Home » Summer 2024: 5 Tips para Ma-Achieve ang Inaasam na Beach Body

Summer 2024: 5 Tips para Ma-Achieve ang Inaasam na Beach Body

Ramdam na ang tag-init ngayong nagsimula na ang buwan ng Abril. Samu’t saring beach inspo na ang lumalabas sa iyong social media feed. Mga aesthetic na litrato ng puting buhangin, asul na dagat, puno ng niyog na pinapasayaw ng hangin, makapigil hiningang takip silim, at syempre mga makukulay na summer outfits at swimwear.

Photo by Steven Wilcox on Unsplash

Ready na ba ang iyong summer beach body? O bakas pa rin ba ang mga naiwang alaala ng masasarap na pagkain noong Holiday Season? Kung hindi ka pa ready, may ilang tips kaming inihanda upang makamit mo ang inaasam-asam na beach body.

1. Kumain ng Sapat at Masusustansyang Pagkain

Ayon sa datos ng National Nutrition Surveys of FNRI-DOST, patuloy ang pagbaba ng pagkonsumo ng prutas at gulay ng mga Pilipino sa nakalipas na tatlunmpung limang taon.

Nangangahulugang ang ating diyeta ay kulang sa sustansya dahil hindi tayo masyadong kumakain ng prutas at gulay. 

You are what you eat ika nga. Kung masusustansyang pagkain ang iyong kinokonsumo ay natural lang na maganda at malusog ang iyong pangangatawan. Ang prutas at gulay ay nakakatulong sa pagpapaganda ng balat dahil sa kanilang antioxidants na tumutulong protektahan ang ating balat.  Nakatutulong din ito sa digestion dahil sa taglay nitong fiber. 

Ngunit kung ang iyong kinakain ay puro basura (junk food) ay hindi lamang na hindi maganda ang kalalabasan ng iyong pisikal na pangangatawan. Hindi rin magiging maganda ang iyong kalusugan.

2. Uminom ng Tubig

Madalas nababalewala ang pag-inom ng tubig lalo na kung abala sa ginagawa o kaya ay napapalitan ito ng mga alternatibong inumin tulad ng kape, milktea, juice o softdrinks. 

Mahalaga ang pag inom ng sapat na dami ng tubig lalo na sa tag-init upang hindi madehydrate. Dahil kapag dehydrated, natutuyo din ang balat lalo na sa labi. Nakaka-boost ng skin health and beauty ang pag inom ng sapat na tubig.

Nakakatulong din ang tubig na matanggal ang mga dumi sa ating katawan gayun din ay pababaain ang ating tempratura na mahalaga lao na kapag tag-init.

Despite the popularity of the 8 glasses of water a day rule, in most cases, you need more than 8 cups daily to maintain your water balance. Males typically need about 15.5 cups (124 ounces) while females typically need 11.5 cups (92 ounces) of water per day. But this can also include intake from other sources, such as fruit.

How Much Water Should You Drink Per Day?

Kaya inom na ng tubig para healthy at glowing ang skin sa iyong upcoming vacay.

3. Mag-Ehersisyo.

Ang pag-eehersisyo ay hindi lamang upang magkaroon ng abs at muscles. Mahalaga ito para sa ating pangangatawan dahil hindi lang nito tinutulungang maging aktibo ang ating isip at pangangatawan, nakatutulong din ito para palakasin ang muscles at buto at mabawasan ang risk ng pagkakasakit.

Kaya’t igalaw galaw ang katawan. Magpapawis. Magjogging sa umaga. Dumalaw sa gym. Gawin ang 14-day abs challenge ni Chloe Ting. Maglakad. Tumakbo papunta sa opisina kung matrapik sa EDSA. 

4. Mag-Meditate

Napakaraming bagay ang nagdudulot sa atin ng stress. Ilang halimbawa ay ang: pakikipagdigma papasok sa trabaho, paggawa ng project ng mga anak, paghuhugas ng pinggan, paglalagay ng liston sa pantalon, pag-aantay sa next episode ng K-drama, pagbubudget ng sweldo, pagbaba at pagtaas ng presyo ng sibuyas, pag-iisip kung bakit maraming may bibe sa ulo, pag-iisip kung ano ang iyong OOTD kinabukasan, acting skills ni Herlene Budol, pagdadalawang isip kung iche-check out mo na yung in-add to cart mo noong isang araw, at pakikipagdigma sa rider na hindi mahanap ang iyong bahay.

Ang ating wrinkles ay bunsod ng ating nga isipin sa araw-araw. Bukod sa wrinkles, ang stress ay nagdudulot din ng maraming sakit tulad ng sakit ng ulo, madaling pagkakasakit dahil sa mahinang immune system, pananakit ng dibdib na maaaring mauwi sa stroke, sakit sa puso, at iba pang sakit. 

Kaya’t maraming nagrerekomenda na mag-meditate kahit man lang 20 mins kada araw na maaaring simulan sa pagpikit at paghinga ng malalalim at pagsabi ng breathe in at breath out.

Kung maikli ang attention span mo, maaaring makinig ka ng mga meditative music tulad ng ulan, tunog ng mga ibon at swaying leaves. Habang nakikinig ay huwag munang mag-isip ng kahit ano.

Ang meditation ay makakatulong para maging klaro ang iyong pag-iisip, masimulan mo ang araw na may positive outlook sa buhay.

5. Mahalin ang Sarili

Kung umabot ka sa ika-limang tip at nag-e-expect ka na mababawasan ka ng limang kilo in just 5 tips, pasensya na at hindi posible ‘yun.

Ang ika-limang tip ay ang pagmamahal sa sarili. Tingnan ang sarili sa salamin. Mahalin lahat ng iyong flaws at tandaan na all bodies are beach ready. Mapa dad bod, mom bod, beer belly, lahat iyan ay beach ready.

Nararapat lamang na maging proud sa iyong pinaghirapan. Isuot na yang pinapangarap na summer outfit. I-flaunt ang iyong body sa iyong vacay pics.

Ang pinakamahalaga sa lahat ay magkaroon ng Sound Mind and Sound Body o ang pagkakaroon ng malusog naisip at pangangatawan. Hindi lang dapat ang pisikal na anyo ang ating pangalagaan kundi ang ating pisikal, emosyonal at mental na kalusugan. 


Discover more from The Pinoy Site

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a Reply

Discover more from The Pinoy Site

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading