Narito ang lyrics ng ating Pambansang Awit:
Bayang magiliw,
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso,
Sa dibdib mo’y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning,
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim,
Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo,
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.
*******************************************
Kahulugan ng mga liriko (The Pinoy Site translation):
Bayang magiliw,
Ang bayan natin ay mapagmahal
Perlas ng Silanganan
Sa silangang bahagi ng daigdig, ang Pilipinas ay parang perlas sa dagat ang kagandahan
Alab ng puso,
Ang parang nagliliyab na “passion”
Sa dibdib mo’y buhay.
ay nananalaytay sa dugo ng mga Pilipino
Lupang Hinirang,
Ang bansa natin ay pinili (annointed land)
Duyan ka ng magiting,
Tayo ay bansa ng matatapang
Sa manlulupig,
Sa mga mananakop
Di ka pasisiil.
Hindi tayo magpapatalo
Sa dagat at bundok,
Sa mga karagatan at sa mga kabundukan
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
Maging sa hangin at sa malawak na kalangitan
(Kahit saan ka naroon)
May dilag ang tula,
Makikita ang taglay na ganda ng mga tula
At awit sa paglayang minamahal.
Pati na ang mga awitin tungkol sa kalayaan na gustung-gusto natin makamit
Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning,
Ang bandila natin ay makikita ng lahat at walang makakapigil sa pagwawagayway nito
Ang bituin at araw niya, kailan pa ma’y di magdidilim,
Ang mga probinsya, lalawigan, kabilang na ang mga isla ng Pilipinas ay hindi mababalot ng kasamaan.
Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta,
Ang Pilipinas ay lupain ng glory at love
Buhay ay langit sa piling mo,
Parang nasa paraiso kapag nabuhay sa Pilipinas
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Kaligayahan ng mga Pilipino na kapag merong nambu-bully sa Pilipinas
Ang mamatay ng dahil sa iyo.
Ay nakahanda kaming mamatay para sa pagtatanggol ng bansa.
Categories: Pilipinas Info
Thankss for this blog post
To too Po bang masaya ang pilipino pag maroon nang bully sa kanila?.😂😂😂😂
Salamat sa pag tulong di ko Po alam yung pambansang awit eh…. Itsik ako eh… 😛 thank you!
ano po ba ibig sabihin ng sALITANG lupang hinirang duyan ka nang magiting sa manluluping dik pasisiil
“lupang hinirang” —> the chosen land (the philippines)
“duyan ka ng magiting” —> pinanggagalingan ng mga matatapang
“sa manlulupig” —> mga mananakop
“di ka pasisiil” —> hindi magpapa-bully ang pilipinas
Ibang klase ka talaga magblog Engr. RP…masarap balik balikan..kahit katago tago mo ng post hinahalungkat pa..Saan mo kinukuha ang mga post mo kung di mo mamasamain?
salamat, ser man. ang dami mo palang blog hehe ang mga post ko eh kinukuha ko mula sa iba’t ibang blogs na nababasa ko, sa mga balita sa kasalukuyan, sa mga napapanood ko, sa mga post sa fb, o kaya kahit sa mga kuwentuhan lang na naririnig ko. kahit saan, may makukuhan ng idea at inspirasyon.
ang problema ko eh makahanap ng oras na isulat lahat ang mga ito hehe 🙂
quote na lang din ‘to:
“Aming ligaya na ‘pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo.”
sa tingin ko, bihira na lang ang may paninindigan sa linyang ‘yan.. malawak sa napakaraming dahilan.. pero bihira pa rin.. hindi natin alam.. hehehe
medyo mahirap na nga sigurong makahanap ng taong maninindigan sa mga katagang iyan, pero sa panahon na may dumating na mananakop, makikita natin kung may relevance pa ang mga salitang iyan sa ating mga pilipino 🙂
hi sir pwd mag tanong?
pwedeng-pwede…
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula,
At awit sa paglayang minamahal.
Nais kong maliwanagan ang ibig sabihin nito. Pwede bang pakipaliwanag sa akin ang sarili mong interpretasyon? Salamat
Hello ser J, pati itong tagung-tago na post eh hindi nakaligtas sa ‘yo hehe 😀
Ang pagkaka-intindi ko sa mga linyang ito eh napakagandang tingnan ng malayang Pilipinas nasaan ka man naroon (tubig, lupa, himpapawid, o kalawakan). Parang ganun. Ano ang sa iyo ser?
dagat = tubig
bundok = lupa
simoy = hangin = himpapawid
langit = kalawakan
may dilag = may alindog = kaakit-akit = maganda sa paningin
ang tula at awit = expression ng paghahangad sa isang bagay
paglayang minamahal = minamahal natin ang kalayaan
ito yung naging basehan ko dun sa isa kong reply
yung english version nya parang ganito rin ang translation
(talagang sineryoso ang explanation eh…)
gusto ko yung explanation. lol 🙂
tagung-tago na ‘yung post, napuntahan pa hehe salamat sa pagdaan 🙂
puwede po bang mag tanong may assignment po kasi ako ano po ang ibig sabihin ng lahat na salita sa lupang hinirang