Employees’ Compensation Program ng Pilipinas

Ang Employee’s Compensation Program (ECP) ay isang programa ng gobyerno na ginawa upang magbigay ng kompensasyon sa mga pampubliko at pribadong empleyado o sa kanilang mga dependent kung sila ay nagkasakit dahil sa trabaho, nagkaroon ng pinsala sa katawan o namatay.

Ito ay batay sa Presidential Decree 626 (o amyenda sa 1975 P.D. 442 “Labor Code of the Philippines”) na ipinatupad nuong 2013.

MGA LAYUNIN:

  1. Upang magbigay ng makabuluhan at naaangkop na kompensasyon para sa mga manggagawa kapag naganap ang mga insidenteng nauugnay sa kanilang pagtatrabaho.
  2. Upang makabuo ng mga patakaran at alituntunin para sa pagpapabuti ng Employee’s Compensation Program.

SINO ANG MGA SAKOP SA ILALIM NG ECP?

  1. Ang mga manggagawa sa pribadong sektor na rehistradong miyembro ng Social Security System (SSS) maliban sa mga self-employed o mga boluntaryong miyembro.
  2. Ang mga empleyado sa sektor ng gobyerno na rehistradong miyembro ng GSIS, kabilang ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mga hinalal na opisyal ng gobyerno na tumatanggap ng regular na sahod at lahat ng casual, emergency, temporary at kapalit o contractual na mga empleyado.

Saklaw ng programa ang mga empleyado mula sa unang araw ng kanilang pagtatrabaho.

KAILAN MAAARING BIGYAN NG KOMPENSASYON ANG PAGKAKAROON NG SAKIT O PINSALA SA KATAWAN?

Para mabigyan ng kompensasyon ang pagkakasakit at resulta nitong kapansanan o kamatayan, ang sakit ay dapat na resulta ng karamdamang nagmula sa pagtatrabaho na nakalista sa ilalim ng Annex “A” ng Amended Rules on Employees’ Compensation kung saan ay nasusunod ang mga itinakdang kundisyon ayon doon; kung hindi man, ang empleyado ay dapat magpakita ng katibayan na may peligro ng mataas na tsansa ng pagkakasakit gawa ng mga kondisyon sa pagtatrabaho.

Para mabigyan ng kompensasyon ang pinsala sa katawan at resulta nitong kapansanan o kamatayan, ang kapinsalaan ay dapat na resulta ng aksidenteng nagmula sa at sa panahon ng pagtatrabaho.

MGA BENEPISYO AT SERBISYO NG PROGRAMA:

  1. Benepisyo sa mga nawalan ng kita o cash benefit na ibinibigay sa isang manggagawa bilang kompensasyon sa pagkawala ng kita dahil sa kawalan ng kakayahang magtrabaho. May tatlong uri ng pagkawala ng kita:
  • Temporary Total Disability (TTD) benefit – ito ay ibinibigay sa isang empleyadong hindi makapagtrabaho nang tuloy-tuloy na hindi hihigit sa 120 araw.
  • Permanent Total Disability (PTD) benefit – ito ay ibinibigay sa isang empleyadong hindi makapagtrabaho nang higit sa 240 araw.
  • Permanent Partial Disability (PPD) benefit – ito ay ibinibigay sa isang manggagawa na nawalan ng isang bahagi ng katawan at dahil doon ay ang kawalan ng gamit sa bahaging iyon ng katawan.
  1. Benepisyong medikal – kasama dito pagsasauli sa empleyado ng mga ginastos nito sa gamot para sa sakit o kapinsalaan, pagbabayad sa mga nagbibigay ng pangangalagang medikal, pangangalaga ng ospital, gastusin sa pagpapa-opera at gastusin sa mga kagamitan at mga suplay na medikal. Ang mga serbisyong medikal ay limitado sa mga serbisyo sa ward ng isang accredited na ospital.
  2. Mga serbisyong pang-rehabilitasyon – kasama rito ang physical therapy, vocational training at mga espesyal na tulong upang paunlarin ang mental, bokasyonal at potensyal ng mga manggagawa upang matulungan silang manatiling mga produktibong miyembro ng
    lipunan.
  3. Carer’s allowance – ito ay ibinibigay sa isang empleyado na nagdudusa sa isang pangkalahatang permanenteng kapansanan na nagmula sa pagtatrabaho na kung saan ang lawak nito ay umaabot sa hindi niya magawang asikasuhin ang kanyang mga pangunahing personal na pangangailangan.
  4. Death benefits – ito ay ibinibigay sa mga benepisyaryo ng isang empleyado na
    namatay gawa ng karamdaman o kapinsalaang nagmula sa o sa panahon ng pagtatrabaho.

SAAN MAGKE-CLAIM NG EC?

Ang lahat ng claim para sa EC ay maaaring i-file sa GSIS Regional Office (para sa pampublikong sektor) o sa SSS Branch (para sa pribadong sektor) na pinakamalapit sa lugar na pinagtatrabahuhan o tinitirhan.

KUNG TINANGGIHAN ANG CLAIM, ANO ANG OPSYON NG CLAIMANT?

Humiling ng reconsideration sa GSIS o sa SSS. Kung tatanggihan ka pa rin, sumulat ng letter of appeal sa Employees’ Compensation Commission (ECC).

ANG KAPASIYAHAN BA NG ECC AY MAAARING I-APELA SA MGA KORTE?

Oo, ang mga desisyon ng ECC ay maaaring i-apela sa Court of Appeals sa loob ng 15 araw mula nang matanggap ang desisyon. Gayundin, ang desisyon ng Court of Appeals ay maaaring i-apela sa Korte Suprema.

MGA TANGGAPAN

EMPLOYEES’ COMPENSATION COMMISSION
ECC BLDG., 355 Sen. Gil J. Puyat Ave., Makati City

Tel. Nos. (02) 896-7837; (02) 899-4251 loc. 239, 227 & 228
Telefax No. (02) 897-7597
Website: http://www.ecc.gov.ph
E-mail address: ecc_mails@yahoo.com
Facebook: https://facebook.com/ecc.official

Para sa mga magke-claim na taga-probinsiya, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na ECC Regional Extension Units (ECC-REUs) na matatagpuan sa loob ng mga sumusunod na DOLE, Regional Offices:

  • ECC Region II, Turingan Building, Campos St., Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan
  • ECC Region III, Diosdado Macapagal Regional Government Center, Brgy. Maimpis, City of San
  • Fernando, Pampanga
  • ECC Region V, Doña Aurora St. Old Albay, Legazpi City
  • ECC Region VII, 3rd and 4th Flr. DOLE RO7 Bldg., General Maxilom Avenue cor. Gorordo Avenue,
  • Cebu City
  • ECC Region VIII, DOLE Compound, Trece Martirez St. Tacloban City
  • ECC Region IX, 3rd Flr. QNS Building, Veterans Avenue Extension Tumaga Road, Zamboanga City
  • ECC Region X, Ground Floor Montecarlo Building, RER Subdivision Phase 1, Nat’l Highway,
  • Kauswagan, Cagayan de Oro City
  • ECC Region XI, 4th Flr. Davao Ching Printers Building cor. Dacudao Avenue and Lakandula St.,
  • Agdao, Davao City
  • ECC Region XII, 102 Acepal Building, Mabini Extension, Koronadal City
  • ECC Region XIII – CARAGA, Nimfa Tiu Building, J.P. Rosales Avenue, Butuan City
  • ECC CAR, Cabinet Hill, Baguio City

Paraan ng Pag-CLAIM ng Employee’s Compensation sa GSIS

Paraan ng Pag-CLAIM ng Employee’s Compensation sa SSS

Para sa iba pang mga impormasyon, bisitahin ang mga official link sa ibaba:

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Pilipinas Info

Tags: , , , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: