Naniniwala ako na para sa ating lahat ang mga mensahe ng Bibliya subalit ilang BIble verses ang napansin kong ang sarap sanang i-share sa mga tiwaling pulitiko na atat na atat maging tagapag-lingkod (kuno!) ng madlang Pilipino, mapa-national level man o lokal.
Narito ang ilang mga Bible verses para sa mga pulitiko na mula sa aklat ng ISAIAS.
Isaias 5:20
Kawawa kayo, mga baligtad ang isip! Ang mabuting gawa ay minamasama, at minamabuti naman iyong masama, ang kaliwanaga’y ginagawang kadiliman at ang kadilima’y itinuturing na kaliwanagan. Sa lasang mapait ang sabi’y matamis, sa lasang matamis ang sabi’y mapait.
Isaias 10:1-3
Mapapahamak kayo, mga gumagawa ng hindi makatarungang batas na umaapi sa mga tao, upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan, upang alisan ng karapatan ang mahihirap, at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.
Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa, pagdating ng pagkawasak na magmumula sa malayo? Kanino kayo lalapit upang humingi ng tulong, at kanino ninyo iiwanan ang inyong kayamanan…
Isaias 29:21
Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri, mga sinungaling na saksi at mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.
Isaias 33:15
Ngunit maliligtas kayo kung tama ang sinasabi ninyo at ginagawa. Huwag ninyong gagamitin ang inyong kapangyarihan para apihin ang mahihirap; huwag kayong tatanggap ng suhol; huwag kayong makikiisa sa mga mamamatay-tao; o sa mga gumagawa ng kasamaan.
Isaias 55:7
Dapat nang talikuran ang mga gawain ng taong masama, at dapat magbago ng pag-iisip ang taong liko. Sila’y dapat manumbalik, at lumapit kay Yahweh upang kahabagan; at mula sa Diyos, makakamit nila ang kapatawaran.
Ang salin ng Bibliya na ginamit:
2005 Edisyon ng Magandang Balita Biblia ng Philippine Bible Society (Link)
Categories: Halu-halo
Amen!
Tumpak na tumpak.. sana magising na ang mga linta ng Gobyerno.
amen! tablan sana ang mga pulitiko.
haha, asa pa tayo 😀
Tomo! Ang mapagkakatiwalaang pulitiko ay maagang namamatay. tsk!
Boom. Magandang mabasa ito nang mga kakandidato sa paparating na eleksyon at pati narin sa may katungkulan na. Sana ito ang nakabandera at nakasabit sa mga daanan para laging paalala sa kanila, hindi ang mga pang-facebook nilang mga banner at tarpaulin.
oo nga eh, itapal dapat ang mga verse na ito sa mga poster, banner at fb page nila 😀
Tama-tama! Gusto ko ipost sa mga fb page at itag ang blog post mo na ito sa twitter accounts nila. Asteeeg talaga!
Tsk. Sana may matamaan man lang sakanila dito.
hi rhence, sana nga tamaan sila, pero magagaling umilag eh 😀
Sakto! Pwede ba yan ihulma sa mga bakal at pabagahin tapos imarka sa katawan ng bawat pulitiko?
sakit naman nun, diwa, tattoo na lang…sa leeg, joke 😀
They’ll never listen. We have such politicians here in the US, too.
what’s ironic is, a lot of these people are regular church goers and looks very religious…
akmang akma talaga!
parang tinahi talaga ang mga salita para sa kanila 😀
Sapul na sapul!
Magandang payo ‘to sa mga buwayang politiko. XD
haha sapul nga, sigurado allergic sila sa mga verse na ‘to 🙂