Paano Makakuha ng OEC sa Dubai

Para sa mga OFW sa Dubai na  magbabakasyon sa Pilipinas, siguraduhin munang kumuha na dito ng OEC (Overseas Employment Certificate) para hindi ka na maabala pagdating sa Pinas at bakasyon galore ka na lang!

Eto ang mga dapat gawin:
  1. Mag register online. I-click ito para sa link. Tandaan ang iyong password dahil kakailanganin mo ito ulit para sa pagpi-print ng OEC.
  2. Punuan ang mga detalye ayon sa hinihinging impormasyon ng website (pangalan, address, employer, atbp.)
  3. Siguraduhing tama ang impormasyong ilalagay.
  4. Kailangan mo din mag-upload ng passport size photo sa website.
  5. Kapag nakumpleto na ang mga detalye, i-click ang “Next Step” na makikita sa top right ng page gaya ng nasa larawan sa ibaba oec online application dubai
  6. Pagka-click sa “Next Step”, hihingan ka ng impormasyon tungkol sa iyong flight details. May paalalang nakasaad doon at ito ay napaka-importante:
    • Para makabyahe, kailangang 6months valid pa ang iyong pasaporte
    • Ang OEC ay valid lamang sa loob ng 60 days. (Kaya kung lampas 60 days ang iyong bakasyon sa Pilipinas ay doon ka na lang kumuha ng OEC)
  7. Pumili ng lugar (pwedeng Dubai o Abu Dhabi) pati na din ng araw at oras ng appointment.
  8. I-print ang Info sheet (3 copies needed) dahil kailangan mo itong dalhin sa araw ng iyong appointment kasama ang original passport at valid visa. Para makapag-print ng info sheet, i-click ang  “My Transactions” sa bandang kaliwa ng pahina. Tapos ay i-click naman ang “Appointments” at makikita sa bandang kanan ang “Print Info Sheet”. May makukuha ka ring email confirmation kung saan may link na pwede mo ring i-click para makuha ang Info Sheet. oec application online dubai (print info)
  9. Pumunta sa Philippine Consulate sa araw at oras ng appointment.
    • Dalhin ang original passport
    • Magdala ng tatlong kopya ng Balikbayan Info Sheet
    • Magdala ng kopya ng inyong 2 way ticket 
  10. Magtungo sa area ng processing ng OEC. Ibigay ang tatlong kopya ng Info Sheet, kopya ng ticket at ang iyong original passport.
  11. Magtungo sa PAG-IBIG window at bibigyan ka ng PAG-IBIG number pero hindi mo kailangan magbayad. Sa mga Money Exchange Centers ka na magbabayad ng PAG-IBIG contribution.
  12. Magtungo sa cashier at magbayad ng AED 102 (OEC: AED 10 + OWWA: AED 92)
  13. Mag-login uli sa https://www.bmonline.ph/   at magprint ng 3 copies ng inyong OEC.

****

Paano pumunta sa Philippine Consulate General sa Dubai:

via Green Line : bumaba sa Al Qusais Metro Station at magtaxi papuntang Consulate. Nasa AED 12 lang ang pamasahe sa taxi

via Red Line : bumaba sa Rashidiya Metro station at magtaxi papuntang Consulate. Mas mataas ng AED 5 – 10 ang ibabayad mo sa taxi kung dito ka manggagaling kaysa kung sa Al Qusais.

Address:
Philippine Consulate General
Street #2C, Beirut Road
Al Qusais, Dubai
United Arab Emirates

****

PS: Masayang-masaya po ang may-akda nito dahil sa tinagal-tagal na niyang kumukuha ng OEC, ngayon lang siya nauna sa pila (at iilan lang sila sa pila) at nakatapos siya ng transaction sa loob lamang ng labing limang minuto (o mas maiksi pa). Dahil siguro ala-una ng tanghali ang kanyang appointment at nag-lunch break ang lahat.

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , , ,

4 replies

  1. salamat dito, alam ko na ang gagawin ko pag napunta ako sa dubai hehe

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: