Tag Archives: pinoy jokes

Komik Istrip 002: Kinababaliwan ng Kababaihan

Ang okay siguro kung merong magbibigay sa ‘yo ng kahit anong kahilingan mo ‘no? Pero ‘wag kang masyado excited. Mas maganda kung isipin mo muna mabuti yung hihilingin mo. Baka iba yung maging interpretation nung magbibigay ng wish mo eh.

kinababaliwan ng mga kababaihan

Advertisements

BALIKBAYAN BOX: The Extreme Version

Narito ang isang lumang joke na pinagpasa-pasahan namin sa email nung hindi pa uso ang Facebook. Dumaan na ito sa iba’t ibang version pero makikita pa rin dito ang paglalarawan sa Balikbayan Culture ng mga Pilipino.

*************************************************************

Balikbayan Box
Author: Unknown

balikbayan box

Registered nurse si Maria sa States. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot doon. Subalit namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa.

Pagdating ng kabaong sa kanila, napansin ng mga kapamilya niya na tila namamaga ang mukha ng bangkay at nakadikit na ang mukha ng ina sa salamin ng ataul. Nagkomento tuloy ang isang anak, “Ay, naku! Tingnan mo ‘yan… hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!”

Upang ayusin ang itsura ng bangkay, binuksan nila ang kabaong. Napansin nila na may sulat sa dibdid ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ito ang nilalaman ng liham na nagmula kay Maria:

Mahal kong itay at mga kapatid,

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang inay sa pag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe.

Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit $10,000 na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga. Anyway, ipinadala ko kasama ni inay ang mga sumusunod…

Nasa likod ni inay ang dalawampu’t apat na karne norte. Ang Adidas na suot ni inay ay para kay itay. Ang limang pares ng de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni inay. Tig-iisa kayo.

Ang iba’t-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa puwitan ni inay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana’y hindi matunaw ang mga ito. Ang pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni inay ay para sa bunso ni ate. Gift ko sa first birthday ng bata.

Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob ng bag ang pictures ni inay, original Japanese version ng pokemon trading cards at stickers.

Suot ni nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot ninyo ang mga iyan sa fiesta.

Suot din ni inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot nyo sa party. May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni inay. Para sa inyo, itay, kuya, dikong, Tiyo Romy. Bigyan nyo na rin ng tig-isa ‘yung mga pamangkin ko at ‘yong isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigda-dalawang pares ng Nike wristband at knee caps na suot-suot din ni inay ay para sa mga anak mo, dikong, na nagba-basketball.

Tigda-dalawang ream ng Marlboro green at Winston lights ang nasa pagitan ng mga hita ni nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh ang nakasiksik sa kili-kili ni inay. Hati-hati na kayo, huwag mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra na gustong-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni inay. Alam kong inaasam-asam nyo ‘yan, tiya. Anim na lipstick lang ang kasya sa bra. Ang Rolex na bilin-bilin mo itay, suot-suot ni inay. Nakatakip sa Nike na wristband. Kunin mo agad, itay.

May isiniksik akong zip-loc sa bunganga ni inay na naglalaman ng 1000 dollars. Hindi na ako nakatakbo sa ATM. Puede na siguro sa libing iyon.

Iyong tong na makokolekta, i-time deposit niyo, Kuya, para pag namatay si itay may pambili na ng ataul. Ang hikaw, singsing at kuwintas (na may nakakabit pang anim na nail cutters) na gustong-gusto mo, ditse, ay suot suot din ni inay. Kunin mo na rin agad, ditse. Ibigay mo ang isang nail cutter kay Jay, yung bakla sa kanto.

Tanggalin niyo ang bulak sa ilong ng inay, may isiniksik ako 3 diyamante bawat butas. Ibangon niyo lang si inay at tiyak na malalaglag na ang mga iyon. Konting alog lang siguro ng ulo.

Isang Ray-Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay inay. Isiniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni inay. Nasa pink na plastik na maliit. Mga Chanel at Champion na medyas, suot suot din ni inay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.

Mga pampers, panty liners, cotton buds, cotton balls, table napkins at mga Scotch Brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels… Yon bale ang pinangkutson ko sa kabaong ni nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo. Marami pa akong ipinagsisiksik kung saan-saang parte gaya ng cafe, coffee creamer, ilang vienna sausage na delata, barbie dolls, toothbrush, paper cups, plastic spoons and forks, paper at styrofoam plates, perfume, cologne, ballpens, stationeries, envelopes, bar soaps, matchbox toys, used t-shirts, hand towels, CD, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. na hindi ko na na-itemize dahil nagmamadali ako at graveyard shift ako ngayon.

Marami pa sana akong ilalagay, kaya lang baka mag-excess na ang timbang at si inay pa ang maiwan. Basta parte-parte kayo, itay, kuya, ate, dikong, ditse. Para sa inyo lahat ito. Bahala na kayo kay inay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan ninyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Paki-double check ang lista kung walang nawala sa mga ipinadala ko.

Nagmamahal,
Maria

P.S. Pakibihisan ninyo agad si Inay!

Sen. Miriam Santiago Jokes: The Unofficial Collection

Para sa mga naaaliw sa mga banat at patawa ni Senator Miriam Defensor Santiago, narito ang collection ng mga jokes, pick-up lines, banat sa mga politicians (kagaya niya) at ilang mga quotes ng Senadora na hinango mula sa iba’t ibang sulok ng internet.

senator miriam santiago quotes

RANDOM JOKES

Tinanong ang mga nanay kung ano ang pinapainom nila sa mga anak nila.

Nanay 1: Bonakid, para sa batang may laban.
Nanay 2: Emperador, para sa totoong tagumpay.
Nanay 3: Tubig ng Maynilad, dahil dumadaloy ang ginhawa.

—oOo—

Q: Ano ang sabi ng dagat sa isa pang dagat?
A: Wala, nag-wave lang siya.

—oOo—

Anong blood type ang pwedeng motto? B-positive.

—oOo—
Matalinong babae + Matalinong lalaki = Romance
Matalinong lalaki + Bobong babae = Affair
Matalinong babae + Bobong lalaki = Kasal
Bobong lalaki + Bobong babae = Sexually Transmitted Disease

—oOo—
Gusto mo bang trabaho?

  • Meron sa PLDT, 10,000 pesos per day. Ikaw yung dialtone.
  • Meron sa DPWH, 10, 000 pesos per day. Ikaw yung speedbump.
  • Meron sa post office, 10,000 pesos per day. Didilaan mo lahat ng stamps.

—oOo—
A young boy asked his Dad, what is the difference between confident and confidential?

The father said, you’re my son. Confident ako doon. Yung best friend mo sa school, anak ko rin yun. Yun ang confidential.

—oOo—
Five tips for a happy man’s life

1) Have a girl to help you at work
2) Have a girl to take care of you and to love you
3) Have a girl who can make you laugh
4) Have a girl who spoils you
5) Siguraduhin na hindi magkakilala and apat na babae na yun

—oOo—
In a swimming pool:

Classmate 1 – I’m sure lulutang ka
Classmate 2 – Bakit dahil payat ako?
Classmate 1 – Hindi, dahil plastic ka

—oOo—
Use “anyone” in a sentence.
“Nasaan na kayo? Bakit ninyo ako anyone?”

—oOo—
Ganito daw ang menu ng automated answering machine ng mental health hotline:

If you are obsessive-compulsive, press 1 repeatedly.
If you are co-dependent, please ask someone to press 2 for you.
If you have multiple personalities, press 3, 4, 5, and 6.

If you are paranoid, we know who you are and what you want. Stay on the line so we can trace your call.

If you are delusional, press 7 and your call will be transferred to the alien mothership.

If you are schizophrenic, listen carefully and a small voice will tell you which number to press.

If you are a manic-depressive, it doesn’t matter which number you press, no one will answer.

If you have amnesia, press 8 and state your name, address, telephone number, date of birth, credit card details, email address, and your Facebook password.

If you have short-term memory loss, press 9.
If you have short-term memory loss, press 9.
If you have short-term memory loss, press 9.

If you have low self-esteem, please hang up. All operators are too busy to talk to you.

If you are a politician, please hang up. There’s no hope for you.

—oOo—
Kung mangholdap ang mga sosyal, ang sinasabi:

“Holdap here, make bigay all your thingy!”
“Don’t make galaw or I’ll make tusok-tusok you!”

—oOo—
Kapag may nakita kang gwapo, maganda sa isang party, kapag nilapitan mo siya at sinabi mong mayaman ako, pakasalan mo ako, ang tawag doon ay “direct marketing”.

Kapag pinadala mo ang kaibigan mo para sabihin sa kanya na mayaman ka at gusto mo siyang pakasalan, ang tawag doon ay “advertising”.

Kapag nakuha mo ang number niya at tinawagan mo sa telepono kinabukasan para sabihing mayaman ka at gusto mo siyang pakasalan ang tawag doon ay “tele-marketing”.

And finally, pag sinabi ng isang lalaki sa isang babae na mayaman ako, pakasalan mo ako at sinampal siya ng babae, ang tawag doon ay “customer’s feedback”.

—oOo—
Kung may boyfriend ka o girlfriend na gusto mong i-break after graduation, ito sabihin mo:

“Password ka ba? Kasi hindi kita kayang kalimutan pero kaya kitang palitan.”

“Summer ka ba? Kasi wala kang class.”

“Bachelors degree ka ba? Kasi tapos na ako sa iyo.”

—oOo—
Teacher asks students: “Ano gusto mo (maging) paglaki mo?”

Pedro: Gusto ko tulong kapwa.
Jose: Gusto ko doktor para tulong kapwa.
Kiko: Gusto ko mayor para tulong kapwa.
Maria: Gusto lingkod kapwa.

Juan Tamad: Gusto ko ako ang kapwa.

POLITICIANS

Holdaper: Akin na ang pera mo.
Lalaki: Hindi mo ba ako kilala? Isa akong congressman!
Holdaper: ‘Kung ganun, akin na ang pera namin!

—oOo—
Politics is a word that is a combination of two syllables—’poli’ meaning many, plus ‘ticks’ meaning blood-sucking parasites.

—oOo—
Para isa ibang tao, ang high blood pressure nila congenital, meaning nanggaling sa magulang. Sa akin, iba naman, ang high blood pressure ko ay political.

—oOo—
The problem with political jokes is that they always get elected.

—oOo—
What is the difference between Philippine government and the mafia? The answer: One of them is organized.

—oOo—
The brain of a Filipino politician has two sides: the left has nothing right in it, the right has nothing left in it.

—oOo—
Anong tawag ‘pag nagtapon ka ng basura sa dagat? Sagot: Pollution

Ano naman ang tawag kapag tinapon mo sa dagat ang mga pulitikong kurakot? Sagot: Solution.

—oOo—
Kapag nagsinungaling ka sa congressman o senador, kakasuhan ka na ng perjury, may jail term ka pa.

Pero kapag ang congressman o senador nagsinungaling sa iyo, ginagawa na nila ang trabaho nila, magkakaroon pa sila ng bagong term.

—oOo—
How to tell if a politician is telling the truth:

Whenever he’s crossing his arms, he may be telling the truth.
Whenever he’s stoking his chin, he might be telling the truth.
Whenever he looks at you straight in the eyes, he might be telling the truth.

But when he opens his mouth, he is lying.

—oOo—
There was a study on the connection between government employees and the sport they play.

Ang paborito raw sport ng entry-level government employees ay basketball. Kapag lower management position na, ang paborito raw nila ay bowling. Kapag upper management naman, paborito raw nila ay tennis. Ang paborito raw na sport ng high-level government officials is golf.

The study then made this conclusion, kapag tumataas ang posisyon mo sa gobyerno, lumiliit ang balls mo.

—oOo—
May 3 doktor, pinag-uusapan [nila] kung anong pasyente ang pinakamadaling operahan. Sabi ng isa: Electricians – everything inside them is color-coded.

Sabi ng pangalawang doctor: Librarians – everything inside them is in alphabetical order.

Sabi ng pangatlo, pulitiko ang pinakamadali: They have no brains. They have no guts. They have no hearts. And they have no balls.

—oOo—
Top 3 na pinakasinungaling na trabaho sa Pilipinas:

No. 3: Beautician: Sasabihin nilang maganda ang customer kahit hindi naman talaga.
No. 2: Konduktor ng jeep: Sasabihin niya na dalawa pa ang kasya kahit puno na.

And last and the most prolific of all these liars, No.1: Pulitiko. That’s the end of the story.

—oOo—
One time I met a politician and I said as a joke…

Me: Balita ko, meron ka raw kulasisi na 18 years old.
Politician: Lumang balita na yan. 28 years old na siya ngayon.

—oOo—
May isang pulitiko na lumapit sa isang psychiatrist.

Ang sabi niya, “Dok, tulungan mo po ako. Tuwing nakakatanggap po ako ng pork barrel, hindi ko mapigilan ang sarili ko na nakawin ito. Nagi-guilty po ako at nade-depress nang malala at matagal dahil dito.”

Ang sabi ng psychiatrist: “Sige, tutulungan kitang magkaroon ng self-control para hindi ka na magnakaw sa taumbayan.”

Sumagot ang pulitiko: “Dok, huwag po! Gusto kong tulungan niyo ako para hindi na ako ma-guilty at ma-depress.”

—oOo—
Sabi ng isang survey, 25 percent ng mga pulitiko daw ay umiinom ng medication para sa kanilang mental illness.

Malaking problema ito. Ibig sabihin 75 percent ay hindi umiinom ng gamot.

PICK-UP LINES

Boy: Tubig ka ba? Kasi kung hindi mo ako crush, wala kang taste.
Girl: Eh ikaw, tubig ka ba?
Boy: Bakit?
Girl: Kasi I can’t wait for you to evaporate.

—oOo—

Tanungin ninyo ang boyfriend o girlfriend ninyo: Ano ang pinagkaiba mo sa tubig?

Sagot: Ang tubig iniigib; ikaw, iniibig.

—oOo—

Can you recommend a good bank? Kasi I’m planning to save all my love for you.

—oOo—
Kapag mamamatay na ako, huwag na huwag kang pupunta sa libingan ko kasi baka tumibok ulit ang puso ko.

—oOo—
Miss, kutsara ka ba? Kasi palapit ka palang, napapapanganga na ako.

—oOo—
Suicide, homicide, insecticide, lahat pamatay. Pero kung gusto mong pampabuhay, i-try mo ang ‘by my side.’

—oOo—
Malabo na talaga ang mata ko. Pwede ba akong humingi sa iyo ng kahit konting pagtingin?

—oOo—
Girl: Saan tayo magdi-date sa Valentines?
Boy: Sa sementeryo.
Girl: Bakit doon?
Boy: Para mapatunayan kong patay na patay ako sa’yo.

—oOo—
Sana naka-off ang ilaw para tayo na lang mag-on.

—oOo—
Nakalimutan ko ang pangalan mo eh, pwede bang tawagin na lang kitang akin?

—oOo—
Ibenta mo na bahay mo, tutal nandidito ka na, nakatira sa puso ko.

—oOo—
Nakalunok ka ba ng kwitis, kasi pag ngumiti ka, may spark!

—oOo—
Para kang holdaper,lahat ibibigay ko huwag mo lang akong saktan.

—oOo—
Tindera ka ba ng yosi? Kasi you give me hope and more…

—oOo—
Galing mo din ano? Hindi mo pa ako binabato, tinamaan na ako!

RANDOM QUOTES

Kung pangit ka mahilig kang mag-selfie, sabihin mo na lang lahat ng pictures mo ay wacky.

—oOo—
Kapag magse-selfie, siguraduhin mong hindi maputi ang mukha tapos maitim naman ang leeg mo. Dapat din hindi sobrang puti ang katawan tapos maitim naman ang kilikili. Tandan mo tao ka, hindi ka Zebra.

—oOo—
Ang LOVE parang bayad sa dyip. Minsan nasusuklian.

—oOo—
Alam niyo ba ang iba pang tawag sa Valentine’s day? Para sa malungkot na single,ang tawag dito ay Single’s Awareness Day. Para sa mga masaya na single, ang tawag dito ay Single’s Independence Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay (insert day where Valentine’s day falls).

—oOo—
Did you know that an earthworm has five hearts, whereas an octopus has two hearts? Kaya kung may kilala ka na nagmamahal ng higit sa dalawa, tanungin mo kung anong klaseng hayop sila.

—oOo—
Kapag ikaw ay nagmamahal pero sasaktan mo rin lang naman, hamunin mo na lang ng suntukan.

—oOo—
Ang taong nagmamahal nang tunay ay parang matalinong estudyante na kumukuha ng exam. Hindi siya tumitingin sa iba kahit nahihirapan na.

—oOo—
Para sa mga single, umuwi nang maaga mula sa school o sa trabaho para isipin nila may date ka.

—oOo—
Ang crush, parang math problem, kung hindi mo makuha, titigan mo na lang.

—oOo—
Minsan may nanligaw sa akin at nagyabang, “Nasa dugo talaga namin ang pagiging guwapo.” Sumagot ako, “bakit nasa dugo lang, bakit hindi napunta ang pagiging guwapo sa mukha mo?”

Pagkatapos sinabi ko sa kanya, “Cup noodles ka ba? Gusto kasi kitang buhusan ng kumukulong tubig.”

—oOo—
Gaano katalino ang mga estudyante ng (insert school here)? Common sense pa lang ninyo, IQ na ng ibang mga senador.

—oOo—
When the cashier at the grocery said, “Miss, pwedeng candy na lang ang sukli ko sa iyo?” I answered “Bakit, tsokolate ba ang ibinayad ko?”

—oOo—
Hindi ko sinasabing maganda ako, ang sinasabi ko lang pangit ka.

—oOo—
When someone told me “ang ganda mo”, I answered “sana ikaw rin”

—oOo—
It is very important that you should choose the person you will marry and stay with that person.

There are many people now who believe in serial love, loving one person after another. I don’t think that is good for our mental health. I think we should get it over with.

Love is like measles, you know. You only get it once in your lifetime and you are immune forever. I am very happy to say that is what happened to me.

I am completely immune to any temptation. All men who have passed my life after I got married might as well have been sticks of furniture.

—oOo—
I don’t ride roughshod over him. I don’t care where he goes at night, he doesn’t have to call me with his itinerary. I just presume that he’s going to be loyal to his marriage vows. And I’ve been extremely faithful to my husband.

—oOo—
Maybe if I were 20 years younger, or maybe if I am as young as Heart Evangelista, it would be endearing to kiss in public. But to do that at my age would just be disgusting.

—oOo—
We never see each other….sometimes I am surprised that I married such a good looking (man) because I hardly can see him. I sort of got surprised when we see each other in the corridor. In other words, we don’t grit down each others’ neck.

—oOo—
“Sir, I remind you that as the Commissioner of Immigration and Deportation, I represent the majesty of the Republic of the Philippines. You have the obligation to show respect and courtesy to me. Now shut up, or I’ll knock your teeth off!”

(To an alien criminal suspect who raised his voice to interrupt her during a televised press conference.)

—oOo—
“I will not spend my adult life answering obviously false charges. But I will exert every effort to resist the charge that I lack sex appeal.”

(Of the charges filed against her by several CID employees whom she disciplined for graft and corruption.)

—oOo—
What is the record of actual courtroom experience of my enemies, not every dimwit can claim ‘trial practice,’ which calls for the special rules on trial technique and procedure. And what is the basis for all the pious nonsense about judicial behavior, from people who have never seen a courtroom, or read jurisprudence?

—oOo—
I am aghast and postal that a party in litigation and the sub-mental cretins who are my enemies have the gall to demand the power to control the personality of the judge. To educate the non-educable, it is the judge who controls the proceedings.

—oOo—
May I just make a point of grammar please? The Bible does not say, “Go out to the world.” It sounds very much like God is encouraging us to go out and copulate in public.

God said in the Bible, “Go forth and multiply.” That meant that God wanted man, not necessarily to literally multiply, but to go out to work with the rest of the human beings of this planet and to apply the stewardship theory. Meaning to say, taking care of each other, who are all in the planet living together.

—oOo—
They are quoting Jesus ? But none of them were living when He was around plus they’re quoting God but the Bible says no one has ever seen God. In fact, if we claimed to have seen God, as I said, you are in urgent need of psychiatric care.

—oOo—
“Please don’t treat me as a mere observer. I am a judge in this proceeding! In any trial court, … you should not speak, you should not take any behavior at all unless with the consent of the presiding judge. Don’t drown me out by screaming in this courtroom! Only I can scream here and my fellow judges!” (Scolding private prosecutor Arthur Lim)

—oOo—
You know, if you shut down all the TV cameras, the proceedings will be finished in one week, but people want more than 15 [minutes] of fame.

—oOo—
How many witnesses do you intend to present? You don’t even have any idea? You come to court prepared! You do not waste the time of this court!

Sa Inyo na ang Lahat

Tapos na ang undas kaya’t it’s officially the Christmas Season na, WUHOOO! Pero walang kinalaman sa kapaskuhan ang blog post na ito hehe, masyado pa maaga para dun.

Isang mahalagang usapin na kasalukuyang umaapekto sa buhay ng napakaraming Pilipino ang sinimulan ng isang pangyayaring naganap kamakailan lamang. Mayroong mga nalungkot, may mga nainis at meron din namang mga nagalak sa pangyayaring nabanggit.

Subalit, parang na-reincarnate yata ang magsing-irog na si Daniel at Katerina, kung kaya’t malamang magka-part 2 pa ang tele-nobelang naging bahagi ng maraming tahanang Pilipino. Kung magkagayon, patutunayan lang ng ABS-CBN na ang istoryang ito ay…walang hanggan 🙂

hitler ng germanygenghis khan ng mongolia

king george v ng inglatera

galactus ng marvel
si galactus ay isang comic book character na pag-aari ng marvel comics

julia montes and coco martin

David and Venus #7

Huwat??? Meron pa pala neto?! 😀

As usual, paki-click na lang po para sa mas malinaw na image…

si david at si venus

Pinoy Jokes sa Kulturang Pilipino

Isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa aking pagiging Pilipino ay ang aking pagiging mahilig sa pagtawa at pagpapatawa. Gusto kong nagbabasa ng nakakatawa, nanonood ng nakakatawa at makinig ng nakakatawa.

Naaalala ko pa, mga dalawumpu’t pitong libong taon na ang nakakalipas, nung ako’y bata pa at wala pang masyadong iniintindi sa buhay (kundi ang paano lalansihin ang aking nanay para makapanood ako ng marathon ng saturday morning cartoons na hindi inaabala ng kung anu-anong utos), napakahilig ko na sa mga pinoy jokes.

Gustung-gusto kong pinapanood ang mga comedy sitcom sa tv. Gustung-gusto ko binabasa ang pinoy jokes corner ng mga babasahin. Inaabangan ko ang joke time portion ng mga variety show at programa sa radyo. Gustung-gusto ko rin makipagpalitan ng mga nakakatawang jokes sa aking mga kalaro, kamag-aral at kamag-anak.

Kung may mga nag-iipon ng tansan at goma nuong kabataan ko, ako naman ay nag-iipon ng mga nakakatawang jokes na maipagyayabang ko sa iba. Kargado lagi ako nuon ng mga bago at kakaibang jokes.

Maraming Pilipino ang mahilig sa katatawanan, makikita natin ito sa lahat ng porma ng media, mapa-radyo, dyaryo, magasin, komiks, libro, pelikula, telebisyon at ngayon ay sa internet.

Maraming pinoy jokes ang public domain, ibig sabihin, available for public consumption. Pinag-pasa-pasahan na ang mga jokes nang hindi binibigyan ng credit ang orihinal na nakaisip. Sa maraming pagkakataon, nagkaroon na rin ito ng iba’t ibang bersyon subalit walang magke-claim ng copyright. Pero may bagong joke book akong nakita na nagke-claim na kanila ang jokes na inilathala nila kahit na obvious namang matagal na panahon ng alam ng madla yung ilang mga jokes na nasa libro nila.

Ang pagiging masayahin at mahilig tumawa ng Pilipino marahil ay isa sa mga dahilan ng pagiging mababa ng suicide rate sa ating bansa sa kabila ng maraming problema ng ating lipunan. Makikita pa natin minsan na kahit nasunugan na ng bahay at lahat ng ari-arian eh nagagawa pa nung naperwisyo na ngumiti pag na-interview sa tv.

Ang pagtawa ay nakakabawas ng stress, nakakagaan ng kalooban at nakakapagpalusog sa ating puso. Kaya mga kababayan, hala sige, tawa lang! Pero ‘wag yung pang-kontrabida na tawa ha?

Narito ang ilang mga jokes. Ang drawings ay akin subalit ang jokes ay merong original at meron ding mga gasgas na. Kung may alam ka ring jokes, pa-share naman 🙂 Paki-click na lang din ang drawing para lumaki at mabasa ng mas maayos ang nakasulat.

thepinoysite malilimutin
malilimutin nga…
kulang sa pansin
may problema nga siya…
thepinoysite social climber
ambisyosa si madir…
pinagpapawisan
pawis pala ‘yun…
junk food
hindi nga naman maganda yung sobrang nutrients…
hi-tech relo november 9 2013
may libre ka pang scoliosis…
slow texting 8nov2013
ganito ang ulirang anak…
may hinahanap
what a logic…
mahirap na kahilingan
kahit magic hindi na kinaya…
merong nalimutan
ayun naman pala eh…
circumference
“istrikto’ng parents” daw n’ya…
calculator
sabi n’ya, “call you later” daw…
kagandahang panloob
ang bait ni tatay…
nakakadiring trabaho
dami pa kasing reklamo eh…
kuwentong istatwa
walang kamatayang ka-kornihan…
flying voter
h’wag pabotohin ‘yan…
addition genius
alam naman pala ang sagot eh…
status update
adik sa facebook…
homemade cooking
walang tatalo sa luto na may love…
military secret
alam na…
mahinang pandinig
iba ang pinagdiskitahan…
sikreto ng pagtanda
‘wag n’yo na ikalat ‘yang sikretong ‘yan…
kamandag ng ahas
ang hirap maging ahas…
plate number
nakuha nga…
tubig dagat
ah, kaya pala…
extra service
nangatwiran pa…
kung magsasalita lang siguro ang mga gamit natin, marami silang masasabing interesting…
mahirap na talaga ‘pag sikat…
marami siguro nakaka-relate dito…
sa tingin ko magkakatuluyan ang dalawang ‘to…
pwede rin s’yang maging louis vitton o kahit ano’ng branded na bag…
pwede rin s’yang maging tablet, basketball, i-phone o kahit ano’ng gaming console…
pinauso nina tito, vic at joey…
toilet humor
kadiri talaga ‘tong mga langaw na ‘to…

David and Venus #6

Hindi pa rin nagpapa-awat sa kakornihan…

David and Venus #5

Merong guest…

David and Venus #4

Kahit hindi masyado nakakatawa, post ko na rin. Bawi na lang ako next time…sana 😀