Isang maagang pamasko ang aking natanggap kahapon nang mabalitaan kong napili ang inyong lingkod bilang 2012 OFW Blogger of the Year ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards.
Hindi ko inakalang makakatanggap ng ganitong karangalan ang isang baguhang blogger na kagaya ko kung kaya’t isang masayang sorpresa ito para sa akin.
Hindi ako naka-attend sa Awards Ceremony kaya patawarin po ninyo ako sa pag-post ko ng “Thank You Speech” dito 😀
Maraming maraming salamat sa lahat ng staff, volunteers, officers na bumubuo ng Pinoy Expats/OFW Blog Awards. Kay Mam Zyra at Mam Rose, sa pagtimbre na napunta sa spam inbox ang contest entry ko para sa PEBA.
Marami ring salamat sa mga sponsors: ang SSS Agency, sa SMART, sa Villar Foundation at sa iba pang mga sponsor ng patimpalak/organisasyon na ito. Ang cool po ng mga prizes.
Nagpapasalamat din ako sa lahat ng mga bumoto para sa site na ito. Special mention kay manong JKulisap at kay RodCabz na hindi ko naman pinakiusapan pero kusang ipinromote sa kanilang FB followers/friends ang site na ito.
Maraming salamat kay manong Google na naghahatid ng maraming bisita sa blog na ito. Sa mga aksidenteng napapadaan dito kahit wala dito yung talagang hinahanap nila (gaya ng pirated downloadable live action Samurai X movie) . Nakakadagdag sila ng malaki sa blog hits ko.
Taos puso akong nagpapasalamat sa mga giliw kong mambabasa na sadyang dumadalaw sa blog na ito at nagbibigay lagi ng inspirasyon para ituloy ko ang pagsusulat sa blog na ito bagamat recently eh puro kasabawan lang ng utak ang aking naipo-post (sisikapin ko pong magpakatino sa pagsusulat at pag-drawing next year 😀 )
Marami ring salamat sa aking mag-ina at sa aking mga kaanak na kinukunsinti ang pagbo-blog ko (kesa naman magpakalulong ako sa mga masasamang bisyo ‘no? 😀 )
Higit sa lahat ay nagpapasalamat ako sa ating Poong Lumikha na Siyang pinagmumulan ng, “…bawat mabuting pagbibigay at ganap na kaloob…” (James 1:17)
Mabuhay ang mga OFW, ang mga Pinoy Bloggers at ang sambayanang Pilipino!
Categories: Halu-halo
Super late hehe pero congrats sir RP! 😀 Ang galing galing galing naman ^___^ You deserve it! Way to go! Keep the fire burning yeah! 😀 God bless po.
LikeLike
hello kim, nagulat naman ako sa dami ng notifications na ginawa mo hehe salamat sa backread at pagbati 🙂
LikeLike
Congratulations!!!!!! Ipagpaumanhin ang huli kong pagbati. Pero ika nga nila, huli man at magaling…..huli pa rin. (Mali yata?)
LikeLike
Uy, marami pong salamat, dok. Nabalitaan ko pong doctor kayo sa states 🙂 hapi anniv pong muli sa inyong blog 😉
LikeLike
ay sori ser at ngaun lang ako nakabackread, Congatulations po! Mabrook mabrook! ^_^
LikeLike
hello leandra, salamat sa pag-back read 🙂 ano yung mabrook? salitang silanganin ba yun? 😀
LikeLike
ay katumbas po yaan ng Congrats/Best Wishes! dine sa Arabia,
well deserved nyo po ang award, patuloy din po ako sa pagsubaybay sa twing makatakas sa bundok ng paperworks hehehe. ^_^
LikeLike
Mabrook eh parang arab term for “Congratulations” yun…;)
LikeLike
Late na po ang bati ko…
Ngunit tanggapin nyo ang taos pusong pagbati ni froggy… CONGRATULATIONS PO!
Happy new year.. 🙂
LikeLike
Maraming salamat, froggy 😀 happy new year ulit sa iyo 😉
LikeLike
congratulations RP!! ikaw na talaga!
LikeLike
Salamat Pot…ngayon pa lang ako nakabalik mula sa mahabang bakasyon 🙂 happy new year sa iyo
LikeLike
Uy kuya ang galing mo. Congrats! 🙂
LikeLike
Salamat sa pagbati, Rhence 🙂 paumanhin at ngayon lang naka-reply…happy new year sa iyo 😀
LikeLike
Congratumalations sir. Astig 🙂
Godbless and more power .
LikeLike
hello bagotilyo 😀 maraming salamat, merry Christmas at congratulations din sa pagwawagi mo sa patimpalak ng SBA…ang daming malupet sa panitikan dito sa WP 😀
LikeLike
Grabe! Sir, napakasaya ko naman at ikaw ang nagwagi. Hindi talaga ako madalas makabisita pero hindi bale, kapag ayos na ayos na ang aking mga ginagawa ay babalikan ko talaga ang blogworld. Congratulations talaga.
Ituloy mo lamang ang nasimulan mo, mas palawigin mo pa ang “purpose” mo sa blogworld. Mas marami ka pang ma-iinspire sa mga isinusulat at iginuguhit mo. Tuloy tuloy na yan sa pangarap na bituin. Hehehee.
Napakahuhusay ng mga ka-blog ko. Kabi-kabila ang mga nanalo sa PEBA at SBA. Napapalibutan ako ng mga matitinik sa panitikan. Grabe na.
LikeLike
Maraming salamat sa pagbisita dito sa kabila ng iyong napaka-busy na schedule, JKulisap 🙂 Inaabangan ko ang pagbabalik mo sa blogosperyo. Salamat din sa inspirasyong hinahatid mo sa iyong mga panulat. Sana maabot ko rin yung level mo balang araw hehe 🙂 Maligayang Pasko sa iyo at masaganang Bagong Taon.
LikeLike
Kudos sa isa sa pinakastig na blogero sa wordpress!! Para sa yo talaga ang karangalang iyan, iba rin kasi ang content nitong bahay mo…informative, may kakulitan, galing pang mag drowing at magsulat.. Total package kumbaga.. Kongrats ulit at merry Christmas diyan sa Japan…
LikeLike
Maraming salamat sa iyong pagbati ser Lipadlaya at congrats din sa mga napanalunan mong awards sa SBA (lalo na sa Maikling Kuwento Category).
Nalimutan ko pasalamatan yung mga batikang blogger/writer gaya mo na hindi sumali sa PEBA Awards haha marami kayong pinagbigyan ngayong taon sa hindi ninyo pagsali sa PEBA 😀
Kapag ready na ‘ko i-divulge yung private info ko, gusto ko rin sumali sa SBA pero matagal pa siguro yun 😀 Maligayang Pasko rin sa iyo at sumaiyo ang isang mapagpalang bagong taon.
LikeLike
Congratulations na malaki, kapatid… Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong mga minamahal. write on, rock on! 😉
LikeLike
maraming salamat ate San, bakit hindi ka sumasali sa ganitong mga contest? Kahit hindi manalo, masaya hehe Maligayang Pasko rin sa ‘yo at sa iyong mag-anak. Maraming beses na kita binati ng Merry Christmas 😀
LikeLike
you’re welcome. ah, pwede ba ang di OFW dyan sa sinalihan mo? 🙂 sumali na ako dati. twice na akong gumawa ng post para sa KM ni kulisap, although i posted them as non- entry. tapos, sumali na rin ako sa damiuhan pakontes. pag nalalaman ko naman ng maaga-aga at may time, nagjo-join naman ako… ayon lang, usually hindi ako updated sa mga patimpalak. di ko nalalamang may pa-contest na nagaganap, patatawarin. ^^
one more time – Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong mga mahal! 🙂
LikeLike
hello ate San, maligayang Pasko 🙂 pwede kait hindi OFW sa sinalihan ko basta may kamag-anak o kaibigan na OFW pwede.
nakikita ko sa page ng mga ka-bloggers yung mga info ng contest kaya ako naa-update. KM pa lang at PEBA ang nasalihan ko. okay yan pag sumali ka, para mahirapan lalo ang mga judge sa pagpili ng mananalo 😀
maligayang Pasko 😉
LikeLike
Wow, congrats! Dream ko din ang ganyan.. Buti ka pa. Anyway, you deserve it..
LikeLike
hello Reyn, salamat sa pagbati 🙂 sali ka rin next time, mas marami, mas masaya 😀
LikeLike
Naku! Alam ko na to… kala ko nga SSS ang nagbigay ng parangal sa’yo dahil sa umabot na balitang “…may event sa SSS bldg” … taka pa ako.. yun pala para dito sa Blog mo. Akalain mo nga namang manalo kahit na di ko gaanong napalaki ang online votes mo…. hehe.. (buti nalang wala yatang epekto ang online votes.) CONGRATS AT MAGSULAT KA PA PARA MASAYA! 😉
LikeLike
nanalo ng most popular blog yung may pinakamaraming boto…iba pa yung blogger of the year, pero salamat pa rin sa promotion…sali ka sa photo contest nila next year, malaki potential mong manalo 😀
LikeLike
Malamang sumali ako.. Andami kong stock photo.. Pipili lang siguro ako para sa entry..;))
LikeLike
Congrats sir! Deserve na deserve mo po ito! 😀
LikeLike
ahaha ewan ko sa deserve na deserve, marami lang yata hindi nakasali dahil na-exhaust sa saranggola awards na kasabay ng patimpalak na ito…hindi ko nakasabayan yung mga batikang bloggers hehe 😀 salamat sa pagbati, sali ka rin next year 😉
LikeLike
Congrats kabayan! 🙂
LikeLike
salamat kabayan kong jlapis 😀
LikeLike
Congrats Master! Astig. You deserve it. Bumoto ako dun sa pagkakatanda ko e. Hehehe =) Muli, masaya ako para sa’yo. Hehehe!
LikeLike
hello mrbeancent, kung maka-master ka naman, para akong kung fu teacher n’yan eh hehe uy, maraming salamat sa pagboto at pagbisi-bisita dito 🙂 isa ka sa mga bumubuhay ng site na ito 😀
LikeLike
Hehehe! Muli, congrats! Maagang pamasko sayo yan.
LikeLike
Naks! Congrats sa’yo ser! You deserve it! 😀
LikeLike
hello gord, salamat sa pagbati, deserve ko nga sana haha 😀
LikeLike
Congrats Kuya 🙂
LikeLike
hi mam zyra, salamat sa pagbisita dito at salamat ulit sa ‘yo at sa PEBA for making this impossible thing for me, possible 😀
LikeLike
No worries kuya, salamat po sa pagsuporta sa PEBA at sa mga OFW. Next year po uli 🙂
LikeLike
congrats and more power!:D
LikeLike
hello ms jackie, salamat 😀 tinatamad na nga ako lately kaya kelangan ko ng power 😀
LikeLike
Congratulations! Isa itong patunay sa iyong kahusayan. Masaya ako’t naging follower mo. 😉
LikeLike
salamat sa pagbati June 😀 follower mo din ako 😉
LikeLike