Tag Archives: pinoy jokes tagalog

Komik Istrip 001

Dahil malapit na ang eleksyon, narito ang isang handog na komik strip…

pinoy joke election

Please vote wisely ๐Ÿ™‚

Advertisements

Pinoy Jokes sa Kulturang Pilipino

Isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa aking pagiging Pilipino ay ang aking pagiging mahilig sa pagtawa at pagpapatawa. Gusto kong nagbabasa ng nakakatawa, nanonood ng nakakatawa at makinig ng nakakatawa.

Naaalala ko pa, mga dalawumpu’t pitong libong taon na ang nakakalipas, nung ako’y bata pa at wala pang masyadong iniintindi sa buhay (kundi ang paano lalansihin ang aking nanay para makapanood ako ng marathon ng saturday morning cartoons na hindi inaabala ng kung anu-anong utos), napakahilig ko na sa mga pinoy jokes.

Gustung-gusto kong pinapanood ang mga comedy sitcom sa tv. Gustung-gusto ko binabasa ang pinoy jokes corner ng mga babasahin. Inaabangan ko ang joke time portion ng mga variety show at programa sa radyo. Gustung-gusto ko rin makipagpalitan ng mga nakakatawang jokes sa aking mga kalaro, kamag-aral at kamag-anak.

Kung may mga nag-iipon ng tansan at goma nuong kabataan ko, ako naman ay nag-iipon ng mga nakakatawang jokes na maipagyayabang ko sa iba. Kargado lagi ako nuon ng mga bago at kakaibang jokes.

Maraming Pilipino ang mahilig sa katatawanan, makikita natin ito sa lahat ng porma ng media, mapa-radyo, dyaryo, magasin, komiks, libro, pelikula, telebisyon at ngayon ay sa internet.

Maraming pinoy jokes ang public domain, ibig sabihin, available for public consumption. Pinag-pasa-pasahan na ang mga jokes nang hindi binibigyan ng credit ang orihinal na nakaisip. Sa maraming pagkakataon, nagkaroon na rin ito ng iba’t ibang bersyon subalit walang magke-claim ng copyright. Pero may bagong joke book akong nakita na nagke-claim na kanila ang jokes na inilathala nila kahit na obvious namang matagal na panahon ng alam ng madla yung ilang mga jokes na nasa libro nila.

Ang pagiging masayahin at mahilig tumawa ng Pilipino marahil ay isa sa mga dahilan ng pagiging mababa ng suicide rate sa ating bansa sa kabila ng maraming problema ng ating lipunan. Makikita pa natin minsan na kahit nasunugan na ng bahay at lahat ng ari-arian eh nagagawa pa nung naperwisyo na ngumiti pag na-interview sa tv.

Ang pagtawa ay nakakabawas ng stress, nakakagaan ng kalooban at nakakapagpalusog sa ating puso. Kaya mga kababayan, hala sige, tawa lang!ย Pero ‘wag yung pang-kontrabida na tawa ha?

Narito ang ilang mga jokes. Ang drawings ay akin subalit ang jokes ay merong original at meron ding mga gasgas na. Kung may alam ka ring jokes, pa-share naman ๐Ÿ™‚ Paki-click na lang din ang drawing para lumaki at mabasa ng mas maayos ang nakasulat.

thepinoysite malilimutin
malilimutin nga…
kulang sa pansin
may problema nga siya…
thepinoysite social climber
ambisyosa si madir…
pinagpapawisan
pawis pala ‘yun…
junk food
hindi nga naman maganda yung sobrang nutrients…
hi-tech relo november 9 2013
may libre ka pang scoliosis…
slow texting 8nov2013
ganito ang ulirang anak…
may hinahanap
what a logic…
mahirap na kahilingan
kahit magic hindi na kinaya…
merong nalimutan
ayun naman pala eh…
circumference
“istrikto’ng parents” daw n’ya…
calculator
sabi n’ya, “call you later” daw…
kagandahang panloob
ang bait ni tatay…
nakakadiring trabaho
dami pa kasing reklamo eh…
kuwentong istatwa
walang kamatayang ka-kornihan…
flying voter
h’wag pabotohin ‘yan…
addition genius
alam naman pala ang sagot eh…
status update
adik sa facebook…
homemade cooking
walang tatalo sa luto na may love…
military secret
alam na…
mahinang pandinig
iba ang pinagdiskitahan…
sikreto ng pagtanda
‘wag n’yo na ikalat ‘yang sikretong ‘yan…
kamandag ng ahas
ang hirap maging ahas…
plate number
nakuha nga…
tubig dagat
ah, kaya pala…
extra service
nangatwiran pa…
kung magsasalita lang siguro ang mga gamit natin, marami silang masasabing interesting…
mahirap na talaga ‘pag sikat…
marami siguro nakaka-relate dito…
sa tingin ko magkakatuluyan ang dalawang ‘to…
pwede rin s’yang maging louis vitton o kahit ano’ng branded na bag…
pwede rin s’yang maging tablet, basketball, i-phone o kahit ano’ng gaming console…
pinauso nina tito, vic at joey…
toilet humor
kadiri talaga ‘tong mga langaw na ‘to…