Ilang Tips Para Makatipid sa Ibang Bansa

Kung isa kang ultra-super yaman na OFW na hindi malaman kung ano ang gagawin sa iyong pera, please stop reading this now. Send me a private message at bibigyan kita ng instructions kung paano magpapadala ng monetary contribution sa aking itinatayong The Pinoy Site Personal Empowerment Foundation.

Pero kung isa kang OFW na tama lang ang kinikita, inaasahan ng iyong pamilya buwan-buwan, at naghahanap ng paraan kung paano makatipid, at ma-stretch pa lalo ang buwanang kita, by all means, read on.

paano makatippid sa ibang bansa

Narito ang ilang tips kung paano makatipid sa isang foreign country.

  1. Huwag bumili dahil lang mura (or buy 2 for the price of 1)
  2. Kumain sa labas (kung mag-isa ka lang sa ibang bansa). Makakatipid ka sa tubig, kuryente at gas.
  3. Magluto at kumain sa bahay (kung kasama ang pamilya). Mas mahal ang gastos sa pagkain kapag marami kayong kumakain sa labas.
  4. Mag-avail sa mga incentives mula sa gobyerno ng bansang kinaroroonan. Sa mga mayayamang bansa, may mga subsidy at benefits silang ibinibigay depende sa iyong salary bracket.
  5. Alamin ang araw at oras ng mga sale sa tindahan (pero bilhin lang ang kailangan). Karaniwan, bago magsara ang mga grocery, nagkakaroon ng discount ang mga pagkain. Kapag out of season naman, nagiging mura ang mga damit.
  6. Alamin ang mga murang rate o deals sa mga serbisyo (telepono, cable, internet, airplane fares, house rental, bus fares, train fares, insurance, hotel accommodations, remittance fees, etc.). Konting research at tanung-tanong lang, makakakita ka ng mas mura.
  7. Umiwas sa mga branded products. Believe it or not, okay lang gumamit ng hindi branded.
  8. Bumili ng mga gamit na efficient sa pagkonsumo ng energy. Merong mga appliances na mas mura ang konsumo sa kuryente o gas. Hanapin ang mga ito. Matipid na, mabuti pa sa kalikasan.
  9. Bumili ng bisikleta at gamitin ito sa mga malalapit na distansya. Tipid na sa pamasahe, may ehersisyo ka pa.
  10. Mabuhay ng simple. Okay lang ang luho, wag lang madalas.
  11. Gawing moderate ang pamamasyal, pag-shopping, pagkain sa labas, pag-good time at iba pang gastusin na hindi ganun kaimportante.
  12. Magpadala sa sariling bank account sa Pilipinas at huwag ipagsabi sa iba na meron kang ganito.
  13. Huwag magbabad sa bahay. Kung may kontrol ka sa paggastos ng pera, mas makakatipid ka kung maglalagi ka sa mall. Makakatipid ka ng malaki sa kuryente.
  14. Maghanap ng higher paying job kung naliliitan ka sa iyong sweldo.
  15. Maghanap ng sideline para meron kang panggastos sa luho.
  16. Bawasan ang perang ipinapadala sa Pilipinas (makipag-negotiate sa pamilyang pinapadalhan)
  17. Umuwi sa Pilipinas kapag off-peak seasons dahil mas mura ang airplane tickets sa mga panahong iyon.
  18. Mag-overtime sa trabaho para lumaki ang monthly salary. Pero kung walang bayad ang overtime, umuwi ka na lang ng maaga at humanap ng sideline na trabaho.
  19. Bawasan ang dami ng kinakain o dami ng beses kumain. Kung dating 6 times a day ka kumakain, subukan mong gawing 3 times a day na lang para makabawas sa gastos at hindi ka tumaba masyado.
  20. Maghanap ng mas mataas na rate ng interest sa bangko. Kelangan ng konting research pero hindi lahat ng bangko ay pareho ang interest rate. Mas mataas na interes, mas malaki ang tutubuin ng iyong pera.
  21. I-monitor at i-record kung saan napupunta ang iyong pera. Medyo matrabaho ito pero kung nakikita mo kung saan napupunta ang iyong pera every month, alam mo kung saan dapat mag-adjust ng gastusin.

Masarap gumastos at masarap mamili pero mas masarap yung hindi ka namomroblema sa pera kapag kelangan na gamitin ito para sa mga importanteng bagay.

Hindi masama ang gumastos, sikapin lang mag-control sa sarili.

Photo by: Epsos.de (photo permission via Attribution 2.0 Generic)

Advertisements


Categories: OFW Layp

Tags: , , , , , ,

17 replies

  1. Malaking Tulong po ito at maganda malapit ako sa sm bicutan mayron po ba don.at paano.UAE po ako mam

  2. Thank u…i’m inspired. Here in UAE #goal for the future!!!!

  3. wag makipag tropa sa mga mayayabang..hehehehehehehehehe…
    wag pakantyawan sa tropa…..ex. sbhin syo laki ng sahod mo..libre ka nmn….
    ok lng maging kuripot dahil darating ang panahon myrun kang madudukot..

  4. ayos…talaga…marami,,,akong,,natotonan,,,dito..

  5. Internet is the best! pwede mag sideline sa bahay lang…

  6. malaking tipid ang internet. dati nakaka 8,000 pesos ako buwan buwan sa long distance. ngayon pde na skype, unlimited tawag. pde pa facetime

  7. Hindi ako OFW pero mukhang tama naman mga sinabi rito

  8. parang hindi masyadong aplikable to….. Huwag magbabad sa bahay. Kung may kontrol ka sa paggastos ng pera, mas makakatipid ka kung maglalagi ka sa mall. Makakatipid ka ng malaki sa kuryente.

    bwahahaha…pamasahe papuntang mall, pangkain…imposibleng wala kang makikitang hindi ka matetempt na bilhin….

  9. And don’t date women, especially if the guy is married. Nothing good comes out of cheating.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: