Estado ng Online Classes sa Pilipinas

Yes, the struggle is real.

Nag-trending ngayong araw ang hashtag na #AcademicFreezeNOW sa Tweeter dahilan sa stress na dinaranas ng ilang mga kabataang Pilipino sa kanilang Online Classes.

pinoy online class

Halos dalawang linggo pa lang ang dumaraan nang magsimulang muli ang mga klase ay nais nang sukuan ng mga estudyante ang Online Classes ng kanilang paaralan.

Kamakailan lang ay nag-viral sa Facebook ang post ng isang teacher kung saan ipinakita nito ang mga paghihirap ng kanyang mga estudyante para matustusan lang ang kanilang pangangailangan para makapag-Online Class.

Ipinakita na rin sa ilang mga nakakatawang meme ang kalagayan ng mga estudyanteng nag-aaral online.

Bago pa man nagsimula ang mga klase ay maraming magulang at estudyante na ang nagpahayag ng pag-aalala sa kahihinatnan ng Online Learning sa Pilipinas.

Mahinang signal, patay-sinding kuryente, mamahaling gadget at wifi subscription ang ilan sa mga problemang kinakaharap ng bansa bago pa man nagkaroon ng Covid19 pandemic.

Bagama’t may ibang option sa pag-aaral ang DepEd at mga pampublikong paaralan (gaya ng paggamit ng mga Learning Modules sa pag-aaral) ay limitado naman ang mga option sa mga pribadong paaralan na halos lahat ay nagpapatupad lamang ng Online Learning system sa kanilang curriculum.

Subalit sa kabila ng mga problemang ito ay nais namang ipanukala ng DepEd na gumugol ng 7 hanggang 8 oras ang mga estudyante sa kanilang Online Class.

Kung Mobile Legends lang sana ito, kahit 12 hours pang nakababad sa gadget ang mga bata, tatagal ang labanan.

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Buhay Student

Tags: , , , , ,

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: