Bakit Inaangkin ng Tsina ang Buong Karagatan ng West Philippine Sea
Bagama’t umaani ng kabi-kabilang pagtuligsa mula sa iba’t-ibang mga bansa, ipinipilit ng Tsina na mayroon itong karapatan sa mga isla, bahura, at mga yamang-dagat sa loob ng inimbento nilang ten-dash line. Iginigiit din ng China na may karapatan itong ipagtanggol ang kanyang soberanya at interes sa lugar.