Ang Iyong Karapatan sa Iyong Akda (Part 1/3)

Para sa mga kababayan kong bloggers, isi-share ko lang ang mga ilang bagay na natutunan ko kelan lang tungkol sa karapatan natin sa ating mga katha laban sa mga plagiarists o mapangopya.

Okay lang sa akin ikalat ang aking mga walang katuturang katha basta ang sisi ay ibabaling lagi sa akin. Ayokong may ibang tao na tatanggap ng responsibilidad sa kabulastugang ako ang may gawa. Importante sa akin ang bagay na iyon πŸ˜€

Nag-research ako kung paano maprotektahan ang sarili kong akda mula sa mga senador este, taong mahilig umangkin ng hindi kanila katha.

Binasa ko ang mga article na ito:

  1. Copyright and the Internet
  2. 10 Big Myths about copyright explained
  3. Prevent Content Theft
  4. Philippine Copyright Law
  5. Digital Millenium Copyright Act

Kung titingnan ninyo ang mga website na iyan, mapapansin n’yo na English lahat ng mga nilalaman nila kaya’t naubusan na naman ako ng dugo sa ilong. Isa pa, masyado silang nakakaantok basahin! Wala kasing drawing at colorful pictures.

Mula sa pagbabasa ko ng mga website na ito, nalaman ko na bumabagal na ako magbasa sa English. Nalaman ko rin na ang anumang orihinal na akda na isinulat natin ay automatic na copyrighted material na pala!

Ayon sa Philippine Copyright Law:

The aforementioned (literary and artistic works) are protected from the moment of their creation. (SECTION 172.1) Works are protected by the sole fact of their creation, irrespective of their mode or form of expression, as well as of their content, quality and purpose. (SECTION 172.1) (Sec. 2, P.D. No. 49a)

Reference: Philippine Copyright Laws –Β Scope of Copyright Protection

Sa eksaktong oras na natapos pala ang isang akda, komposisyon, katha, drawing etcetera, etcetera (whatever will be, will be), eh copyrighted na ito. Nasa gumawa na ang lahat ng karapatan sa kanyang ginawa.

Walang karapatan ang kahit sino (ke-sehodang si Barack Obama pa ‘yan) na kopyahin o gamitin ang isang akda kung walaΒ ang pahintulot ng may-akda o hindi kinilala ang may-akda pagkatapos gamitin ang kanyang katha.

Kahit hindi natin isulat sa ating websayt na bawal mangopya ng akda ng walang pahintulot, automatic naΒ itong ipinapatupad at umiiral sa lahat ng pagkakataon. Ang maaari lang kopyahin at gamitin ng walang pahintulot ay yung mga akda na nilagyan ng ganitong marka.

Pero ang mga plagiarist ay pwedeng mag-invoke ng “fair use” defense ‘pag sila ay natiklo. Ang “fair use” ay hindi karapatan. Ito’y isang excuse. Β (Reference: Copyright and Fair Use)

Hindi rin tamang katwiran na komo maraming nangongopya ng gawa ng iba, eh okay lang ang plagiarism. Ang mali ay mali. Hindi na kailangang mag-gradweyt sa Harvard para intindihin ang bagay na iyon. (Eh di okay na lang din ‘wag magbayad ng buwis dahil marami namang gumagawa nun.)

Itutuloy…

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , ,

28 replies

  1. no comment……hehe

  2. Inaantay ko yong kasunod kaya hindi ako nagkokomento dito pero napapanahon ang iyong ibinahagi Sir. πŸ™‚

  3. *bakit lubhang napakahirap pairalin yun sa sistema ng ibang tao…. πŸ˜‰

    • alam mo kasi, jynxzzo, contrary to popular belief, ang common sense ay hindi ganun ka-common. mantakin mo ba namang bigyan pa ng katwiran yung alam na pala nilang mali (sila mismo umamin ng kinopya lang nila ang ilang portion ng speech) komedyante talaga hehe

  4. salamat sa impormasyon, na-aaply ko siya sa blog ko. πŸ˜‰ yung isyu ng plagarism, respeto at sentido kumon lang naman ang kailangan. ewan ko ba kung lubhang napakahirap pairalin yun sa sistema ng ibang tao….

  5. Alam na kung sino yung senador. Haha. Di pa sya nakuntento, tinatagalize pa nya para hindi halata. Haay

  6. nice post. very informative. kailangan nga nating alamin ang mga karapatan natin. =D

  7. very informative. tsalamats!

  8. Salamat dito πŸ˜‰

  9. Reblogged this on 25pesocupnoodles and commented:
    Magandang araw ng Setyembre, akin pong inirerekomenda na basahin ninuman ang panulat ni “the pinoy site”, ito ang isang panulat na itinuturing ko pong sa atin ay lubos na makakatulong upang mabigyan ng proteksiyon ang ating mga makabuluhang sulatin. huwag na huwag ninyo pong palalampasin. bigyan nating parangal ang pagiging masipag ni “the pinoy site” sa paghahandog ng ganitong mga sulatin.

    “alamin-alamin ang mga bagay na makakatulong sa atin”

  10. dahil diyan, nais ko po magpa-alam na ito’y i-reblog….ty

    • Hello Cup, salamat ulit sa pagbisita. Sure, ayus na ayos lang i-reblog, salamat din sa pag-share sa mga readers mo.

      Internationally applicable ang mga karapatan natin sa mga akda natin. Sa kasamaang palad, kahit mga ilang mambabatas eh hindi yata pamilyar sa bagay na iyon at tingin nila eh ayos lang mangopya ng mangopya ng gawa ng iba na hindi man lang nagbibigay ng credit sa source nila. Ginagawa ko pa yung continuation ng post na ito hehe. Sumasakit na mata ko sa English πŸ˜€

  11. RP, alam mo bang nais ko sanang review-hin ang terms & agreement dito sa wordpress, hahaha. Ang kaso mo, inaatake ako ng katam….. sa tuwing mamabaling ang atensyon ko sa mga magagaling na sulatin ng iba’t ibang blogger. hahaha.

    Mabuti at na-i-share mo ito sa amin, ang sipag mo naman talaga. Isa itong mas-makabuluhan pa sa mga makabuluhang paskil. welcome september.

  12. salamat. ito’y malaking tulong

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: