit Ninja.

Nag-reflect din ako kung ano’ng direksyon ang dapat kong tunguhin para sa blog na ‘to. Pagkatapos ng dalawang linggong pagninilay-nilay, wala pa rin akong naisip na magandang gawing matino para sa blog na ito. Naisipan ko na lang magdagdag ng isa pang category na pinamagatang Forwarded Emails.

email logo

whoever made this icon/logo, it’s very nice

Nung hindi pa uso ang social networking sites (Friendster/Facebook) eh sa e-mail nagchi-chikahan ang taumbayan. Β Minsan, kahit walang maikuwento, nagfo-forward na lang ang mga tao ng akda ng ibang tao. Para lang makapag-keep in touch o makapagparamdam sa kaibigan.

Ilan sa mga forwarded emails na nagustuhan ko (hindi ko dinelete sa inbox) ang ipinost ko sa kategoryang Forwarded Emails. Mga nakakatawa at may makabayang tema lang ang ipinost ko dito. Censored na kasi yung iba, joke.

Sikat yung iba at na-publish na rin yata sa ilang libro. Kung sino man ang sumulat ng mga ito ay hindi na nabigyan ng credit (o royalty) pero nagpapasalamat ako sa kanila dahil nakakalibang ang kanilang katha. Hindi naaksaya ang ginamit kong oras sa pagbabasa ng mga ito.

Heto ang link sa page: Forwarded Emails

Maraming salamat sa patuloy na pagbisita sa blog na ito πŸ˜€

Advertisements


Categories: Forwarded Emails

Tags: , , , ,

16 replies

  1. parang gawain ko din dati ang pag forward ng emails.. ehehehehehe guilty!

  2. Try mo naman yung Fish Fury o kaya Bad Piggies o kaya Cut the Rope. Hahaha. πŸ˜€

  3. Naaadik ka na ser sa iPad mini! Haha.

    Naala ko din nung hs ako, nauso yang forwarded emails. Yung si Bloody Mary ang hindi ko makalimutan. πŸ˜€

    • ahaha oo nga eh kaya nga ayaw ko ng games eh, walang nangyayari sa buhay ko πŸ˜€ pero ang bilis din kasi ng internet kaya nalulula ako sa dami ng nasu-surf ko, namamalayan ko na lang wala na akong ginawa kundi magsurf lang ng magsurf hehe pero lilipas din ito…sana

      hanapin ko yang mga bloddy mary na yan, hindi umabot sa akin yung mga ‘yun…

  4. oo nga, konti na lang yung mga nagfoforward ng mga nakakatuwa at nakakatawang e-mail.. puro kasi sa fb na makikita..
    ayun, sinimulan kong magbasa at natatawa pa rin ako dun kay Ngongo.. mo en min. hahahaha

  5. haha, natawa ako ng makita ko ang logo. parang more than a year ko nang di nakikita ‘yan, aliw… good luck sa bagong category, kapatid. hello, hello πŸ™‚

  6. pinapaharot mo akong mag-isip. nasa mrt ako, ayon kalaro ko sila. pati ang mga patay na’y binubuhay ko. ewan ko lang kung magtutugma ang liwanag nating dalawa.

    walang kinalaman ito sa topic mo? lol

  7. Dami ko ring nareceive na ganyang emails dati pero nawala na. Buti naman at idinagdag mo. Isa yang magandang karagdagang bahagi na ipinamamahagi mo sa iyong blog. πŸ˜‰

    • hi June πŸ˜€ salamat sa pagdaan dito at pag-like nung mga forwarded posts…oo nga eh buti na-save ko pa sila, malalaos din pala yung sosyalan sa email, masyadong mahaba yung ibang message kaya hindi pwede i-share sa fb, sa mga blog na lang sila pwede ikalat ngayon.

  8. iyan nga ang uso dati, bumabaha ang inbox ng forwarded mails, hahahaha.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: