Tag Archives: 1987 Constitution ng Pilipinas

Anti-Political Dynasty Law? Asa Ka Pa!

Napanood ko ang napakagandang topic sa Failon Ngayon nuong October 20, 2012 tungkol sa mga Political Dynasties sa Pilipinas.

Nabanggit ni Ted Failon sa huli na bagamat merong bill na ginawa para pigilan ang paglaganap (pa lalo!) ng Political Dynasties eh matatagalan pa bago ito maisabatas dahil parang pumulot ng batong ipupukpok sa sarili nilang ulo ang mga mambabatas kapag ipinasa nila ang bill na ito.

Nasabi tuloy ni Ted Failon, “Maaaprubahan ba ang Anti-Political Dynasty Bill? Asa ka pa!” (actually, nalimutan ko na ang eksaktong mga salita, pero parang ganito 😀 )

political families ng pilipinas
The family that runs together, stays (in power) FOREVER

Ayon sa 1987 Constitution, Article 2, Section 26

Dapat seguruhin ng Estado ang pantay na pag-uukol ng mga pagkakataon para sa lingkurang pambayan, at ipagbawal ang mga dinastiyang politikal ayon sa maaaring ipagkahulugan ng batas.

(Source: 1987 Konstitusyon ng Pilipinas)

Pero dahil wala pang batas na nagbibigay kahulugan sa salitang “Political Dynasty”, walang pumapansin sa artikulong ito (kundi tayo 🙂 )

Ang House Bill No. 3413 o Anti-Political Dynasty bill na inihanda ni Cong. Teddy Casiño ay sumasaklaw mula sa Pangulo ng bansa hanggang sa Sangguniang Kabataan level. Ipinanukala ang bill nuon pang October 4, 2010 and my golly gee, 2 years na ang nakalipas, bill pa rin ito na pinagpepyestahan lang ng mga langaw.

Samantala, ang House Bill 5808 na ipinanukala nuong February 9, 2012 ay naaprubahang batas agad nitong September 12, 2012 (in 7 months!) at kilala na ngayon bilang Cybercrime Prevention Act of 2012 (RA 10175).

Sa mga napanood kong interview sa tv at nabasang balita sa internet, ang mga myembro ng political dynasty ay may pare-parehong sagot:

1. Hindi kami political dynasty
(kahit buong mag-anak silang nanunungkulan sabay-sabay)

2. This is our destiny
(wala na palang free will ang tao)

3. Wala namang masama sa political dynasty
(kapag na-corner na sila)

Kung nagmukhang summary ng episode ng Failon Ngayon tungkol sa political dynasty ang post na ito, tama ka, parang ganun na nga ito 😀

References:

Related Articles:

Advertisements