Ang Iyong Karapatan sa Iyong Akda (Part 2/3)

Paunang Pasasalamat: Maraming salamat kay Tito Sen at sa kanyang mga writing staff, dahil sa kanila, naging mainit ang topic na ito.

Bilang pagpapatuloy sa pagtalakay tungkol sa ating karapatan sa ating akda, narito ang ilang tips upang protektahan ang ating mga katha at itaboy ang mga mapangopya.

1. Maglagay ng anunsyo na bawal kopyahin ang akda sa bawat post o sa main page ng iyong site

Ayon sa Berne Convention, isang pamantayan ng copyright rules ng maraming bansa, ang lahat ng karapatang mag-authorize na baguhin ang isang katha ay ibinibigay lamang sa may-akda nito.

Source: Berne Convention Articles
(Tingnan ang Article 8, Article 10.3, Article 11ter, Article 12 at i-share sa Senado)

Ang Pilipinas ay isa sa mga signatory na bansa ng convention na ito kaya kahit Bisayain pa ang Tinagalog na Chinese version ng I Have a Dream speech ni Martin Luther King eh plagiarism pa rin ito kung gagamitin ang nasabing speech na walang pagtukoy sa orihinal na may-akda.

Kung ikaw ay isang talented na blogger na maraming magandang idea at may mga orihinal na hawak na impormasyon, maaari kang maging target ng mga plagiarists.

Kagaya ng nabanggit sa Part 1 ng topic na ito, kahit hindi natin sabihing bawal kopyahin at gamitin ang ating akda ng walang paalam, automatic at common sense na iyon.

Subalit ang common sense ay hindi ganun ka-common kaya may mga tao pa rin na kapag hindi nakita ng malinaw ang mga katagang “BAWAL KOPYAHIN ITO” eh akala nila okay na mangopya ng mangopya hanggang mabundat sila.

Kaya mas maganda na ang maging malinaw. Ipaalam sa mga mambabasa ang mga permiso na gusto mong ibigay sa iyong mga akda. Maaaring gamitin ang ilang mga copyright protection banner na matatagpuan sa internet pero nakita ko na sapat na ang Creative Commons License (CCL) banner o/at ang Copyscape banner.

Ganito ang hitsura ng mga mapagpipiliang Copyscape banners:

May iba’t ibang permiso naman na maaaring i-specify gamit ang CCL para sa bawat akda na gusto mong gamitan nito.

Pwede ka ring maglagay na lang ng isang general CCL para sa buong websayt mo kung talagang mahigpit ka (o walang oras isa-isahin ang lahat ng iyong akda).

Ganito ang hitsura kapag magse-set ka ng mga permiso sa Creative Commons Banner:

Kung gusto mong ilagay ang alin man sa mga banner na ito (CCL o Copyscape) subalit hindi alam kung paano, paki-private message na lang ako gamit yung “Kontak” page at bibigyan kita ng step by step instruction.

2. Lagyan ng watermark (tanda) ang mga larawan o art na ipo-post

Pwede mong sulatan ng iyong pangalan ang ipo-post mong larawan subalit madali lang ito tanggalin lalo na kung sa mga gilid-gilid mo lang ilalagay ang iyong tanda.

Kung ayaw mo talagang magamit ng iba sa anumang paraan ang iyong mga larawan, pwedeng lagyan ito ng watermark. Isa itong malinaw na marka na hindi tatakip sa laman ng iyong larawan subalit maaaninag pa rin pag pinagmasdan ng mabuti.

Narito ang halimbawa ng aking pinagsasasabi:

pangkaraniwang text version

watermarked version

3. I-disable ang right click copy paste

Natagalan ako sa pag-post ng sequel na ito dahil dito. Akala ko’y kaya kong gawing simple ang explanation para ma-disable ang right click ng mouse subalit nagkamali ako. Hindi ko ito magagawa sa iilang sentence lang.

Madali pakialaman ang source code kung ang iyong blog site ay nasa Blogger subalit hindi
ito madali gawin sa WordPress lalo na kung hindi ikaw ang nagho-host sa sarili mong blog.

Gagawa na lang ako ng hiwalay na post (kelan kaya ‘yun) kung paano ito gawin dahil masyadong teknikal at maselan ang pamamaraang ito. Kaya nitong sirain ang buong blog site mo kapag nagkamali ka ng gagawin. Samantala, heto ang isang site kung saan nagpapaliwanag kung paano galawin ang source code ng iyong website: Disable Copy and Paste

Para hindi makatulog ang nagbabasa, hinati ko na sa tatlo ang topic na ito 😀

Itutuloy…

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

5 replies

  1. hayyyy….. ang hirap palang magprotect ng laman ng utak! wag na lang kayang ilabas? hihihihi joke lang po! Apir Patriot!

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: