Home » Mga Kagawaran at Kalihim ng Pamahalaang Pilipinas

Mga Kagawaran at Kalihim ng Pamahalaang Pilipinas

mga kagawaran at kalihim ng pilipinas

May 2025 updated na listahan ng kasalukuyang mga Kagawaran at Kalihim ng Pilipinas kasama na ang ilan pang mga impormasyon pati mga tungkulin ng bawat Departamento.

=============================================================

Narito ang kasalukuyang mga kagawaran at kalihim ng Pamahalaang Pilipinas pati na iba pang mga detalye tungkol sa kanila.

1. Department of Agrarian Reform (DAR)
Kagawaran ng Repormang Pansakahan (KRP)
Kasalukuyang Kalihim: Conrado M. Estrella III
Established: September 1, 1971
Link: dar.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagpapatupad ng programang Land Acquisition and Distribution (LAD) sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Paglilipat sa pagmamay-ari ng mga lupang pang-agrikultura sa mga magsasaka at farmworkers na walang lupa.
  • Pag-isyu ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) o iba pang titulo ng lupa sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
  • Pagresolba sa mga hindi pagkakaunawaan at kasong nauugnay sa agraryo, gaya ng mga isyu sa pagmamay-ari o pangungupahan ng lupa.
  • Pagbibigay ng legal na tulong at representasyon sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB).
  • Pagbibigay-desisyon sa mga kasong agraryo sa pamamagitan ng DAR Adjudication Board (DARAB).
  • Paghahatid ng mga serbisyong sumusuporta sa pagtiyak na magtagumpay ang mga ARB, kabilang ang: credit and financing, pagsasanay at pagpapalawak ng kapasidad, access sa mga merkado at teknolohiya
  • Pag-oorganisa at pagpapalakas ng mga Agrarian Reform Communities (ARCs) upang isulong ang pag-unlad ng mga kanayunan.
  • Pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno, non-government organization, at local government units (LGUs) para magbigay ng pinagsamang suporta para sa mga ARB.
  • Pangangasiwa sa mga public-private partnership upang mapahusay ang mga serbisyo at imprastraktura sa mga pang-agraryong lugar.
  • Pagsubaybay sa pagpapatupad at epekto ng mga programa pang-agraryo. Pagsasagawa ng pananaliksik at pagbuo ng patakaran upang mapabuti ang pagiging epektibo ng CARP.

2. Department of Agriculture (DA)
Kagawaran ng Pagsasaka (KPS)
Kasalukuyang Kalihim: Francisco P. Tiu Laurel, Jr.
Established: June 23, 1898
Link: da.gov.ph; Dept. of Agriculture (FB Page)

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Siguraduhing may sapat na panustos na pagkain at mga pangangailangan mula sa sektor ng agrikultura at pangingisda
  • Palaguin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paglalaan ng mga patakaran, pampublikong pamumuhunan, at mga serbisyong kinakailangan para sa lokal at pandaigdigang kalakalan
  • Palaguin ang produksiyon mula sa agrikultura, mabigyan ng paraan upang magkaroon ng kita ang mga magsasaka at mangingisda
  • Maengganyo ang iba pang sektor ng lipunan sa pagpapalago ng agrikultura
  • Magpalaganap ng mga sistemang pang agrikultura na pinapahalagahan ang hustisya, kasaganaan at pangmatagalang paghawak sa likas yamang pang-agrikultura.

3. Department of Budget and Management (DBM)
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (KPP)
Kasalukuyang Kalihim: Amenah F. Pangandaman
Established: April 25, 1936
Link: dbm.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Manguna sa pamamahala ng pampublikong paggasta para masiguro ang pantay, nararapat, malinaw at maayos na pananagot sa paglalaan at paggamit ng pondo ng publiko para sa ikaaangat ng kalidad ng buhay ng mga Pilipino
  • Gumawa ng istratehiya na naaayon sa planong pang-ekonomiya ng gobyerno
  • Gawin ang plano ng paggasta na nakasaad ang programa
  • Gawin ang taunang plano ng paglalaan sa mga gastusin
  • Gawin at isakatuparan ang pambansang sistema ng pananagutan sa pondo at pagpapahalaga ng pamumuhunan
  • Pamahalaan ang pagbayad sa gobyerno
  • Bantayan ang mga operasyong pinansyal ng mga lokal na pamahalaan at mga kumpanya na hawak ng gobyerno

4. Department of Education (DepEd)
Kagawaran ng Edukasyon (KEd)
Kasalukuyang Kalihim: Juan Edgardo “Sonny” M. Angara
Established: January 21, 1901
Link: deped.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pamamahala sa sistemang pang-edukasyon sa basic education. Pamamahala sa kindergarten, elementarya, at sekondaryang edukasyon, sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
  • Pagbuo at pagpapatupad ng kurikulum. Paggawa ng mga gabay sa curriculum at learning materials para sa iba’t ibang antas ng edukasyon.
  • Pagsasanay at pamamahala sa mga guro at kawani ng paaralan. Pagsasagawa ng training, evaluation, at professional development ng mga guro.
  • Pagtatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad sa paaralan. Pangangasiwa sa konstruksyon, rehabilitasyon, at maintenance ng mga gusaling pampaaralan.
  • Pagtitiyak sa kalidad ng edukasyon. Pagpapatupad ng learning assessments at iba pang hakbang upang matiyak ang kalidad ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
  • Pakikipagtulungan sa iba’t ibang sector. Pakikipag-ugnayan sa mga LGU, pribadong sektor, NGO, at international partners para sa mga programang pang-edukasyon.
  • Pagsubaybay at pagsusuri sa mga programa at proyekto. Paggawa ng monitoring at evaluation upang masukat ang epekto ng mga edukasyonal na inisyatibo sa mga mag-aaral.
  • Pagsusulong ng edukasyong accessible at makabago. Nagsusulong ng inclusive, digital, at distance learning lalo na sa panahon ng krisis gaya ng pandemya.

5. Department of Energy (DOE)
Kagawaran ng Enerhiya (KEn)
Kasalukuyang Kalihim: Sharon S. Garin
Established: December 9, 1992
Link: doe.gov.ph (under maintenance)

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagsasagawa ng pambansang plano para sa enerhiya. Pangangasiwa sa Philippine Energy Plan (PEP) para sa maayos at pangmatagalang suplay ng enerhiya.
  • Pagpapaunlad sa pinagkukunan ng enerhiya. Pagsusulong sa paggamit ng lokal na pinagkukunan ng enerhiya tulad ng langis, natural gas, karbon, geothermal, hangin, araw, at tubig.
  • Pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa enerhiya. Pagpapatupad ng mga batas tulad ng: Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), Renewable Energy Act, at Oil Deregulation Law upang mapanatili ang patas at maayos na operasyon ng mga industriya ng enerhiya.
  • Pagsusulong sa renewable energy (malinis na enerhiya). Pagbibigay ng insentibo at suporta sa paggamit ng solar, wind, hydro, biomass, at geothermal energy.
  • Pagsusulong ng energy efficiency at conservation. Pangunguna sa mga programa para makapagtipid sa kuryente at enerhiya sa mga tahanan, opisina, at industriya.
  • Paghahanda sa panahon ng krisis o kakulangan ng suplay. Tinitiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente at gasolina sa panahon ng sakuna o kaguluhan.
  • Pagtutok sa kapakanan ng mga mamimili. Pagbibigay impormasyon tungkol sa presyo ng langis, kuryente, at tamang paggamit ng enerhiya.

6. Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (KKLY)
Kasalukuyang Kalihim: Raphael Perpetuo M. Lotilla
Established: January 1, 1917
Link: denr.gov.ph; Dept. of Environment and Natural Resources (FB Page)

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Siguraduhing may nakalaang likas-yaman na magagamit, napapalitan at mapagkukunan
  • Pasaganahin ang likas yaman para sa pangangailangan ng publiko ng mga yamang gubat, mineral at lupa
  • Palakihin ang ambag ng likas-yaman sa pagkamit ng pag-unlad ng lipunan at ekonomiya
  • Siguraduhin ang pantay na pagkakaroon ng likas-yaman para sa iba’t-ibang sektor ng lipunan
  • Panatilihing ligtas ang natatanging likas-yaman na kumakatawan sa pambansang kultura at bilang pamana sa susunod na henerasyon

7. Department of Finance (DOF)
Kagawaran ng Pananalapi (KNPN)
Kasalukuyang Kalihim: Ralph G. Recto
Established: March 17, 1897
Link: dof.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Bumuo ng mga plano sumasaklaw sa pangangalap ng mapapagkunan ng yaman ng gobyerno maging ito ay pribado o publiko, lokal o sa labas ng bansa
  • Bumuo ng mga patakaran at mangasiwa sa pagbubuwis
  • Pangalagaan at mangasiwa sa pera ng gobyerno
  • Mangasiwa sa utang ng gobyerno sa loob at labas ng bansa
  • Pag-aralan, makipag-ugnayan at magmungkahi sa mga institusyong pinansyal ng gobyerno

8. Department of Foreign Affairs (DFA)
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (KUP)
Kasalukuyang Kalihim: Ma. Theresa Lazaro
Established: June 23, 1898
Link1: dfa.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Itatag ang interes ng Pilipino at gobyerno sa mundo
  • Ipatupad ang mga polisiyang pang-banyaga
  • Isulong ang maayos na relasyon sa iba’t-ibang bansa, rehiyon at organisasyon ng mga bansa
  • Paunlarin ang kooperasyong pang-rehiyon at pandaigdigan sa kapakanan ng katahimikan, kaunlaran at katatagan
  • Pangalagaan at protektahan ang karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa ibang bansa

9. Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Kalusugan (KNKL)
Kasalukuyang Kalihim: Dr. Teodoro “Ted” J. Herbosa
Established: September 29, 1898
Link: doh.gov.ph; Dept. of Health (FB Page)

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Siguraduhin ang pagkakaroon ng pantay at de-kalidad na kalusugan para sa lahat ng Pilipino
  • Gumawa ng mga plano at alituntunin sa kalusugan
  • Pangasiwaan ang lahat ng mga serbisyo at produktong pangkalusugan
  • Magbigay ng tulong sa mga manggagawang pangkalusugan

10. Department of the Interior and Local Government (DILG)
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (KIPL)
Kasalukuyang Kalihim: Juanito Victor “Jonvic” C. Remulla
Established: March 22, 1897
Link: dilg.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Tumulong sa Pangulo na mangasiwa sa lokal na pamahalaan
  • Magtalaga ng mga patakaran sa pangangasiwa ng batas at kaayusan
  • Pangasiwaan, bantayan at palakasin ang lokal na pamahalaan at komunidad
  • Bumuo ng mga plano at programang nakatuon sa mga sakunang natural o gawang-tao
  • Magtalaga ng sistema ng pakikipagtulungan sa pagitan ng tao, lokal na pamahalaan at departamento sa epektibong pagbigay ng saligang serbisyo sa publiko
  • Magbigay sanay sa PNP, BJMP at BFP
  • Pababain ang krimen
  • Pag-ibayuhin ang pangangasiwa sa mga kulungan at proteksyon sa mga sunog

11. Department of Justice (DOJ)
Kagawaran ng Katarungan (KNKT)
Kasalukuyang Kalihim: Atty. Jesus Crispin C. Remulla
Established: September 26, 1898
Link: doj.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Mangasiwa sa sistema ng hustisya para sa mga krimen kabilang na ang pag-iimbestiga, pagpapataw ng parusa at pagpapatawad
  • Legal na tagapagtanggol at tagapayo ng gobyerno
  • Mangasiwa sa mga batas ukol sa pagiging mamamayan o banyaga
  • Pangalagaan ang pandaigdigang kooperasyon kabilang na ang legal na interes ng ibang bansa sa loob ng bansa
  • Pakikipagtalakayan sa mga kasunduang pangkalakalan at mga hanganan ng bansa sa karagatan
  • Pagbigay ng libreng tulong-legal sa mga mahihirap at nangangailangan
  • Gampanan ang iba pang tungkulin ng DOJ ayon sa batas at iba pang executive orders

12. Department of Labor and Employment (DOLE)
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (KNPE)
Kasalukuyang Kalihim: Bienvenido E. Laguesma
Established: December 8, 1933
Link: dole.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Bumuo ng mga patakaran, mangasiwa sa mga programa at manilbihan bilang tagapag-ugnay ng pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo
  • Mabigyan ang mga Pilipino ng pagkakataong makapagtrabaho
  • Pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa
  • Pangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga industriya

13. Department of National Defense (DND)
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (KTP)
Kasalukuyang Kalihim: Atty. Gilberto C. Teodoro, Jr.
Established: December 21, 1935
Link: dnd.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagtatanggol sa soberanya at seguridad ng bansa. Pagtiyak ng proteksyon laban sa mga panloob at panlabas na banta, gaya ng rebelyon at pananakop.
  • Pangangasiwa sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP). Pamumuno sa mga sangay ng militar: Hukbong Panlupa (Army), Hukbong Pandagat (Navy), at Hukbong Panghimpapawid (Air Force).
  • Pagtugon sa mga sakuna at kalamidad. Maging katuwang ng mga ahensya sa disaster response at humanitarian assistance sa panahon ng bagyo, lindol, at iba pang kalamidad.
  • Pagpaplano ng pambansang seguridad at depensa. Gumagawa ng mga polisiya at estratehiya para sa matatag at handang puwersa ng bansa.
  • Pangangalaga sa kapakanan ng mga beterano at sundalo. Pagbibigay ng benepisyo, medikal na tulong, at pensyon sa mga dating sundalo at kanilang pamilya.
  • Pagtulong sa nation-building. Pakikibahagi sa imprastruktura, civic action, at development projects lalo na sa mga conflict-affected areas.
  • Pagsusulong ng kapayapaan at kaayusan. Sumusuporta sa mga peace process at conflict resolution efforts sa mga lugar na may sigalot.
  • Manindigan at ipagtanggol ang soberenya at teritoryo ng Pilipinas

14. Department of Public Works and Highways (DPWH)
Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (KPBL)
Kasalukuyang Kalihim: Manuel M. Bonoan
Established: January 30, 1987
Link: dpwh.gov.ph; Dept. of Public Works and Highways (FB Page)

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagpaplano, paggawa, at pagpapanatili ng mga pambansang daan at tulay. Pangunguna sa pagtatayo at pagkukumpuni ng mga kalsada, tulay, at highway sa buong bansa.
  • Pagpapatayo ng mga imprastruktura ng pamahalaan. Pamamahala sa paggawa ng mga gusaling pampubliko gaya ng paaralan, health centers, at iba pa.
  • Pagpigil sa pagbaha at pamamahala ng mga daluyan ng tubig. Paggawa ng mga flood control projects tulad ng dike, drainage system, at irrigation canals.
  • Pagtitiyak sa kalidad at ligtas na konstruksyon. Pagsasagawa ng inspection at quality control para matiyak na ligtas at matibay ang mga proyekto.
  • Pagbibigay ng teknikal na tulong sa iba pang ahensya at LGU. Tumutulong sa plano, disenyo, at konstruksyon ng imprastruktura sa mga lokal na pamahalaan.
  • Pagtutok sa maintenance ng mga imprastrukturang pampubliko. Tinitiyak na maayos at ligtas gamitin ang mga kalsada, tulay, at iba pang pasilidad.
  • Pagsunod sa mga pamantayang pang-inhinyeriya at disenyo. Paglalabas ng standards at guidelines para sa tamang paggawa ng mga proyekto.

15. Department of Science and Technology (DOST)
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (KNAT)
Kasalukuyang Kalihim: Dr. Renato U. Solidum, Jr.
Established: January 30, 1987
Link: dost.gov.ph; Dept. of Science and Technology (FB Page)

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Bumuo ng malawakang plano pang-agham at teknolohiya
  • Paunlarin ang pananaliksik sa agham at teknolohiya lalo na sa ikauunlad o kapakinabangan ng bansa
  • Paunlarin ang lokal na teknolohiya at iangkop ang teknolohiya mula sa labas ng bansa at gamitin ito hanggang sa antas na pang komersiyo at pakikipag-ugnayan ng pribado at pampublikong sektor
  • Gawing kapaki-pakinabang ang resulta ng mga pananaliksik sa mga nangangailangan nito
  • Gawing accessible ang impormasyon mula sa agham at teknolohiya sa mga pribado at pampublikong sektor
  • Gumawa at mangasiwa ng mga programa para sa pagpapalakas ng kakayahan ng agham at teknolohiya sa pamamagitan ng pagsasanay at pagbuo ng mga imprastruktura
  • Pag-ibayuhin ang kamalayan ng publiko sa agham at teknolohiya

16. Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (KKPP)
Kasalukuyang Kalihim: Rexlon “Rex” T. Gatchalian
Established: November 1, 1939
Link: dswd.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pangangalaga sa kapakanan ng mga mahihirap at nangangailangan. Pagbibigay ng tulong pinansyal, pagkain, at serbisyo sa mga pamilyang mahirap, matatanda, bata, at may kapansanan.
  • Pagsasagawa ng social protection programs. Pangunguna sa mga programa tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).
  • Pangangalaga sa mga bata, ulila, matatanda, at biktima ng pang-aabuso. Pagpapatakbo ng mga residential care facilities at nagbibigay ng psychosocial support.
  • Pagtugon sa mga sakuna at kalamidad. Pamumuno sa relief operations, emergency shelter assistance, at rehabilitasyon ng mga nasalanta.
  • Pagbuo ng mga patakaran para sa social welfare and development. Paggawa ng mga batas, patakaran, at programa na nakatuon sa social protection at inclusive development.
  • Pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya, LGU, at NGO. Pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at organisasyon para sa maayos na implementasyon ng mga programang panlipunan.
  • Pagbibigay ng teknikal at pinansyal na tulong sa mga benepisyaryo. Pagsasagawa ng counseling, skills training, at iba pang interventions para sa self-sufficiency.

17. Department of Tourism (DOT)
Kagawaran ng Turismo (KNT)
Kasalukuyang Kalihim: Maria Esperanza Christina G. Frasco
Established: May 11, 1973
Link: tourism.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagsusulong ng Pilipinas bilang pangunahing destinasyong panturismo. Gumagawa ng mga kampanya upang hikayatin ang mga lokal at dayuhang turista na bumisita sa bansa.
  • Pagpaplano at pagpapaunlad ng turismo. Pagbuo ng mga plano, patakaran, at proyekto para sa maayos at napapanatiling turismo.
  • Pagsasaayos ng mga pasilidad at serbisyong pang-turismo. Pakikipag-ugnayan sa mga ahensya at LGU para sa pagsasaayos ng tourist sites, kalsada, at imprastruktura.
  • Pagtulong sa mga negosyo sa industriya ng turismo. Pagbibigay ng suporta at insentibo sa mga hotel, travel agencies, tour operators, at iba pang tourism-related businesses.
  • Pagsasanay at pagpapahusay sa kakayahan ng mga manggagawa sa turismo. Pagsasagawa ng training programs at seminars para sa mga tour guide, hotel staff, at iba pang tourism workers.
  • Pagpapanatili ng kalidad at kaligtasan sa mga tourist destinations. Tinitiyak na ligtas, malinis, at mataas ang kalidad ng mga serbisyo at pasilidad para sa mga turista.
  • Pakikipagtulungan sa mga lokal at internasyonal na sector. Pakikipag-ugnayan sa mga LGU, pribadong sektor, at international organizations para sa pagpapalago ng turismo.

18. Department of Trade and Industry (DTI)
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (KKI)
Kasalukuyang Kalihim: Maria Cristina A. Roque
Established: June 23, 1898
Link: dti.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagsusulong ng kalakalan at industriya sa bansa. Tumutulong sa pag-unlad ng negosyo at industriya sa bansa upang mapalago ang ekonomiya.
  • Pangangalaga sa karapatan ng mga mamimili. Nagpapatupad ng mga batas para sa consumer protection tulad ng tamang presyo, kalidad, at kaligtasan ng produkto.
  • Pagsuporta sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs). Nagbibigay ng training, pautang, marketing support, at iba pang tulong sa maliliit na negosyo.
  • Pagpapalawak ng kalakalan sa loob at labas ng bansa. Isinusulong ang exports at foreign investments sa pamamagitan ng trade fairs, partnerships, at free trade agreements.
  • Pagpapatupad ng patas na kalakalan at regulasyon. Nilalabanan ang mapanlinlang na gawain sa negosyo, tulad ng panloloko sa timbang, pekeng produkto, at monopolyo.
  • Pagpa-unlad ng mga industriya at inobasyon. Isinusulong ang modernisasyon at competitiveness ng mga sektor ng agrikultura, manufacturing, at services.
  • Pagtatatag ng mga negosyo sa rehiyon at probinsya. Pinapagana ang mga Negosyo Centers para tulungan ang mga lokal na negosyante at lumikha ng trabaho sa mga lalawigan.

19. Department of Transportation (DOTr)
Kagawaran ng Transportasyon (KNT)
Kasalukuyang Kalihim: Vivencio “Vince” B. Dizon
Established: January 23, 1899
Link: dotr.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pangangasiwa sa mga sistema ng transportasyon sa bansa: panlupa, pandagat, at panghimpapawid na transportasyon.
  • Pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyektong pangtransportasyon. Paggawa ng mga programa para sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan, railways, at iba pang imprastraktura.
  • Regulasyon ng transportasyong panghimpapawid. Pamamahala sa mga paliparan, airline operations, at seguridad ng mga pasahero sa himpapawid.
  • Regulasyon ng maritime transport. Pangangasiwa sa mga pantalan, barko, at kaligtasan ng mga pasahero at kargamento sa dagat.
  • Pagsasaayos ng land transport system. Katuwang ang mga ahensyang tulad ng LTO at LTFRB sa regulasyon ng mga bus, jeepney, motorsiklo, at iba pang sasakyang panlupa.
  • Pagpapabuti ng trapiko at kaligtasan sa kalsada. Pagsasagawa ng mga hakbang para sa road safety, traffic management, at mas mahusay na daloy ng trapiko.
  • Pakikipag-ugnayan sa mga pribadong sektor at LGU. Nakikipag-partner para sa mga proyekto gaya ng public-private partnerships (PPP) sa transport infrastructure.
  • Pagsubaybay at pag-maintain ng mga proyektong pangtransportasyon. Tinitiyak ang maayos na implementasyon, kalidad, at serbisyo ng mga transport projects.

20. Department of Information and Communications Technology (DICT)
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komunikasyon (KTIK)
Kasalukuyang Kalihim: Henry Rhoel R. Aguda
Established: May 23, 2016
Link: dict.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Pagplano at pagpapatupad ng mga pambansang patakaran, plano, at estratehiya sa Information and Communications Technology (ICT). Pagsusulong sa pagbuo ng isang matatag, mahusay, at accessible na digital infrastructure.
  • Bumubuo at nagpapatupad ng mga patakaran sa cybersecurity upang protektahan ang mga datos ng gobyerno at ng mga mamamayan. PNakikipag-ugnayan sa mga nagpapatupad ng batas at iba pang ahensya sa cybercrime prevention. Pagsuporta sa National Cybersecurity Plan para maseguro ang mga ICT system sa lahat ng sektor.
  • Pangunguna sa digital transformation ng mga serbisyo ng gobyerno upang gawing mas mabilis, mas madaling ma-access, at maging transparent ang mga ito. Pagpapatakbo ng mga platform tulad ng e-Gov PH Super App, na nagbibigay ng pinagsama-samang serbisyong online ng gobyerno.
  • Pangangasiwa ng paglulunsad ng mga proyekto tulad ng: National Broadband Plan, Free Wi-Fi for All Program, Broadband ng Masa. Pagkilos upang palawakin ang internet access sa mga liblib at hindi naseserbisyuhan na mga lugar.
  • Pagtataguyod ng paglago ng ICT at digital na ekonomiya. Pagbibigay suporta sa pag-unlad ng mga Business Process Outsourcing (BPO) at mga startup ecosystem. Pag-akit ng mga dayuhan at lokal na pamumuhunan sa mga industriyang nauugnay sa ICT.
  • Pagsasagawa ng digital skills training at pagpo-promote ng ICT education upang mabigyan ang mga mamamayan ng mga makabagong kasanayan. Pagsuporta sa mga programa para sa digital na pagsasama ng mga vulnerable sector ng lipunan tulad ng mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at mga katutubo.
  • Pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno, local government units (LGUs), pribadong sektor, at mga internasyonal na partner upang ipatupad ang mga ICT initiative.

21. Department of Migrant Workers (DMW)
Kagawaran ng Manggagawang Pandarayuhan (KMP)
Kasalukuyang Kalihim: Atty. Hans Leo J. Cacdac
Established: February 3, 2022
Link: dmw.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Inatasang protektahan ang mga karapatan at itaguyod ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs)
  • Inaako at ginagampanan nito ngayon ang lahat ng kapangyarihan at tungkulin ng pitong pinagsanib na ahensya, katulad ng: Philippine Overseas Employment Administration (POEA); ang Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ng DFA; ang International Labor Affairs Bureau (ILAB) at lahat ng Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa ilalim ng DOLE; ang National Maritime Polytechnic (NMP); ang National Reintegration Center for OFWs (NRC) sa ilalim ng OWWA, at ang Office of the Social Welfare Attaché (OSWA) sa ilalim ng DSWD
  • Inatasan na pangasiwaan ang pagtatrabaho sa ibang bansa at pagpapauwi ng mga manggagawang Pilipino, habang isinasaalang-alang ang mga pambansang programa sa pagpapaunlad ng National Economic and Development Authority
  • Inatasang isulong ang empowerment at proteksyon ng mga OFW sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pagpapaunlad ng kanilang kaalaman

22. Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)
Kagawaran ng Pananahanang Pantao at Pagpapaunlad ng Kalunsuran (KPPPK)
Kasalukuyang Kalihim: Jose Ramon “Ping” P. Aliling
Established: February 14, 2019
Link: dhsud.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Paggawa ng mga Patakaran sa Pabahay at Urban Development Bumabalangkas at nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga pambansang patakaran, plano, at programa para sa pabahay at pag-unlad ng kalunsuran. Tinitiyak na ang mga patakarang ito ay naaayon sa mga layunin ng sosyo-ekonomikong pag-unlad ng bansa.
  • Regulasyon at pangangasiwa sa sektor ng real estate at pabahay, kabilang ang mga developer at mga institusyong nauugnay sa pabahay. Mag-isyu ng mga lisensya para magbenta, at sinusubaybayan ang pagsunod sa mga pamantayan nito.
  • Pinangangasiwaan ang mga asosasyon ng mga may-ari ng bahay (homeowners’ associations o HOAs) at dinidesisyunan ang mga hindi pagkakaunawaang nauugnay sa magkabilang-panig.
  • Koordinasyon sa mga pangunahing ahensyang nauugnay sa pabahay gaya ng: National Housing Authority (NHA), Pag-IBIG Fund (HDMF), Social Housing Finance Corporation (SHFC), National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)
  • Pagbuo ng mga Pamayanan: Pagtataguyod at pagpapadali sa pagbuo ng mga sustainable, ligtas, at abot-kayang pabahay ng mga komunidad. Suporta sa paglikha ng mga paninirahan sa lunsod na matitirahan at matatag laban sa klima, lalo na para sa mga mahihirap at mahina.
  • Pagbibigay ng teknikal na suporta at patnubay sa mga local government units (LGUs), developers, at mga grupo ng komunidad sa pagpaplano at pagpapatupad ng human settlements. Pag-aalok ng pagsasanay at mga kasangkapan upang mapabuti ang mga sistema ng paghahatid ng pabahay.
  • Pagsasagawa ng mga pag-aaral at pangangasiwa ng isang database para sa housing at urban development na makakatulong sa paglikha ng mga polisiya. Pagtataguyod at paggamit ng updated at maaasahang datos para sa pagpaplano at pagsusuri.
  • Nangunguna o sumusuporta sa emergency shelter assistance at post-disaster housing recovery para sa mga komunidad na apektado ng mga kalamidad.
  • Tinuturuan at hinihikayat ang publiko sa mga isyu tungkol sa mga karapatan sa pabahay, pag-unlad ng lungsod, at kapakanan ng komunidad.

23. Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) (formerly NEDA)
Kagawaran ng Ekonomiya, Pagpaplano, at Pagpapaunlad (KEPP)
Kasalukuyang Kalihim: Arsenio M. Balisacan
Established: December 23, 1935 (NEDA); April 10, 2025 (DEPDev)
Link: depdev.gov.ph

Mga tungkulin ng kagawaran at kalihim:

  • Bumabalangkas ng mga pangunahing instrumento sa pagpaplano, kabilang ang Philippine Development Plan (PDP), Regional Development Plans, at ang Public Investment Program (PIP). Pinagsasama ang mga pambansang layunin sa mga prayoridad na pang-rehiyon at lokal na pagpapa-unlad upang matiyak ang magkakaugnay at inklusibong paglago.
  • Sinusuri ang mga programa sa pampublikong pamumuhunan at mga pangunahing proyekto upang matiyak ang pagkakahanay sa mga layunin ng pambansang kaunlaran. Pagtataguyod ng mga patakarang batay sa datos at mga ebidensya upang mapahusay at maging epektibo ang mga pamumuhunan ng pamahalaan.
  • Koordinasyon ng mga Patakaran at Pamamahala sa Ekonomiya: Nangunguna sa koordinasyon ng inter-agency sa mga patakarang pang-ekonomiya, at tinitiyak ang pagkakatugma sa mga sektor. Pangangasiwa sa pagpapatupad ng mga patakaran at programa sa pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng Economy and Development Council (ED Council), na pumapalit sa dating NEDA Board.
  • Sinusubaybayan ang pagpapatupad ng mga plano at programa sa pagpapaunlad, pinag-aaralan ang kanilang mga resulta at epekto. Pagbibigay ng feedback at rekomendasyon para mapabuti ang pagpapatupad sa mga patakaran at programa.
  • Pagtatatag ng mga panrehiyong sangay na tanggapan (hindi kasama ang Metro Manila at ang Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao) upang iayon ang mga layunin ng pambansang kaunlaran sa mga lokal na prayoridad.
  • Pakikipag-ugnayan sa mga lokal na yunit ng pamahalaan, lipunang sibil, at pribadong sektor upang isama ang kanilang mga pangangailangan sa mga proseso ng pambansang pagpaplano.
  • Pagsasama ng inobasyon sa pagpaplano ng pag-unlad upang mapaghandaan at matugunan ang mga hamon sa hinaharap.
  • Pagsuporta sa National Innovation Council (NIC) sa pagbabalangkas ng National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD), pamamahala sa Innovation Fund, at pangangasiwa sa mga programang nauugnay sa inobasyon.
  • Ang DEPDev ay nangangasiwa at nakikipag-ugnayan sa ilang mga kaugnay na ahensya upang epektibong maipatupad ang mandato nito: Philippine Statistics Authority (PSA), Philippine Institute for Development Studies (PIDS), Public-Private Partnership Center (PPPC), Commission on Population and Development (CPD), Development Academy of the Philippines (DAP)

Reference:


Discover more from The Pinoy Site

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

249 thoughts on “Mga Kagawaran at Kalihim ng Pamahalaang Pilipinas

  1. Thank you po ng maraming marami dahil po dito maari ko na po gawin ang aking proyekto ng madalian salamat po sa gumawa nito

    TY😀😀😀😀😀😀

  2. Yes! Okay na yung project ko. Pero…. Talaga bang 20 lang ang mga ahensya ng pamahalaan???

  3. Thank you po d2 sa infos…😊😊 na khit papaano ay nkatulong ng mlaki sa pagrereview📚📙📔 at recitation📖 nmin this Monday… Wish ko LNG po to add more📝📝📝 para hndi na po kmi magseek pa sa other websites💻💻

    Avisala Eishma poh!!!
    🙋😁😄

  4. Thank you po sa gumawa nito…😊😊Kahit papaano nakatulong ng malaki sa pagrereview📚📖📙📔 tsaka sa recitation this Monday📝📝Wish ko lang po madagdagan ng iba pang departments young nakasulat📜📜 para di kapos at lumipat pa ng ibang website…💻💻

    Avisala Eishma poh!!!

  5. ayyyy kulang pa di pa tapos project ko sa hekasi pagod hanap ulit ng bagong website thanks po sa gumawa nito kahit papano nakatulong

    Thanks a lot

  6. Yas…. Hay salamt dina ko mahihirapan na sagutin lahat ng tanong sa hekasi ewan koba kung bakit koto ginagawa hindi konaman paburito itong hekasi tapos nakakainis pa kailangan lahat kabisaduhin

  7. thanks for this information about departments and secretaries.. i’ve already done my assignment.. thankyou and godbless…

  8. Maraming salamat p0 sa imp0rmasy0ng nakalap k0 tungk0l sa mga kagawaran/kalihim..

    Thanks and g0d bless y0u..

  9. Maraming salamat p0 sa lahat ng imp0rmary0ng nakuha k0 tungk0L dit0..

    Thanks p0..anD g0D bless y0u.. 🙂

  10. hai salamat isang minuto ko lang natapos an hw ko sa hekasi go holy infant montessori center[himc].thank you po:)hai

  11. maraming salamat po sa blog na ito. malaking tulong po ito sa project ng anak ko sa araling panlipunan. salamat po!!!

  12. Thanks po dito nakatulong po ito sa test ko okay lang kahit kulang😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊God bless you all❤️❤️❤️

  13. Hi.Bakit po wala ung MMDA? Anw, nakatulong naman sya ng malaki sa studies ko. Thankyou so much :). God Bless:))

  14. Salamat po dito nagawa ko na rin ang aking Project👍👍👍👌👌👌🙌🙌🙌🙏🙏🙏👏👏👏💞💞💞

  15. Maraming salamat po! God bless. Accounting student po ako at malaking tulong po ito lalo na’t busy kami saiba naming subjects. Thank you po ulet

  16. hay thank sa site na to tapos na ang aking homework sa araling panlipunan o hekasi.. im grade6

    1. Hehehe..grade 6 din ako…KZ tawag mo lng sakin kewl na kewl ako…cool old style…kewl new style..spread the word…

  17. SALAMAT NATAPOS DIN ANG PROJECT KO SA HEKASI O HEIGRAOIYA KASAYSAYAN AT SIBIKA

    1. maraming maraming salamat po sa website na ito at thanks po sa mga kagawaran na i shinare nyo po once again thank you

    2. tuwang tuwa ako ngayon dahil sa website na ito tumaas ang grado ko thanks to you

      maraming salamat

  18. sino po yung sa kagawaran ng agrikultura at kagawaran ng pangangasiwa. ano po doon yung kalihim, nilikha, at yung abbreviations po nila yun na lang po matatapos na po ang assignment ko thank you po ang laki po ng natulong ninyo basta yung dalawa na lang po ang kulang thank you po!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 🙂

    1. meron na po pala sorry po sa abala…………………. napakagagaling po ninyo thank you thank you po!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! 🙂

  19. grabe, salamat ng marami dito..nakatapos kami ng homework ng anak ko..kulang lang nun addl info na hiningi ng teacher nla..sample ng mga projects ng bawat kagawaran.. pero 2 thumbs up ka fordoing this. GOD bless…very grateful kami sa effort mo….

    1. sorry sa mga wrong spellings kasi hilo na ko sa pag gawa nun homework at past midnight ko na din to na post 🙂

        1. ang alam ko 19 lang ang major na mga kagawarang ng pamahalaan natin…

          yung iba, temporary lang kagaya nung hinawakang puwesto ni ping lacson para sa rehabilitation ng mga nasalanta ni yolanda.

  20. nakatulong po talaga ito sa proyekto ko at A+ po ang aking proyekto..:) sa nagpost po nito… salamat po ng marami …. hulog po kayong kisame:)

  21. ako po c rhealyn, isang grade six student,,thanks sa post nagawa ko ung takda ko na kakabisaduhin nmin tong lahat,,,,,,,graded recitation po…..mwah….

  22. May pagsusulit ba? Kelangan ma isaulo lahat ng mga ito? 🙁 di ata kaya ng kapangyarihan ko to a! Yaiks kelangan ng memo plus gold.. Haha

    1. wahaha pati dito, napadpad ka mam binky, para sa mga estudyante at nagre-research ang mga post na may petsang March. para naman hindi puro kabulastugan lang ang nababasa ng aking mga bisita hehe

      para kapag may assignment sila, makatulong ako kahit paano 😀

      1. ganun ba un? pwede!! dati ka bang guro? hahaha.. naliliwaliw sa site mo.. dami ko natutunan eh.. 🙂 pasyal pasyal naghahanap ng matitisod na gintong aral 🙂

          1. hmmmm hindi naman ako nakokornihan.. nakakatuwa nga.. it widens my horizon.. balik balikan ko mga sinulat mo, pagnakahanap ng maluwag na panahon.. design engineer ka diba?? baka makapagdesign ka ng sampayan na solar.. ung tipo bang papasok sa lilim pag umuulan lalabas pag may araw.. haha wala lang, hirap makipagpatintero sa araw.. (hinaing ng isang labandera)

            1. Maraming salamat p0 sa lahat ng imp0rmary0ng nakuha k0 tungk0L dit0..

              Thanks p0..anD g0D bless y0u.. 🙂

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading