Ano na lang ang buhay kung wala ang social media? Maraming Pilipino na ang natulungan at patuloy na tinutulungan ng bagong teknolohiyang ito:
- mga nalulungkot na OFW
- mga kabataang hindi masyadong outgoing
- mga taong gustong magtipid sa entertainment
- mga gustong makahanap ng sideline income
- mga naghahanap ng bagong impormasyon
- mga gustong magpasikat 😀
Hindi kapani-kapaniwala ang bilis ng paglaganap ng impluwensya ng social media sa buhay ng mga Pilipino. Pinagtitibay lang nito ang isang aspeto ng kultura natin, ang pagpapa-halaga natin sa pakikipag-ugnayan.
Pinatunayan na natin ito dati pa sa mga naging popular na paraan ng komunikasyon gaya ng pagte-text, pagbisita sa mga yahoo chat rooms, pakikipag-talastasan sa mga online forums at sa pagtambay sa friendster.
Ngayon ay laman tayo ng blogs, twitter, facebook at iba pang social networking sites. Basta isang website ang may komunikasyong maaaring gawin (kahit comment portion lang), malamang may Pilipinong dumadayo doon.
Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na napakataas ng porsyento ng mga online na Pinoy sa social networks.
Mababa pa ang porsyentong ito kung tutuusin. Dahil ayon sa balita, 3 out of 10 na Pilipino pa lamang ang may agarang access sa internet. (Source: Internet Access of Filipinos)
Para sa akin, ang social media ay isang tulay na nagdudugtong sa aking nakaraan:
- sa mga taong nakapagbigay ng impluwensya sa akin
- sa mga lugar na nagbigay ng masasayang alaala
- mga karanasang nagturo ng bagong kaalaman
Ang social media din, para sa akin, ay tulay na nagdudugtong sa akin sa kasalukuyan:
- sa aking mga mahal sa buhay na hindi ko kasama
- mga kaibigang nasa malayong lugar
- mga pangyayari sa aking bayang kinamulatan at kasalukuyang kinaroroonan
- kamalayan sa mga nagaganap sa ibang panig ng daigdig
- pagbabahagi ng bagong ideya o kaisipan
At idinudugtong din ng social media ang kasalukuyan sa hinaharap sa pamamagitan ng:
- mga impormasyon tungkol sa makabagong teknolohiya
- mga balita tungkol sa mga pagbabagong makaka-impluwensya sa hinaharap
- mga matututunang kaalaman na makapagpapa-unlad sa aking kinabukasan
Pinalawak, pinadali, pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon. Isang mabuting bagay ito para sa ating mga gumagamit, subalit gaya ng kasabihan, “Ang lahat ng sobra ay masama.” (Tingnan ang drawing sa itaas.)
Ang social media ay may kaakibat na responsable at maingat na paggamit upang hindi mapinsala at huwag makapinsala.
Reference: Ano ang “Social Media“?
********************************************************************************
********************************************************************************
Ang post na ito ay ang aking blog entry para sa PEBA 2012 na may temang, “The Social Media and I: Bridging the Past, Present and Future”.
Categories: Halu-halo
pwede po bang gamitin toh for reference?
hi, yes. pwede, basta paki-acknowledge na lang ang site na ito. thanks 🙂
ok po thanky you
ano po bang tunay niyong pangalan?
for reference lang po
Happy 5 years po sa blog post na ito! 😀
wow, oo nga 😀 maraming salamat…
Mas okaye ako jan ha…!!
guys ano po ba ang gamit ng wika sa internet at social media? please pakisagot po kailangan na kailangan ko lang po. salamat po sa sasagot
patulong poh ano po ang Kalagayan ng Wikang Filipino sa
Social Media ngayon?? o kaya mga antas ng wika na ginagamit sa social media ngayon?
Plss I need your answer 🙂
Para saiyo ano ang kahalagahan ng saliksik mo na ito???
Ibabase po namin dito ang Kolum na gagawin namin. Kung pwede lang po mga basic data lang naman po kukunin namin. Paano po kaya namin mababase yung Kolum namin dito nang hindi magmumukhang Plagiarism..?
basta wag nyo lang kopyahin as it is yung mga nakasulat at sabihin ninyo dito galing sa website na ito ang source ninyo, okay na yun…
Magandang Araw po , pwede po bang malaman ang iyong pangalan po , para po kasi sa aming pananaliksik na ginagawa … for now po nilagay lng po namin ang inyong nickname …
Ano po magandang slogan tungkol sa social media
Hi guys pa help nga ano ang magandang e slogan sa mga adik sa gadget??😔😔need your help.😭😂
Kinalimutan na ninyo ang henerasyon ngayon, dahil sa panay na paggamit ng mga gadget.
Guys ano bang pwedeng e slogan para sa mga adik sa gadgets????
hai guys pa help na about sa visual media 🙁 sana matulongan nniyo ako 🙁
anong klaseng help ang kailangan mo?
tao nga nman nohhh!! tao ang gumawa, tao rin ang sisira.
hello guyss sna mtulungan nyo pa ko bout sa aking thesis na gagawin about sa sosyal medya 😛 anu ang nga suliranin sa likod nito ??kahalagahan at limitasyon nito haiyss nxt day na pasahan ng chapter1ko wala pa ko sa kalahati 🙁
may klase pa kayo? hindi ba bakasyon na? ang mga nakikita kong suliranin eh yung nakaka-adik ito at medyo magastos dahil sa technology. tapos nakakabawas din ito ng intimacy sa mga relasyon kasi yung mga makina lang ang nag-uusap at hindi nagkaka-daupang palad ang mga tao sa likod ng mga mensahe.
ang kahalagahan ng social media ay nandun sa mabilis, convenient at matipid na pagpapa-abot ng mensahe sa maraming tao. convenient din ito para sa mga magkakalayong magkaibigan, nagmamahalan o magkapamilya. napapanatili nila ang komunikasyon nang tuluy-tuloy basta’t may internet connection.
limitado ito sa area ng expression, gesture, physical touch at iba pang maaaring gawin ng mga magkasama. marami ka pang mare-research sa bagay na ito online. pahanap mo lang kay manong google yung advantage at disadvantages ng social media. nakatulong sana ‘to kahit pa’no 🙂
heeloo po author 😀 🙂 pwede po bang kumuha ng idea dito ? sana po pumayag kayo…
pwede, basta bigyan mo lang ng acknowledgment ang website na ito 🙂
I Really like ur blog ,regarding social networking , mybe i could ask a permission if its ok to u ,for me to get an idea or an article about the statement that you post in this site,…thanks ,,,it will help a lot in constructing my term paper ,,if u dont mind,,,thanks,,,and God bless…..:-)
hello, joshua. yes, you may use this article or any article in this site for your term paper. but please don’t forget to give credit or acknowledgment to this blog site 🙂
grabe, tlgang interesting! enjoy ako kare-read thanks sa info huh muntik na rin me maging FB addict thanks tlga sa help to prevent it sir
hi, anne…salamat sa pagdalaw dito 🙂 nangako ako sa sarili na mula this year eh 10 minutes na lang gugugulin ko sa FB…bawat oras, joke 😀
Tinde nyo Sir. May twitter pa po pala kayo.
di man po kasi ako marunong mag twitter eh.
haha, kung maka-po ka naman, para namang ang tanda-tanda ko na 😀 meron lang ako twitter account pero hindi ko ginagamit hehe
gumagalang lng nman po eh….gnun po ba
Libre nyo na lang po ako ng buko at turon sir resident patriot pag nanalo po kayo.
Good luck Sir. Bangis
maraming salamat sa suporta ginoong JKulisap 😀 may 9 votes na ko hahaha
Very interesting entry good luck po!
hello mcrich, salamat sa pagbisita 😀
So far, sa mga nabasa ko parang ikaw na, ikaw na yey congrats!
wahahaha, me already na nga 😀
Nakakagulat na isipin na mas mataas pa ang porsiyento nating mga Pinoy sa pag-gamit ng social networking kaysa mga mas maunlad na bansa tulad ng Amerika at Japan. Todo babad kasi tayo sa internet. Siguro pati yung dati kong tambayan na tindahan dun sa may kanto sa amin, ay may Wi-Fi na rin. 🙂
hello pinoytransplant 🙂 nakaka-intriga ang iyong pangalan ah hehe
pinapatunayan lang nito na friendly talaga ang pinoy, pisikal man o virtual hehe
hello…. haha, angkop na angkop ang drowing, kapatid. ang ganda pa ng concept, ang daming kalat sa paligid, hihi. talaga naman… ^^
wala akong fesbook, kapatid, wala pa… may luma akong friendster account, di ko naman halos nagamit. tapos dati, may shelfari, mga one year lang ‘ata akong naaliw – parang librarian or archivist naman do’n, lol.
ang worst ko atang naranasan, mga 16 hrs sa harap ng computer – ansakit sa likod at sa batok. na-OC lang yata ako no’n sa pag-e-edit ng blog entry. di ko na inulit, hehe… tapos, sa kalat naman, i make sure na about one square yard lang ang kakalatan para di gaanong hassle magligpit. ayon… ang husay mong mag-render ng concept, kapatid. kaway-kaway… 😉
salamat sa compliments sa aking walang katorya-toryang drawing 😀 ayoko rin ng FB pero dahil marami sa mga kaibigan at kamag-anak ko ang nandun, napapatambay tuloy ako dun.
grabe yung 16 hours sa harap ng computer, magko-collapse na lang siguro ako bigla kapag sinubukan ko yun hehe
hala, ang ganda nga. kakatuwa pati ang sabi, haha. saka, ganyang-ganyan ang itsura noong mga kakilala kong parang di na makaalis as in, nakapagkit na sa harap ng PC kapi-facebook and games. yong games din yata, malakas makapagpa-adik, hehe… ^^
sa family din namin, may mga nahilig sa FB, kapatids and pamangkins. pero for less than a year naman ata ang pagkahumaling nila. these days, wala na sa kanilang di makahinga pag di natsi-tsek ang FB account, hehe. mas ang comon activity namin, manood ng kakaiba or unusual na entries sa youtube, ayon… pag minsan, tsika sa kamag-anak abroad sa chat or sa skype or on cam conversation.
lumilipas din nga ata ang pagkahilig sa social networking. sa umpisa, kakatuwa kasi parang ang daming taong makikita, hehe. update-update, ganyan…
OA ka, kapatid… ^^ may jingle break, toothbrush and hilamos naman ang 16 hrs. ayos lang, para lang gumagawa ng paper with groupmates. yon lang, walang groupmates, haha. saka, may noodles at softdrinks sa tabi, parang sa drowing mo. mas maganda ang drowing mo, andaming kalat and it says the point very well – wag pakaadik, hihi…. 😉
haha, kala ko walang puknat na 16 hrs eh hehe 😀 oo, nakaka-adik nga ang games kaya ayoko magkaroon ng kahit anong games sa bahay namin eh, pakiwari ko’y wala na akong magagawang produktibo sa buhay kapag nagkaroon ng ganun 🙂
hahaha sapul! though now i try not to “tambay,” esp. pag nasa oras trabaho at may limit para matulog naman, dahil may bukas pa, hehe!
indeed, lahat ng sobra ay masama, kaya balance is key. thanks po sa paalala sir! 🙂
hi leandra, salamat sa pagdaan ulit 😉 mabuti at nako-control mo na ang pag-internet, kapag weekends, minsan umaabot ako ng 5 hours non-stop sa internet haha kahit ‘wag na kumain, makapag-surf lang 😀
malaki ang tulong ng social media sa ating mga pinoy, wag lang aabusuhin at gagamitin sa kalokohan.. mabuhay ka RP.. madami na naman akong natutunan sa post mo… you already!
hello pot, haha 😀 “me already!” na talaga, ayus ang english na ‘yan hehe
okay lang daw ‘pag blind item ang post, wag lang diretsahan para di makasuhan ng libel 😀
uu nga.. you already na talaga.. ehehehehe… blind item.. pambihira.. pang showbiz na naman ang mga post na hindi pwedeng bigyan ng malisya..
tatlong araw pa lang ako nagiinternet.. exaggerated ka ha? 🙂 tama, social media ang nagdudugtong ng nakaraan at nag tatawid sa makabagong panahon.. sa pagtuklas ng bago, sa paglalapit ng mga taong magkalayo.. gandang hating gabi!
haha hatinggabi na nga, marami pa ring nagtatambay sa internet 😀 magandang umaga din sa iyo, binky 😉
Agree. Daming benefits ng social media. Pero kung tutuusin, tao rin talaga ang umaabuso minsan. Tsk. 🙂 Informative po itong post niyo! Thank you! 😀
hello jem, sandali naka-comment ka ah hehe salamat at tama ka, tayo nga din ang umaabuso dito.
kaya naiisipan tuloy lagyan ng restrictions ang paggamit nito kahit na unconstitutional na sa mata ng ilang eksperto sa batas, ay ano ba ‘yang nasabi ko 😀
Correct! Haha. Tsk. In the first place, if only people did not abuse their rights in using the social media, edi sana walang ganto ganto ngayon. Haha. Tapos magrereklamo kapag nabiktima sa internet. Tsk. Na-jeopardize tuloy ang freedom of speech ng lahat. hihi pero that’s the farthest my opinion could go! hahaha! Masyadong sensitive ang issue na ‘yan, and this is actually just my first time to review the Act. haha XD
okay lang sana may ganyang batas lalo na sa mga kagaya nating (naks kasama ako 😀 ) hindi gumagawa ng anumang anomalya online, pero marami pa talagang weakness ang batas na ito (ra 10175) at obvious na minadali kaya gumawa ng ganyang ingay…
I COULDN’T AGREE MORE! 😀 hahaha! Okay lang ‘yung batas kasi nabasa ko naman yung ibang provisions okay naman eh lalo na yung sa identity theft, pero it needs revision nga. Hihi :>