Napansin ko na sa tuwing binabanggit ang pangalan ng Pilipinas sa salitang English eh nilalagyan ito ng “the” sa unahan. Halimbawa, “The Philippines is a beautiful country.”
Bakit “The Philippines” ang tawag sa Pilipinas? Hindi ba pwedeng Philippines lang? Gaya ng, “I have been to Philippines.” Mas tama pa rin pakinggan ang, “I have been to the Philippines.”
Para saan yung “the”? Bakit yung ibang bansa, wala namang “the” sa unahan ng pangalan? Hindi naman sila tinatawag na the Korea, the Greece, the Japan, the Germany, etc.
Merong “the” pag the United States, the United Arab Emirates, the Republic of China. Kung the Philippine Islands, maiintindihan ko pa, pero yung Republic of the Philippines, hindi ko maintindihan. Bakit ganun? Para saan yung “the”?
Yung nakaka-alam ng sagot, paki-share.
Categories: Halu-halo
The Philippines ata yun dahil gawa sa kapuluan o isang archipelago ang ating bansa. Kaya bilang kabuuan, nilalagyan ito ng “The.”
Iyan eksakto ang teorya ko, Cam. Pero wala pa akong makitang resource na sumusuporta sa teoryang ‘yan. Salamat sa paglustay mo ng iyong oras sa katanungang ito 😀
Very good observation, bro! 🙂
Salamat, Adrian. Parang medyo alam ko na ang sagot eh. Pero nagre-research pa rin ako 😉
oo nga ano? ngayon ko lang din napansin. bakit nga kaya?
Sa tingin ko nama’y para lang talaga mas magandang pakinggan kaya nilagyan ng “the” ang pangalan ng bansa natin pag tinutukoy ito sa wikang Ingles. Ayon sa isang diksyunaryo, isa talaga sa mga gamit ng “the” ay ang tumukoy sa isang partikular na tao, lugar, pangyayari, atbp. May kakabagayan nga lamang ito kaya di ginagamit sa lahat.
Siguro nga pantukoy lang yung “the” sa “the Philippines”. Pero ire-research ko pa ito kung may iba pa s’yang mas malalim na dahilan.