Pambansang New Year’s Resolution

Malapit na malapit na ang Pasko at New Year.

Ilang araw na lang ay magpapaalam na ang 2012 at isang bagong taon muli ang ating sasalubungin. Bagong simula at ibayong pakikisabak sa mga dati at bagong challenges ng buhay.

Ang holiday season ay hindi lang panahon ng gastusan at pagkunsumo ng napakaraming calorie sa katawan. Panahon din ito ng pagpa-plano at pagre-recharge ng sarili. Kaya’t huwag kalimutan ang importanteng activity na ito. Huwag hayaang bumulaga ang bagong taon na hindi prepared.

Sa mga panahong ito ay maraming tao ang nagre-reflect sa lumipas na taon. Kung ano ang naging epekto ng kanilang mga desisyon sa kanilang kasalukuyang katayuan sa buhay.

Ako man ay nakiki-replek-replek na rin. Nais kong i-address yung mga partikular na isyung bumagabag sa aking personal na buhay nitong nakalipas na taon. Gusto kong gumawa ng mga tweaks sa ilang aspeto ng aking buhay ngayong bagong taon sa paghahangad na makaranas ng mga positibong pangyayari.

thinker

heto ako, nanigas na sa pag-iisip ng magandang new year’s resolution (ba’t wala akong salawal dito?)

Hindi gusto ng iba ang nagse-set ng New Year’s Resolution kasi nakaka-disappoint kapag hindi natupad. Pero para sa akin ay magandang bagay ang mag-set ng goal para sa sarili. At least may direksyon kang tinutungo. Hindi yung kahit ano na lang.

Malamang kasi na kapag kahit ano na lang ang pinuntirya eh kahit ano na lang din ang pwedeng mangyari.

Naisip ko lang (wow, nag-iisip ako 😀 ), kung ang isang indibidwal na nagnanais ng mabuting pagbabago para sa sarili ay nagse-set ng goal o new year’s resolution, ano kaya kung magkaroon din tayo ng isang Pambansang New Year’s Resolution taun-taon?

Kumbaga, bukod sa mga personal goals natin para sa sarili eh magse-set din tayo ng goals para maka-ambag sa new year’s resolution ng ating bansa.

Wild idea ba? Pero kapag nag-succeed iyon sa atin eh malamang gayahin din tayo ng ibang bansa. Trend setter ang dating natin. Mafi-feature na naman tayo sa CNN nito pag nagkataon 😀

new year's resolution

kapag nag-krus ba ng mga daliri ay nangangahulugan ito ng pagsisinungaling o kagustuhan na matupad ang hiling? ano ba talaga?

Ang isang magandang new-year’s resolution na magandang i-suggest ay ang puksain o bawasan ang kultura ng katiwalian sa buong Pilipinas.

Bale depende sa kung ano ang katayuan ng isang Pilipino sa kanyang buhay, may ise-set s’yang personal new year’s resolution na makaka-ambag sa taunang new year’s resolution ng bansa.

Heto ang halimbawa ng new year’s resolution na maaaring gawin ng iba’t ibang uri ng Pilipino. Mga bagay na malaki ang maitutulong sa pagsupil ng katiwalian.

  • Anak – pagkasyahin sa sarili ang allowance at hindi na susungkitin ang alkansya ni nanay
  • Nanay – maging tapat sa pag-audit ng gastusin sa bahay at huwag magtago ng pera na lingid sa kaalaman ni mister
  • Tatay – mag-declare ng tamang assets at liabilites kay misis
  • Estudyante – mag-ukol ng sapat na oras sa pag-aaral bago ang test at huwag mangopya sa eksamen
  • Teacher – humanap ng ibang sideline na hindi gumigipit sa mga estudyante at ihinto ang pangongomisyon sa mga school project
  • Empleyado – maghanap ng mabibiling murang toilet paper at huwag mag-uwi ng toilet paper galing sa opisina
  • Employer – sumunod sa sariling mga ipinapatupad na patakaran
  • Cashier – maging tapat sa trabaho at huwag magbulsa ng benta
  • Manager – maging tapat din sa trabaho at huwag din magbulsa ng benta
  • Business Owner – magpasweldo sa tamang oras at huwag utangan ng sweldo ang mga trabahador
  • Government Employee – magtrabaho’t umuwi sa tamang oras at huwag pakikipagkuwentuhan at pag-a-undertime ang inaatupag
  • Elected Government Official – sumunod sa mga batas ng Pamahalaang Pilipinas at huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag tumira sa labas ng bayan kung saan naihalal at huwag magparami ng asawa’t anak

Kung pagpuksa din lang sa kultura ng corruption ang ating magiging Pambansang New Year’s Resolution eh maraming paraan tayong maiisip para makipag-cooperate dito.

Pagkatapos ng new year’s resolution na ito, maaaring mag-set ulit ang Pamahalaan ng iba namang bagong new year’s resolution sa susunod na taon. Iyon ding tumatalakay sa mga importanteng issue ng ating bansa (gaya ng kahirapan, kriminalidad, pag-abuso sa karapatang pantao, at iba pa). At least kahit paano, every year, one major issue at a time eh may naa-address tayo. Pwede rin naman na hanggang dalawang major issue ang sabay na magiging tema ng Pambansang New Year’s Resolution.

Hindi naman ibig sabihin nito na hindi na gagawin ng Pamahalaan ang iba nitong obligasyon. Kumbaga, paglalagakan ng concentrated effort na may kooperasyon ng mga mamamayan ang ise-set na goal bawat taon.

Wild idea at may pagka-out of this world siguro at siguradong maraming kokontra dito kapag isinuggest ito kahit sa Baranggay Hall lang.

Pero sa tingin ko eh kung nahihikayat ng Pamahalaan ang mga mamamayan na sumuporta sa mga proyekto nito (gaya halimbawa ng pag-promote ng turismo sa Pilipinas) eh mae-encourage din nitong mag-participate ang mga Pilipino sa pagsasakatuparan ng isang Pambansang New Year’s Resolution.

Happy holidays sa inyong lahat! Hindi pa po ito ang huling post ko this year 😀

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , , , , ,

29 replies

  1. “Hindi pa po ito ang huling post ko this year.” 😉 hihi, hindi nga… 🙂

  2. wild nga pero hindi imposible. why not?
    astig ang header. super like!

  3. Sana magtrend nga ang suggestion mo 🙂 kung gagawin kasi nating lahat ang ilan sa mga linahad mo, siguradong malaki ang pagbabagong magaganap sa bansa natin!

  4. Thank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page 😉

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

  5. ay ewan …basta fan ako ng mamang ito sa kanyang pagdrawing 🙂 hello Patriot !

  6. at magkakaroon ng isang napakagandang Pilipinas! 🙂

  7. Wild pero may sense ser! Kung mapapatupad ito, tyak mas magiging may takbo ang pamahalaan. At dahil sa pagbabago na magsisimula sa bawat isa, mas malaki ang maidudulot nito para sa buong bansa. XD

  8. “At least may direksyon kang tinutungo. Hindi yung kahit ano na lang.” araykupo! ang sakit… 😉

    ay, meron akong angal: tungkol sa kakulangan ng transparency sa budget ng isang nanay – must yown, kapatid, as in… pag ang nanay ang naging fully transparent, chances are, mawawalan ng laman ang kabambayan ng household, naman.. ang karamihan kasi ng tatay, one day millionaires at umaastang “money is no object,” hehehe. kung wala ang mga kinupit at isinubi ng nanay, walang maiilabas pag may biglang pangangailangan. di nga, i-survey mo, hehehe. 😉 regards!

    • ahaha merong umaapela dito, o 😀 okey, letmiekspleyn… kung ipangma-mahjong lang nung nanay yung kanyang itinatago, o gagamitin sa kanyang pansariling kapritso habang isinasakripisyo yung pangangailangan ng pamilya, yun ang masama.

      pero kung bulagsak sa pera ang ama, mas mabuti ngang magtabi ang nanay ng reserba para sa pamilya. pero ideally, importante ang transparency sa mag-asawa. di ko na lang masyado na-elaborate sa post dahil tinatamad ako mag-type hehe 😀 hello ate san 😉

    • Agree ako kay doon po sa amin.

  9. Ganda ng suggestion mo! Suggestion ko para sa pet peeve ko sa bansa:

    Driver: susunod sa batas trapiko, magiging responsableng driver at irerespeto ang mga traffic enforcer

  10. teacher: bawal magbenta ng yema or kung ano-ano pa sa mga estudyante. hehehe

    Ang wild nung idea pero maganda nga siguro kung meron nun. hahaha..

    Sana lang matupad kung sakali man . lol

    Merry Christmas bro .

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: