Pinoy Jokes sa Kulturang Pilipino
Isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa ating pagiging Pilipino ay ang mga Pinoy Jokes natin sa ating kulturang Pilipino. Dahil siguro ito sa ating likas na pagiging masayahin. Mahilig tayong tumawa at magpatawa. Gustong-gusto nating nagbabasa ng nakakatawa, nanonood ng nakakatawa at makinig ng nakakatawa.