Ramdam ang Kaunlaran

Naghalungkat ako ng mga lumang pics sa aking hard disk at natagpuan ko ito.

Ilang taon na ang nakakalipas nang makita ko ang tarpaulin na ito habang naghihintay sa arrival/waiting area ng NAIA terminal 1.

Ano kaya ang iniisip nung nagpalagay ng bold, daring at provocative na tarpaulin na ito? “Pag nalaman ito ni Madam, siguradong matutuwa s’ya sa akin at aambunan n’ya ako ng maraming grasya.”

Hindi ko na ulit nakitang nakaladlad ang tarpaulin na ito nung kasunod na taon na umuwi ako. Wala sigurong nakumbinse yung tarpaulin na nararamdaman ang kaunlaran sa Pilipinas.

Pero recently, napansin ko ang mga bagong ipinapagawang daan sa lalawigan namin, mga bagong traffic light, mas mabilis na serbisyo ng NSO at air-conditioned waiting area sa aming City Hall. Okay di ba? Medyo parang nakaramdam tuloy ako ng kaunlaran sa aking hometown.

Kung magkakaroon lang siguro ng mas maraming stable na trabaho, kung masasawata lang siguro ang karahasan at krimen, kung magkakaroon lang siguro ng malinis na inuming tubig, malinis na hangin at matinong serbisyo sa lahat ng ahensyang pampubliko at pampribado, siguro, siguro…siguro sa panaginip ko na lang makikita ‘yun.

Advertisements


Categories: Halu-halo

Tags: , , ,

2 replies

  1. Hindi concrete ‘tong opinyon ko pero palagay ko po, mararamdaman ng mga tipikal na mamamayan ng bansa ang kaunlaran kapag mababa na ang presyo ng bigas, karne, asukal; mas mababa na ang presyo ng gasolina; o kaya nabibili na ng mga tao ang mga vices nila sa sweldong natatanggap nila. Kaya minsan hindi kapani-paniwala ang SONA ng mga pangulo. Wala po kasing pakielam ang mga tao kesyo natanggal na tayo sa watchlist ng ganito-ganyan o tumaas ang ranking natin sa kung saan mang survey o pag-aaral. Survival pa rin ang pangunahing tinitingnan ng karamihan sa atin. 🙂

    • Hello DwightD., salamat sa iyong comment. Tumpak ang iyong sinabi.

      Bagama’t ang inflation ay isang pangyayaring hindi naiiwasan maging sa ibang mga bansa, ang buying power nating mga ordinaryong Pilipino ay masyadong mahina.

      Hangga’t pahirapan pa rin bago makuha ang pinaka-basic sa ating mga needs eh mahirap talagang maramdaman ang kaunlaran.

      Statistics are good, but we need cash.

Mag-iwan ng mensahe

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: