May Kabuluhan Pa Ba?

Sa panahon natin ngayon na dumadami ang napapabalitang mga krimen na mga kabataan ang sangkot, may kabuluhan pa ba ang mga katagang “Kabataan ang pag-asa ng bayan”?

Binanggit ni Jose Rizal ang bagay na ito sa kanyang tula na pinamagatang “A La Juventud Filipina” o “Sa Kabataang Pilipino” sa Tagalog. Narito ang unang stanza ng tula sa Kastila at Tagalog:

A La Juventud Filipina
(Original Spanish, 1879)

Alza su tersa frente,
Juventud Filipina, en este dia!
Luce resplandeciente
Tu rica gallardia,
Bella esperanza de la Patria Mia!

Sa kabataang Pilipino
(Tagalog Version)

Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!

Sa paglipas ng maraming taon, ilang beses na rin nagpalit ang henerasyon ng mga kabataan. At sa bawat bagong henerasyon ng kabataan na dumarating, patuloy pa rin sinasambit ang mga katagang “Kabataan ang pag-asa ng bayan”. Pero bakit?

May saysay pa bang ulit-ulitin sa ating mga kabataan na sila ang pag-asa ng bayan?

Ang paksang ito ang tatalakayin sa espesyal na blog post sa Agosto 1, 2012. Isang karangalan para sa akin ang mapaunlakan ng nag-iisang JKulisap para sa post na ito.

Sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay ginoong JK, mangyaring puntahan lamang po ang mga link sa ibaba para mas makilala s’ya.

  • Interview: Damuhan Hotseat
  • Nakakatawang Q and A: Formspring Account

Siya ay payak at tunay na may kayumangging damdamin. Ang mga katha ni JKulisap ay matatagpuan sa kasalukuyan n’yang headquarters: http://kainaman.wordpress.com

Abangan ang natatanging post sa Miyerkules. Hindi ko alam kung kelan ulit ito maaaring maulit 😀

ResidentPatriot
Author: ResidentPatriot

Male, Engineer, Artist, Writer, tumatanggap din ng labada tuwing Sabado...



Categories: Halu-halo

Tags: , , , ,

14 replies

  1. magkano ba ang palaba? ahehehee.

    • Hello 25peso, ano ibig mong sabihin? Yung totoong labada ba? Mura lang sa akin, 33 pesos per kilo, libre na tupi, hiwalay yung bayad sa pag-pickup ng lalabhan sa bahay nyo at delivery pabalik pagkatapos. Papalaba ka? Sineryoso ba? hehe

    • Ako din Patriot, palaba ha? hihihi…tumatanggap ka ba ng “rush”? yung tipong pagbigay ngayon, pag wave ng wand ay tuyo at nakatupi na? (ay, sorry, ResidentPatriot pala ang site na ito, kala ko Harry Potter….^_^ )

      Naku kapatid, maraming salamat sa pagbabasa ng aking http://chilledhoney.wordpress.com/2012/07/29/aves-de-rapina-birds-of-prey/ ha?… Tuwang tuwa talaga ako na may nag comment jan..kahit maikli, at least alam ko nabasa…

      Pambihira, alang pumansin noon, buti pinansin mo….eh kasi naman, napansin ko lang, pag kaemohan ang post ko, maraming komentaryo…

      Pag maanghang na pagtuligsa na sa mga naoobserbahang wala sa ayos, lalo na sa “gubat” na ginagalawan natin, hayyyyyy tulog ang comment button ng aking pahina, pambihira!!! Actually, yan ang obserbasyon namin ni cup…(oi special mention ka maestro ha? plugging ito)…

      Oi kapatid, winner ka pala sa KM3, congrats ha? Ang gagaling ninyo….Pambihirang mga kakayahan sa pagsusulat!

      Nameet ko ung iba, pati yung mga taga ibang bansa na umuwi nung nag imbita si Kulisap… naku nakakatuwa talaga… 🙂 Alam mo kung bakit? Nagkita kita lang talaga, nagkwentuhan, kumain, pero di nagpakilalahanan ng pormal, blogname pa rin ang pakilala… kainaman!

      Pasyal ako dine ha?

      • Hello Madam, maraming salamat sa pagdaan at ginawa talaga nating paglalabada ang topic ng comment section na ito. Maka-“Lord of the Rings” pala ako at “Narnia” hehe wala pa ‘ko napanood sa Harry Potter.

        • hmmmm….

          naku mabagal kung magpapalaba sa hobbits…

          tapos malamig naman sa narnia, di matutuyo ang labada

          🙂

          hello Patriot!

          hay naku, may isang tugon-tula ako ginawa sa kabataan kanina, kaso may maling napindot, ayun nawala… tsk tsk tsk… nainis ako kaya babalikan ko na lang….gagwa na lang uli 🙂

Leave a Reply

Reset password

Enter your email address and we will send you a link to change your password.

Get started with your account

to save your favourite homes and more

Sign up with email

Get started with your account

to save your favourite homes and more

By clicking the «SIGN UP» button you agree to the Terms of Use and Privacy Policy
Powered by Estatik
%d bloggers like this: