Bakit Mabagal ang Career Growth ng Ibang Pinoy sa Ibang Bansa?

Maraming kababayan natin sa ibang bansa ang nagtataka kung bakit napakabagal ng promotion nila. Minsan nauunahan pa ng mga baguhan na makaangat.

Kilalang masipag ang mga Pinoy, mabilis matuto, sumusunod kahit mahirap ang mga pinapagawa ng nakatataas at mahuhusay umunawa at magsalita ng Ingles. Madalas ay natututo pa sila ng local language ng bansang kinaroroonan dahil nga sa bilis mag-adapt at matuto.

Pero kung maabilidad tayo, masipag at matyaga, bakit nga ba minsan ay napakabagal ng ating career growth? Bakit madalas ay nananatili tayo sa ibabang parte ng pyramid? Saan ba tayo nagkakamali?

career growth

Ilan lang ang mga ito sa maaaring mali sa ginagawa nating diskarte:

1. Kuntento na

Hindi masama ang makuntento. Di ba nga, dapat makuntento tayo kung anong meron tayo? Pero iba namang kaso kung nais mong umunlad. Dapat ay nagse-set tayo ng goals natin. Hindi ba’t madalas itanong sa interview yan? “Where do you see yourself 5 years from now?

Kung meron tayong goals, meron tayong i-lo-look forward. May motibasyon tayo para magtrabaho at higitan pa ang kaya nating gawin para ma-achieve ang ating inaasam.

2. Stick to Pinoy Community

Kapansin-pansin na ang mga Pinoy ay laging sabay-sabay kumakain ng tanghalian sa opisina, sabay-sabay umuuwi at magkakasamang gagala sa day-off nila. Wala namang masama. Kaso may mga hindi magandang bunga kapag palagi kang naka-stick sa kapwa Pinoy mo:

  • Wala kayong ibang pag-uusapan kundi ang inyong mga buhay-buhay, ang buhay-buhay ng inyong mga katrabaho, mga latest sa inyong mga newsfeed – sa madaling salita – TSISMIS
  • Wala kayong bagong natututunan dahil walang bago sa inyong pag-uusapan
  • Nakakahawa ang negativity. May mga Pinoy na kapag nainis sa mga katrabahong ibang lahi ay ipinangunguwento sa mga kapwa niya – naghahanap ba ng kakampi’t karamay? Siyempre bilang kapwa mo ay kakampihan mo naman. Nahahawa pati yung mga hindi naman talaga kasali. Dito nagkakaroon ng pagkakampi-kampi at hindi nagiging maganda ang atmosphere sa workplace.

3. Toma

Maraming Pinoy ang halos gabi-gabi o linggo-linggong umiinom. Ang kasamaan lang nito, minsan nagkakagulo sila sa staff accomodation. Kung hindi man ay nagsi-sick leave kinabukasan kapag matindi ang hangover. Minsan sabay-sabay pa nila itong ginagawa at nakakaapekto sa kanilang mga trabaho.

4. Lablayp

Hindi masamang magka-lablayp kung hindi hahaluan ng drama, lalo pa kung hindi madadamay ang iyong trabaho.

5. Mapagalitan lang akala pinag-iinitan na

Kapag napapagalitan ang mga Pinoy (lalo pa kung ibang lahi yung mga bossing), nagdadamdam. Hindi niya ito nakakalimutan. Oras na mapagalitan siya ulit, akala niya pinag-iinitan na siya. Iniisip nya na dahil Pinoy siya at ibang lahi yung amo ay iba na ang trato sa kaniya.

Normal lang naman ang mapagalitan paminsan-minsan lalo na kung may kapalpakan ka naman talagang ginawa. Di naman tayo perpekto diba? Kung ikaw ay mapapagalitan, tingnan mo din ito sa ibang anggulo. Baka naman ang nais lang ng amo mo ay mas pag-igihin mo pa. Although, hindi mo naman talaga maiaalis ang favoritism ng mga amo sa kalahi nila, unaawain mo muna ang sitwasyon at wag agad-agad mag-iisip ng masama.

6. Ayaw mag-Over Time 

Maraming Pinoy na gusto ma-promote pero ayaw mag-OT. Gusto lang mag-OT kung may bayad. Well, karapatan naman ng bawat manggagawa na mabayaran ang kanilang pagtatrabaho ng extra sa oras.  Pero minsan, kelangan mo ding mag-invest ng oras sa trabaho kung gusto mong may kahinatnan ka.

Kung sa negosyo nag-iinvest ka ng pera at panahon, sa promosyon naman – oras at debosyon. Siguro naman, obvious sa inyo na plus points sa amo niyo pag nakikitang nago-over time kayo lalo na pag may mga deadline. Naa-appreciate din ng mga bossing yung mga nago-OT ng walang reklamo hehe.

7. Makinig at makisalamuha din sa ibang lahi 

Gaya nga ng sabi ko kanina sa number 2, mahilig ang mga Pinoy na sumama lang sa kapwa nila Pinoy. Pero hindi din masama na makisalamuha ka sa mga katrabaho mong ibang lahi.

Kapag may mga team outing kayo, subukan mo ding makipag-usap sa mga katrabaho mong hindi mo madalas nakakausap sa loob ng opisina, ganun din ay maaari mo nang i-approach ang boss mo kung kasama siya, sa mas casual na paraan. Kahit pa alam mong boring ang team outing niyo, sumama ka pa din. Bakit? Tulad na lang na karamihan sa mga malalaking business deals ay na-co-close habang ang mga businessmen ay naglalaro ng golf, marami ring maaaring mga ‘deals’ ang ma-co-close or mapag-uusapan sa mga team outings.

Kung nais mong ipaalam sa boss mo na gusto mo ma-promote pero hindi ka makatyempo, malay mo ito na ang tamang panahon. Siguraduhin mo lang na konti pa lang ang naiinom niyo (kung may alak na involved sa outing) kapag nagpahiwatig ka sa boss mo hehe. Investment din ang pakikihalubilo sa mga katrabaho.

Ito rin ang panahon para makita mo yung other side ng mga katrabaho at bossing mo sa labas ng trabaho at ganon din sila sa ‘yo. Siguraduhin mo lang na “good” side mo ang makikita nila. Hindi porke’t libre ang pagkain at inumin ay susulitin mo na.

8. Money matters

Maraming Pinoy ang palipad na sana ang career pero bumabagsak dahil nasisilaw sa kaunting halaga. Isipin lagi na hindi nabibili ang tiwala.

9. Kulang sa leadership skills

Minsan, hindi sapat ang sipag at over time lang para ma-promote. Kelangan mo din magkaroon ng leadership skills.

Ito ang pinaka-kritikal na aspeto ng promotion. Ang mag-promote ng rank and file staff at gawin itong supervisor o manager kaya hindi ganoon kadali ang pagsala sa mga ipo-promote. Hindi lahat ng mahusay sa trabaho ay kayang mag-lead ng team. Hindi rin lahat ng masipag at matalino ay mayroong managearial skills. Iba ang pagtatrabaho lang sa pagpaplano, pagde-delegate ng tasks sa staff, at pagre-report sa senior managers/supervisors.

Itanong mo muna sa sarili mo kung kaya mo ito bago ka mangarap ng promotion. Pero lahat naman ito ay matututunan mo sa tamang panahon kaya wag mawalan ng pag-asa. Wag ka nga lang magmamadali na ma-promote dahil pinipitas lang ang bunga pag ito ay hinog na.

10. Tsismoso

Aminin mo man o hindi, likas sa atin ang pagiging tsismoso. At dahil trademark na natin ito, minsan mahirap kumuha ng tiwala ng mga bossing. Maraming mga confidential company info ang ayaw nila ipagkatiwala (minsan) sa mga Pinoy dahil nga pag nalaman ng isa, malalaman na din ng buong komunidad.

11. Pabigla-bigla magdesisyon

Gaya ng sinabi ko kanina sa number 5, ang Pinoy pag napapagalitan, nagtatampo. Minsan nagpapabigla-bigla ng desisyon, nagre-resign. Minsan din pag involved na ang usaping puso at di kinakaya ang personal na issue sa buhay ay nagre-resign. Nawawalan ng oportunidad dahil hindi na pinag-iisipan ang pagre-resign.

12. Ayaw umalis sa comfort zone

Maraming Pinoy ang takot umalis sa kanilang comfort zone. Minsan, sa tagal na nila sa isang kumpanya ay nagiging sobrang komportable na sila dito kaya kahit may ibang oportunidad ay ayaw nilang sunggaban. Takot na silang sumubok, takot na sila sa mga pagbabago.

13. Dahil Pilipino tayo

Aminin mo man o hindi, mas magaganda ang career opportunities para sa mga hindi Pinoy. Ang ibig kong sabihin ay yung mga nakakapagsalita ng French, may Western passport at yung mga nakapag aral sa mga Swiss o iba pang International Schools.

Wala na tayong magagawa pa tungkol sa number 13, unless gusto mo pang mag-aral ng French, may maliit na chance ka pa. Kaya ituon mo na lang ang pansin mo sa mga ibang bagay na magagawan pa ng paraan kaysa magmukmok ka dahil sa number 13.

***

Paalala po na ang lahat ng inilahad ko dito ay opinyon base sa aking naging obserbasyon. Maaring tumugma ito o hindi sa inyong sitwasyon – depende po. Maaring hindi applicable para sa iyo ang mga nakasulat pero sana ay may natutunan ka din kahit kaunti.

Salamat sa pagbabasa 🙂

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , ,

5 replies

  1. Tama, pag puro Pinoy ang kasama mo sa abroad wala talagang asenso. Makihalubilo ka dapat sa ibang lahi at magpakitang gilas sa kanila. At pag nagkaroon ka naman ng Pinoy na boss sa abroad naku, di ka nyan hahayaang maka-taas sa kanya. Kung subordinate ka, tingin ng Pinoy boss mo subordinate ka na forever. Saka Pinoy sya, baket ka nya hahayaan na tumaas ang level mo sa kanya.

  2. That’s the reason why my parents don’t like to have Filipino neighbors. Chismoso and crab mentality.

  3. very informative post. i agree sa mga nakasulat dito. maraming mga pilipino ang nasa ibang bansa pero sinasayang ang chance para palawakin ang kanilang perspektibo sa ibang kultura. in turn, nakaka-apekto ito sa personal nilang pag-unlad.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: