Lahat ng Uri ng Sasakyan, Ipagbabawal na sa Maynila

Pasay, Philippines – Ipagbabawal na ng Malakanyang ang lahat ng uri ng de-makinang sasakyan sa loob ng Kamaynilaan upang masolusyonan ang mabigat na trapiko sa lungsod.

Ito ang binanggit ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade sa isang presscon na dinaluhan din ng mga pinuno ng MMDA, NEDA, DPWH at iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

“Ipinapapangako ko po sa inyo, sa oras na maaprubahan ang Emergency Powers na hinihiling natin sa Senado, ipagbabawal na po natin ang lahat ng uri ng sasakyang gumagamit ng motor o anumang klase ng makina.”

“Hindi lang po mawawala ang traffic jam, kundi pati mga aksidente sa kalsada, kasama na ang road rage, mawawala na pong lahat yan. Dahil hindi na po natin papayagan ang lahat ng sasakyan na tumakbo sa loob ng Maynila.”

“Wala nang mga barumbadong tsuper ng PUV, wala nang mga rapist na taxi driver, mga kriminal na riding in tandem, mga walang modong government vehicles, pati mga nagka-counter flow, mawawala na lahat yan.” komento ng Kalihim ng Transportasyon.

Sinusuportahan ng maraming ahensya ng Pamahalaan ang planong ito ng DOTr kabilang na ang LTFRB at LTO.

“Di na po kami magkakaroon ng lag sa pag-issue ng mga lisensya at plaka kasi wala na kaming i-issuehan nito. Kaya lang mababawasan yung delihensya namin. Uy, wag mong isali sa report mo ‘yan ha?” – saad ng isang LTO officer na ayaw ibigay ang kanyang pangalan dahil tinatamad siya.

Wala namang nagbigay ng komento kung ano ang ipapalit sa mga ambulansya, firetrucks, garbage trucks at police patrol cars.

Ang desisyong ito ay bunsod nang mapansing napakaluwag ng mga kalsada sa buong Metro Manila tuwing Mahal na Araw, Pasko at Bagong Taon, maging nitong nakalipas na ASEAN Summit.

*******************************************************************

Paunawa: Ang balita pong ito ay kathang-isip at gawa-gawa lamang.

Advertisements


Categories: Pantasya Balita

Tags: , ,

3 replies

  1. at kapag me laban si Pacquiao…la trafik.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

%d bloggers like this: