Paano Magluto ng Adobo (Warning: This is Medyo Corny)

English: Chicken adobo.

English: Chicken adobo. (Photo credit: Wikipedia)

Hindi ka Pilipino kung hindi ka pa nakakain ng adobo. Baboy man ‘yan o manok, importanteng makakain ang isang Pilipino ng adobo sa kanyang buhay. Kaya naisipan kong umimbita ng mag-asawang Pilipino upang ituro sa atin ang tamang paraan ng pagluluto ng masarap na adobo.

Heto na po sila, nasa ikapitong taon na ng kanilang matamis na pagsasama, ang mag-asawang si Juan at Maria. Palakpakan. Palakpakan.

Juan: Marami pong salamat sa pag-imbita sa amin dito.

Juan: Mahal, bati ka.
Maria: …

Juan: Uh, ‘andito po kami ngayon para ituro ang pagluto ng masarap na adobong manok.
Juan: Hindi n’yo na po itatanong eh isa ito sa mga paborito kong luto ng aking misis.
Juan: Hindi ba, mahal?
Maria: …

Juan: Simulan po natin sa mga sangkap.
Juan: Heto ang mga kakailanganin nating sangkap sa pagluluto.
Juan: Manok, toyo, suka, bawang, sibuyas, paminta, laurel, at pulang asukal.

Maria(pabulong): Ba’t isinama mo pa ‘ko dito?
Juan: May sinabi ka, mahal?

Maria: Bakit sinama mo pa ‘ko dito?! Bingi!
Juan(pabulong): Pinaunlakan natin yung imbitasyon sa atin, di ba?
Maria: Ikaw na lang sana mag-isa’ng pumunta, wala naman ako gagawin dito.

Juan(pabulong): Magtatalo ba tayo dito? Ang daming nakakakita, naman o.
Maria: …

Juan: Paumanhin po, kailangan po natin ng kaserola o kawali panluto ng ating adobo.
Juan: Pero bago ang lahat, hiwain muna natin ang mga bawang at sibuyas.

Maria: Hindi ba huhugasan muna?
Juan: Huhugasan pala muna natin bago hiwain.

Maria: Babalatan muna bago hugasan.
Juan: Balatan po muna bago hugasan.

Maria: Hindi mo pa inilalabas sa ref lahat ng sangkap.
Maria: Ano’ng babalatan mo?

Juan: May naka-away ka ba this week?
Juan: Masakit ba t’yan mo?
Juan: May nararamdaman ka bang kakaiba?

Maria: Wala ako sa mood.
Maria: Bilisan mo na lang d’yan.
Juan: Wala ka naman lagi sa mood eh.

Maria: Akala ko ba ayaw mong makipagtalo na marami ang nakakakita?
Juan: Inumpisahan mo eh.
Maria: Ah ganun? Inumpisahan ko kaya tatapusin mo, ganun?
Juan: Wala akong sinabing ganun.

Maria: Ang hirap sa ‘yo, nagmamagaling ka lagi.
Maria: Gusto mo lagi kang first!
Juan: Anong first?

Maria: First honor, first prize, first place, gusto mo ikaw lagi ang magaling.
Juan: First sa puso mo…
Maria: Shut up! Wala ako sa mood!
Juan: …

Maria: O ano, bakit hindi mo ituloy ‘yang ginagawa mo?
Juan: Wala na ‘kong gana.
Maria: Tumunganga na lang tayo dito.

Juan: …
Maria: …

Juan: Naaalala mo pa ba nung sinagot mo ‘ko?
Maria: …
Juan: Nasa park tayong dalawa nanonood ng mga naglalarong bata.
Maria: …

Juan: Tinanong ko sa ‘yo, “Pwede bang magtanong?”
Maria: …
Juan: Sabi mo, “Ano ‘yun?”
Maria: …

Juan: Sabi ko, “May chance ba ‘ko?”
Maria: …
Juan: Sabi mo habang nakangiti na parang nahihiya, “Meron.”

Maria: Okay na, magluto ka na.
Juan: Yung araw ding ‘yun, sinagot mo ‘ko.

Maria: Sige na nga, magluto ka na.
Juan: Wala na nga akong gana eh.

Maria: Uwi na tayo.
Juan: Ano gagawin natin sa bahay?

Maria: Matulog na lang tayo.
Juan: Okay, tara na.

————————————————————————————–

ADVISORY: Ang mga nakasulat sa itaas ay hindi totoong nangyari. Ito’y kathang isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , , , , ,

10 replies

  1. Haha! Ganun lang pala magluto ng Adobo? 😀

  2. Naaliw ako….aliw na aliw hahahahahahaha

  3. Si Mareng Maria andaming arte sa life! Har! Haha.

Trackbacks

  1. THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: